Napatingin ako sa nilabasan ng dalawang bisita ko at naalala ko kaagad si Ging. Nang lumabas ako saktong bumukas ang pintuan sa katabing opisina ko lumingon sa akin ang dalawang taong lumabas.
"Mr. Kevin," pagbati ng lalaking muntik ko nang masapak kanina, at nakita ko ang ginawa niyang paghalik sa labi ni Ging na alam kong hindi gusto dahil sinampal niya kaagad ang lalaki.
"Napaka-manyak mo!" sigaw niya at nakita ko ang takot sa mukha niya nang aambahan siya nang sampal nang lalaki kaagad akong lumapit at hinawakan ang braso nito.
"Lalaki ka ba talaga?" nasambit ko bigla sa kaharap ko at binalya ang kamay nito na ikinagulat naman nang lalaki.
"Ang—" putol ng lalaki nang sumigaw ako sa pag-mumukha niya.
"Bakla ka! Pumapatol ka sa babae, at lalong wala kang nirerespetong tao." sigaw ko na lang at nang susugurin na ako may umawat na kapwa naming abogado.
"Magbabayad ka! Putang ina mo humanda ka!" pagwawala ng lalaki at kinaladkad siya nang kapwa naming abogado na nakakita ng eksena.
Nagulat ako nang yakapin niya ako at umiyak siya nang umiyak inalo ko na lang para mapatahan.
"Ms. Ramirez, isumbong mo 'to sa Papa mo wala siyang karapatang manakit ng babae at bisita lang siya ni Mr. Kevin." sabat ng secretary ko at bumaling ang tingin ng mga nanonood sa amin.
Tumingin sila sa akin at bumuntong-hininga ako at tinayo ko na lang siya mugto na ang maganda niyang mukha.
"Pwede natin siya ka—" banggit ko nang putulin niya ang sasabihin ko dapat sa kanila nakita ko na yumakap siya nang mahigpit sa akin.
"Baka idamay niya ang anak natin..." mahina niyang bulong sa akin mas dapat ko 'yon gawin kung ganun dahil kung ipapahamak niya ang anak ko.
"Itutuloy ko, Ging ang i-kakaso ko at kailangan ko ang tulong mo dito ayokong mapahamak ka at sa nakikita ko mas masasaktan ka niya kapag palagi kang guguluhin pati sa bahay nyo ginugulo ka?" seryoso kong tatanong at pumasok kami sa loob nang opisina niya.
"Hindi, Win—" pag-putol ko sa sasabihin niya kahit matagal na kaming hindi nagkita kilala ko kung nagsisinungaling ba siya o hindi.
"Huwag mo na ako pag-taguan, Ging lumabas ka muna saglit." pag-tukoy ko naman sa secretary niya na nakatayo sa tabi niya.
"Ma'am?" pag-tawag nito sa amo niya tumingin siya at tumango.
Lumakad na siya palabas ng opisina at hinawakan ko ang namumula niyang mukha.
"Pinupuntahan ka ba niya sa inyo?" pagtatanong ko ulit sa kanya at bumitaw ako pagkatapos.
"Kahit matagal na tayong hindi nagkita kilala mo talaga ako," nasambit niya sa akin at hinawakan ang kamay ko nagka-titigan kaming dalawa pagkatapos.
Mas gumanda siya sa paglipas nang panahon hindi mahahalatang may anak na siyang dalaga. Kung hindi ba dumating sa buhay ko si Light, ano na kaya ang buhay ko ngayon?
Ako ang unang nagloko sa aming dalawa nagmahal nang hindi babae—kundi katulad ko pa nahulog ako sa lalaking 'yon eh...
Mahal ko si Light hindi naman nawala ang puwang na pagmamahal na meron ako sa kanya.
"Dahil first love—puppy love natin ang isa't-isa," sambit ko.
"Oo, na ako din ang dahilan kung bakit nawala ang pagmamahal mo sa akin at umibig ka sa iba hindi ko man kilala ang napaka swerteng taong naging bahagi ng buhay mo alam kong masaya ka na sa kanya ayoko na rin guluhin ang buhay mo, tama na nang makilala mo lang ang anak mo." wika niya sa akin masaya ako na bukas ang isipan niya tungkol sa present ko.
"Hindi mo sinabi ang gusto kong malaman," banggit ko.
"Oo, madalas nagpupunta siya sa bahay namin naka-bukod na ako nang tirahan sa pamilya ko mula nang magtapos ako ng pag-aaral ko," anito sa akin nakita ko ang pag-iwas niya nang tingin sa akin.
Bigla akong tumahimik sa sinabi niya dahil ganun din ang ginawa namin noon ni Light nagsama na kaming dalawa.
"Saan na kayo nakatira?" pagtatanong ko na lang sa kanya nang bumaling ang tingin ko.
"Sa—" putol nito nang bumukas bigla ang pintuan at bumungad sa amin si ate Pam.
"Ate!" sabay naming sambit sa bagong dating na tao tumayo pa kaming dalawa.
Nagulat ako nang sugurin ni ate Pam ang kapatid nang yakap.
"Bakit? Bakit hindi mo sinasabing pinupuntahan kayo nang lalaking 'yon sa condo mo?" pagtatanong ni ate Pam sa kapatid niya nang lumayo siya.
"Sino ang—" putol niya nang magsalita ang kapatid niya.
"Ang anak mo, Ging siya ang nagsumbong sa akin kayong dalawa lang nakatira dun at babae pa, kailangan malaman ng magulang natin 'to." wika ng ate niya nagulat ako sa nalaman mula sa kanilang magkapatid.
Lumingon sa akin si ate Pam at sa kapatid niya nagsalita kaagad ako dahil baka iba ang nasa isip nito.
"Kung ano man ang nasa isip mo, ate walang katotohanan sinampal nang lalaking 'yon ang kapatid mo nang hindi niya nagustuhan ang pag-manyak nito sa kanya," sabat ko bigla sa kanilang dalawa.
Bumaling ang tingin nito sa kapatid niya at nakita ang pamumula nang mukha umiwas sa kapatid si Ging.
"Dapat malaman 'to nang magulang natin, Ging wala siyang karapatan na saktan ka!" sigaw nito sa harap namin umiwas naman ako nang tingin sa kanilang dalawa.
Nagulat ako nang hilahin niya kami ni ate Pam palabas nang opisina ng kapatid niya kahit matangkad ako sa kanilang dalawa ayoko maging bastos sa harap nang mga ka-trabaho namin.
Lumabas kaming tatlo sa ULF at nakita ko pa ang dapat hindi ko makikitang tao.
Si Light...Ano ang ginagawa niya dito?
Gabing-gabi na! Mamaya pa ako uuwi eh!
"Ate, bakit?" sigaw ko bigla at bumitaw sa pagkakapit niya sa braso ko.
Lumayo ako sa kanilang dalawa at nakita ko ang pagtataka sa mukha nila.
"May trabaho pa ako sa loob, ate," sambit ko sa kanilang dalawa nabaling ang tingin ko kay ate Pam.
"Ikaw ang witness ni Ging para malaman ni Papa ang nangyayari sa kapatid ko, ikaw ang nakakita sa pangyayari kung nandito lang ang asawa ko patay na ang lalaking 'yon ngayon." wika nito natahimik naman ako sa kanila ramdam ko nakatingin sa amin si Light mula sa likod ko.
"Ayoko makigulo pa sa anumang nangyayari sa kanila," pag-amin ko sa kanilang dalawa nagulat ako sa ginawa ni ate Pam.
"Para sa kanilang kaligtasan, Win ayokong mapahamak silang mag-ina mag-susumbong lang tayo sa Papa ko, judge siya, Win." anito natahimik naman ako sa sinabi nito sa akin.
"Huwag na, ate natatakot rin ako baka balikan niya tayo," sabat niya sa kapatid niya nang hahawakan ang kamay nito.
Bumuntong-hininga na lang ako magsasampa ako ng tatlong kaso sa lalaking 'yon kapag malaman ito ng Papa nila at ipapaalam ko ang balak ko.
"Sige," bumuntong-hiningang sambit ko sa kanila wala akong dala na kahit ano sinabi ko 'yon sa magkapatid.
Sumakay na kaming tatlo sa sasakyan at magkakatabi kaming tatlo sa backseat.
"Babalikan natin ang gamit mo sa opisina mo mamaya kapag nakausap natin si Papa, Win." sambit ni ate Pam tahimik lang sa tabi ko ang kapatid niya.
Hindi na lang ako sumagot kay ate Pam tumingin pa ako sa likod nang masiguradong siya ang nakita ko kanina at tama nga ako.
Si Light nga ang nakita ko, susunduin niya ba ako kaya nandun siya? Oo nga pala!