Chapter Sixteen

1314 Words
Naging busy ang araw ko nang biglang binigay sa akin ang ibang kliyente nang ibang lawyer na nag-bakasyon. "Sir, nandito na siya." nasambit ng secretary ko nang tumingin ako sa may pintuan at nakasilip siya. "Papasukin mo." sambit ko na lang at inayos ang mga nakakalat na papeles sa mesa. Ang iniwan ko lang ang folder nang taong inaasahan ko ngayon nabasa ko na ang nirereklamo nito. "Magandang araw, attorney!" pagbati ng matandang lalaki may kasama siyang attorney. "Ano ho ang ipaglilingkod ko sa inyo?" tanong ko muna at tinuro ang couch. "Kailangan ko kasi nang isa pang attorney, Mr. Kevin para sa lupang gustong ibenta sa iba ng adopted child ko na hindi niya pa pagmamay-ari," kwento ng matandang lalaki sa akin napatingin ako sa dalawang taong nasa harap ko. "Hindi ba siya naniniwalang sa'yo nakapangalan ang lupa at hindi pa sa tinutukoy mong adopted child?" tanong ko na lang may mga ganitong kaso ang na-kwento ng mga kasamahan ko dito. "Pupunta daw siya ngayon, attorney gusto niya kayo makaharap." sabat ng attorney na kasama niya. "Anong oras siya darating? Kung darating ang anak mo." nasambit ko na lang sa client ko. "Tawagan mo ang anak ko," wika ng client ko sa attorney niya. "Bakit hind ikaw?" tanong ko. "Hindi niya sinasagot ang tawag ko kapag ako ang tumatawag." wika ng client ko sa akin. Tumahimik na lang ako at bumuntong-hininga inayos ko ang dulo nang polo shirt ko at tinaas nang bahagya. Pinag-usapan namin ang pinagmulan ng hindi pagkakaunawaan. "Hindi ko ibibigay sa kanya ang lupa ko, attorney kahit mamatay ako hindi mapupunta sa kanya ang lupa meron ako." sambit ng client ko. "Bakit naman?" pagtatanong ko dahil adopted child niya ang nirereklamo niya kahit hindi sila related-blood. "Gahaman siya sa kamayanan ko, attorney hindi man ako kasing-yaman ng iba may pundar ako na gusto niya angkinin." sambit ng client ko sa akin natigilan naman ako sa narinig. "Saan nyo iiwanan ang pundar nyo?" seryosong tanong ko na lang. "Sa Charity foundation, i-bebenta ko ang lupa ko sa kanila at sa mababait kong kamag-anak na may malasakit sa akin." wika ng client ko natahimik naman ako sa sinabi nito. "Mga pera?" tanong ko. "Gagamitin ito kapag namatay ako at ang kalahati sa kanya," sambit nito sa akin at tumitig ako sa kanya. "Kaya ba hindi ka pumayag na ibenta niya ang lupa mo?" tanong ko sa client ko. "Oo, 'yon ang dahilan." sambit ng client ko at bumuntong-hininga ako. "Ito ang lahat ng affidavit ng ari-arian ng client ko at ang ito rin ang will niya kapag namatay siya hindi matanggap ng anak niya ang totoo." sambit ng attorney sa akin at kinuha ko ang inabot niya. "Wala ba siyang attorney?" tanong ko sa kanila. "Meron daw, pero iba ang kutob ko sa kanila at ng client ko kaya nagpunta kami dito para may dalawang kopya kami nang nagpapatunay na totoo ito dahil tambangan kami sa daan o sa bahay namin." sambit ng attorney sa akin. "Alam niyang dalawa ang attorney ko pero hindi niya kilala ang isa ngayon gusto niyang patunayan na nagsisinungaling ako." sambit ng client ko. "At ako ang haharap sa kanya at patunayan na nagsasabi ka nang totoo?" pagtatanong ko sa client ko. "Oo." wika ng client napalingon kami sa bumukas at bumungad ang secretary ko na may kasamang lalaki. "Sir." tawag ng lalaki sa attorney ng client ko at may kasama siyang matandang lalaki. "Maupo kayo." sabat ko na lang at tumingin sila sa akin. Napabaling ang tingin nila sa akin at natawa hindi naman ako umimik. "Artista 'yan, dad pepekein mo ba ako?" biro ng bagong bisita ko. "Excuse me? Where are you to say that? You have no respect for where you are." seryoso kong sambit sa kaharap ko napatigil sila sa pagtawa. "It's true, you're acelebrity." wika ng lalaki sa akin. "Yes, but I'm not just a celebrity, I'm also a lawyer," sambit kong seryoso sa kanila dahilan para matigilan sila. "Maupo muna kayo, wala ka talagang respeto, ano? Nasa kumpanya tayo ng mga lawyer at kahit celebrity siya isa rin siyang lawyer." sabat ng client ko. "Respect where you are, I can accuse you of insulting me." seryoso kong sambit sa anak nang client ko. "Tell him that's why I'm here." sabat naman nang client ko sa akin tumango kaagad ako sa kanya. Tumingin ako sa anak nang client ko bago ko siya sinamaan ng tingin. "First, I want to see the other side's affidavit first," sambit ko nang seryoso at nag-kunwari akong nilapat ang palad ko at tumingin sa likod kung saan nakatayo ang mga bagong bisita. Sinundan ko ng tingin ang ginawa ng attorney kasama ng anak nang client ko. "Here," wika ng matandang lalaking kasama ng bagong bisita ko. Kinuha ko nang lumapit ako sa kanila at bumalik kaagad ako sa pwesto ko. Tahimik lang sila habang binabasa ko ang binigay na affidavit ng attorney. "Attorney? Nasa po si miss attorney Ramirez." sumilip nasambit ng secretary ko dahilan para mapatingin ako. "Pakisabi kay attorney na mamaya na lang niya ako kausapin may client ako." aniko sa secretary ko at tumango sa akin. Binalik ko ang tingin ko sa binabasa ko at sineryoso ang mukha. "May karapatan ang client ko na hindi ibigay sa'yo ang lupa niya dahil hind pa ito nakapangalan sa'yo kahit sabihing ampon ka niya at may karapatan ka siya pa rin mag-dedesisyon kung kanino niya ibibigay ang lupa wala kang karapatang ibenta sa iba ang lupang hindi sa'yo o HINDI pa sa'yo huwag kang tanga para hindi 'yon maintindihan." sambit ko nilabas ko na ang sungay ko dahil binastos ako. "Excuse me? I am his child." sabat ng anak nang client ko sa akin na biglang tumayo sa inuupuan niya. "Yes, you're his child but, he hasn't given it to you yet, you're claiming it, or I mean will he really give it to you?" sambit ko kaagad sa anak ng kliyente ko. "Why not? I'm his only family," nasambit nito sa akin at lumapit para hampasin ang mesa ko. "Yeah, don't you think you're not just his family, he still has a living relative," sambit ko. "To whom will you give your land and money? You will give it to me, won't you?" tukoy nito sa client ko napabaling ang tingin namin. "May tamang para nalaman mo kung saan mapupunta ang pundar ko." sambit ng client ko at nagulat kami nang kwelyuhan nito ang tinuturing na magulang. Tinulak ko siya nang susuntukin niya ang client ko at hinarang ang kamao ko mabuti nag-gym kami ni Light at malakas ang resistensya ko. "Subukan mong gawin 'yan ngayon, kundi may kaso kang haharapin," galit kong sambit sa anak nang client ko. "Putang ina! Humanda kayo sa akin at magbabayad kayo." sigaw ng anak nang client ko sinangga ko ang braso ko sa kanya. Sinalo ko ang kliyente ko na nawalan nang balanse at tumulong ang abogado nito. Kinuha ng abogado ng anak nito ang affidavit na binabasa ko. Pero, dinaganan ng isang pkamay ko kaya hindi niya makuha. "Subukan mo at pati ikaw may pag-lalagyan," sambit ko. Umalis na lang ang dalawa at inupo namin sa couch ang client ko at inalok ko nang tubig na dala ko. Kaagad niya 'yon ininom at sumenyas ako na huwag nang ibalik sa akin. "Ganyan ba talaga ang pinalaki mong anak?" tanong ko sa client ko. "Hindi siya ganyan noon, nagsimula 'yan nang nakatikim nang droga." sabat ng attorney nabigla ako sa nalaman ko. "Bakit hindi nyo siya ipakulong o dalhin sa rehab?" pagtatanong ko na lang sa dalawang kasama ko. "Nagagalit siya kapag sinasabi naming dadalhin namin siya sa rehab at nagwawala siya." sabat ng attorney sa akin nabaling ang tingin ko sa client ko. "Kaya kailangan ko ang tulong mo." sambit ng client ko. "Obsessed din siya kay attorney Ging Ramirez." sabat ng attorney mas nagulat ako sa nalaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD