Nagising ako nang dahil sa mahal ko pero nag-kunwari akong natutulog pa rin sa kama namin.
"Babe!" tawag niya sa akin at niyuyogyog niya ang balikat ko.
"Uhmmm..." ungol ko na lang at tumagilid pa talaga ako binato niya ako nang unan sa ulo ko napaungol na lang ako.
"Bernard Williams! Gising na!" sigaw naman niya sa akin dahilan para dumilat ako.
"Nasa kabila-" putol ko nang hampasin pa rin niya ako nang unan sa mukha ko.
Bumangon na kaagad siya at nang lalabas na sa kwarto namin hinaltak ko siya sa braso kaya natumba siya sa ibabaw ko.
"Ikaw ah!" biro ko na lang sa kanya nang halikan ko siya sa labi niya.
"Mag-almusal ka na, aalis na ako may trabaho pa ako hindi ba, babe pansamantalang teacher ka sa unibersidad natin? Baka mahuli ka." aniya sa akin hinampas niya ako sa braso ko at naalis ko sa tapat nang dibdib niya.
Inayos niya ulit ang buhok niya nang magulo dahil sa kagagawan ko at nagpalit siya nang polo shirt at nagpa-bango nabitawan pa niya ito nang balyahin ko ang kamay niya.
"Babe!" bigla niyang sambit sa akin napasimangot na lang ako nang mukha.
"Hindi mo kailangan magpa-bango," aniko sa kanya nakakaramdam ako nang selos kahit walang dapat pagselosan.
Tinampal niya ang kamay ko dahil sa ginawa ko sa kanya.
"Gusto ko nang comportable ang mga client na haharapin ko, babe kaya kailangan ko magpa-bango saka nagseselos ka nang walang dahilan?" bulalas naman niya sa akin at nagsuot na siya nang suit pati nang sapatos.
Hinalikan na lang niya ako sa labi at nagpaalam na siya akin at lumabas na siya ng condo namin.
"Babe!" tawag ko na lang at nakalimutan kong naka-alis na pala ito nang condo namin.
Napatapik ako nang noo at kumain na lang ako nang hinanda niyang almusal. Nang matapos ako kumain nilagay ko kaagad sa lababo para hugasan nang matapos ako. Pumasok na ako sa kwarto namin para maligo may pasok pa ako sa unibersidad kung saan ako nag-aral noon.
Sa umaga, teacher ako hanggang tanghali.
Sa tanghali, singer ako hanggang gabi.
Kailangan ko rin makausap ang bestfriend ni Ice may kakaiba akong napansin sa kanya mula nang dumating si kuya Jirah.
Nang makapag-bihis na ako naghanda ako ng dadalhing gamit at nagsuot ako ng sapatos bago ko kinuha ang susi ng motor ko. Lumabas na ako at naglakad papunta sa parking lot nang condo.
Nang matapos ako mag-text sa kanya binulsa ko ang cellphone at bumaling ang tingin ko sa bumababang elevator may nakita akong babae na kausap ni Ice noong nakaraan lang.
Umalis na ako at pumunta sa unibersidad namin nakita ko pa ang ka-batchmate ko.
"Mars!" tawag ko na lang kaso hindi niya ako napansin kaya nagpunta ako sa office ng principal.
"Kailangan ko ng isa pang pansamantalang teacher sa unibersidad, Mr. Williams, pwede ka ba?" pagtatanong ng principal sa akin.
"Half day lang ako, sir kasi may trabaho ako sa tanghali at gabi." bwelta kong sambit sa principal.
"Sure, Mr. Williams kilalang-kilala ka as singer sa buong Pilipinas," anito sa akin hindi na lang ako nakasagot sa kanya.
"Salamat, sir," nasambit ko at pumunta ako sa faculty room natawa pa ang mga dati kong teacher dahil ang dating estudyante nila kapwa teacher na rin sa unibersidad.
Magsisimula akong mag-ipon ulit para mapakasalan ko na siya sa ibang bansa. May iniipon kami para sa gastusin at luho namin iba pa rin kapag legal na ang relasyon namin sa batas.
"Akalain mo nga 'yon, Bernard estudyante lang kita noon eh." biro ng dati kong guro at natawa na lang ako.
"Oo nga eh, sir welcome back, self!" biro ko at lahat kami natawa sa sinabi niya.
Nagpaalam na ako para magpunta sa music club binati ako ng mga estudyante ang iba nakilala ako napangiti na lang ako.
"Mabait ako pero, istrikto ako." panimula ko sa kanila nakita ko ang kanilang pagsang-ayon.
Nagsimula na ako sa pagtuturo ng bawat tono at tamang pagkanta ng lyrics. Hindi pa rin siya nagpaparamdam sa akin, busy na siguro siya sa trabaho.
Umupo muna ako sa pwesto ko habang nagsusulat ang mga estudyante ko.
Text message
Light: Busy ka na dyan?
Miss na kaagad kita, babe!
Nakatanggap ako ng reply mula sa kanya at napangiti ako.
Babe: Baliw! Kaninang umaga lang tayo naglayo, ingat ka! Busy na ako kaya hindi kaagad nakapag-text.
"Sir, taken na kayo?" pagtatanong ng isang estudyante sa akin.
Hindi na lang ako nagsalita at nagturo na ako para hindi nila ako tinatanong.
"Bukas na lang tayo magkikita ulit," sambit ko sa klase ko at inayos ang gamit ko bago magpaalam sa kanila.
Si Thana kaya ang kausapin ko? Nagseselos pa rin kasi ako kay Drake ang mag-pinsan naman busy sa kanilang pribadong buhay minsan lang kami nagkikita kapag free ang oras namin.
Nag-text ako kay Thana at sumang-ayon ito na makipagkita napatingin ako sa relo ko alas-doce cuarenta na pala. Sumaludo na lang ako sa security guard at lumabas na ako ng school.
Nagkita kami sa isang resto ni Thana luminga-linga pa ako sa paligid dahil nag-text siya na nandun siya sa resto nang makita ko siya lumapit na kaagad ako.
Nakipag-kamay ako sa kanya bago ako umupo sa upuan.
"Bakit ba?" kaagad niyang tanong sa akin tumingin ako sa kanya.
"May sinasabi ba sa'yong problema si Win?" tanong na kaagad sa kanya.
"Problema? May problema ba sa inyong dalawa?" pagtatanong naman niya sa akin tumitig pa sa siya sa mata ko.
"Wala...wala kaming problema, Thana kasi may napansin ako sa kanya." panimula ko sa kanya at sumandal ako sa kanya.
"Sigurado ka bang wala? Ano ang napansin mo?" pagtatanong naman niya sa akin.
"Naging problemado sa paligid tapos alam mo 'yong feeling na may nakatingin sa'yo kahit wala 'yon ang napuna ko sa kanya." kwento ko na lang sa kanya.
"Kailan nagsimulang maging ganyan si Win?" pagtatanong ulit niya sa akin.
"Mula nang mabanggit nyo ang ULF at may binulong si kuya Jirah sa kanya about dun, anong meron sa ULF?" pagtatanong ko sa kanya, anong meron sa ULF na 'yon.
"Wala na ako dyan, Bernard siya ang tanungin mo maski ako wala...kahit mag-bestfriend kami, siya ang tanungin mo o si kuya Jirah para malaman mo ang sagot sa hinahanap mong tanong sa akin," mahaba niyang sambit sa akin huminga ako wala rin pala akong makukuhang sagot sa kanya.
"Akala ko may makukuha akong sagot kapag nakausap kita, Thana hindi ko kasi nakakausap ng matagal si Win busy na siya." banggit ko na lang sa kanya.
"Ganyan talaga parehas kayong busy na eh, Bernard intindihin mo siya ikaw rin naman may trabaho na saka kausapin mo siya kapag alam mong wala siyang ginagawa talaga bilang lawyer mahirap ang ginagawa namin siya nagsisimula pa lang sa larangan binitawan niya para sa music na gusto nyong parehas," sambit niya ulit sa akin natahimik naman ako.
"Hm, salamat..Thana," nasambit ko na lang sa kanya tumitig pa ako kung may nililihim din siya sa akin at wala akong nakita.
Kumain muna kami sa resto bago nag-hiwalay nang landas nagpunta ako sa network para sa isa ko pang trabaho.