Tumayo na ako pagkatapos ko umiyak nakataggap ako nang text mula sa kanya. Binasa ko na lang at napangiti sa text niya sa akin pinunasan ko muna ang luha ko gamit ang panyo ko.
Text message
Babe: Busy ka na dyan?
Miss na kaagad kita, babe!
Nag-reply kaagad ako sa kanya at nagsinungaling akong busy na ako kaya hindi na nakapag-text. Inayos ko ang suot kong polo shirt bago nag-suklay nang buhok gamit ang kamay ko.
Nagpunta ako sa banyo nasa loob nang opisina ko at nakita ko ang sarili ko na mugto ang mata ko sa kaka-iyak. Nag-hilamos ako nang mukha at binasa ko ang buhok ko para fresh pa rin tignan.
Naupo ako sa upuan at binasa ang mga nakapatong na folders sa ibabaw ng mesa.
"Sir, pwede ko na ba kunin ang napirmahan nyo?" pag-bungad ng pansamantala kong secretary.
"Kailan ako pupunta sa client ko para mapag-usapan ang kaso niya?" pagtatanong ko pagkatapos pirmahan ang mga binasa kong files.
Mabuti na lang, tinignan ko ang petsa bago ko pinirmahan at basahin.
"Bukas daw, sir wala pa siya sa tamang katinuan dahil sa ginawa ng amo niya sa kanya." wika ng secretary ko sa akin.
"May bagong client ba ako ngayon?" tanong ko ulit nang inangat ko ang mukha.
"Not yet, sir," sambit nito sa akin.
Tumango na lang ako sa secretary ko at bumuntong-hininga.
Chilax pa ang trabaho ko dito dahil baguhan pa ako sa larangan ito kung tinuon ko ito nang pansin siguro marami na akong kliyente.
Tumayo na ako nang wala pang kliyenteng gustong magpunta sa opisina ko gusto ko muna makipagkilala sa mga ka-trabaho ko.
Binuksan ko ang pintuan at lumabas napalingon pa ako nang may narinig akong pagbukas at nakita ko si Ging na lalabas din kasunod ang babae.
Kliyente niya siguro ang kasama niya naglakad na ako at nakipagkilala ulit sa kasamahan ko sa trabaho.
"Artista ka ba, Winter?" tanong ng kausap ko may mga kasama pa kaming iba.
"Hindi na oo?" aniko na lang natawa ako sa itsura nila.
"Ah?" sabay nilang sambit sa akin.
"Artista ka na hindi? May ganun?" wika nila sa amin.
"Hindi naman kasi kami kasikat ng ka-banda ko, kaya nasabi kong hindi saka tahimik kami." aniko na lang sa kanila.
Inakbayan ako nang isa sa mga kasama ko naka-suot naman kami nang mask.
"Sikat kaya kayo winner band? Pero, hindi ka vocalist." wika ng isa ko pang kasamahan sa trabaho.
"Hindi nga ako, kilala ang mga kanta namin at hindi kami sikat na sikat." pagtatanggol kong sambit sa kanila.
"Sabi mo eh, inaanak ka pala nang may-ari mismong boss natin ang banker mo." sabat ng isa sa kanila natawa ako sa sinabi niya.
Inggitero sa madaling salita sa tono pa lang ng taong ito.
Natawa naman ako sa sinabi niya at nagsalita ako.
"Maniwala man kayo o hindi sa akin pero, hindi ko talaga alam na si sir Edwin ang may-ari ng kumpanyang ina-applyan ko huli na nang malaman ko nang sabihin sa akin ni miss Garcia ang pangalan ng boss natin at ito ang nag-approved ng application ko." sambit ko na lang sa kanila.
"Ganyan lagi ang sinasabi ng iba huwag kami." sabat ng lalaking nangangalang Fred.
"Paano kung may katotohanan sa sinani niya? Hindi magaling magsinungaling si Kevin." sabat ng taong hindi ko inaasahang magsasalita ng ganito.
"Attorney!" bati nila kay Ging.
"I'm his friend, maliban sa inaanak siya ni Papa pero kahit matagal na akong walang balita sa kanya kilala ko siya ng lubos hindi niya kayang magsinungaling sa tao," sabat nito sa amin.
'Yon ang hindi mo na alam nagawa ko na niloko kita, Ging.
"Sensiya, attorney." nasambit na lang nila at nagpaalam na sa amin.
Naglakad na lang ako palayo sa kanya dahil bumibilis na naman ang t***k nang puso ko sa kanya hindi ko rin malaman kung dahil sa kaba o hindi.
"Win!" tawag niya sa akin hindi ko siya pinansin ramdam ko ang tinginan ng mga kasamahan naming lawyer.
Huminto ako at hindi lumilingon sa kanya hindi ko kayang harapin siya at hindi ko matanggap na matagal niyang tinago sa akin nang pagkakaroon ko ng anak sa kanya.
"Pwede bang mag-usap tayong dalawa sa opisina ko?" tanong niya sa akin.
Huminga na lang ako nang malalim at bumalik kami sa opisina niya.
"Daddy lov-" tawag niya sa akin nang putulin ko kaagad.
"Wala nang tayo, Ging mula nang iwanan mo ako nang walang komunikasyon sa makalipas nang taon wala nang tayo," aniko sa kanya hindi pa rin ako humaharap sa kanya pagkapasok namin sa opisina niya.
"Humihingi ako ng kapatawaran sa ginawa ko, at sa pagtago ng lihim ko sa'yo, Win alam kong sinabi na sa'yo ni Papa ang totoo na may anak tayo nalaman kong buntis ako ilang buwan matapos ako umalis ng bansa at alam mong may nangyari sa atin noon bumalik ako dito kaso, wala na sa tinurong apartment ni Yumi," sambit niya sa akin natahimik ako.
Hindi pa rin ako nagsasalita nakikiramdam lang ako.
"Huli na nang malaman kong buntis ako tinapos ko ang pag-aaral ko dahil gusto ko tuparin ang pangarap ko nang makapagtapos ako bumalik ako kasama ang anak natin hinanap kita, Win pinilit kong sabihin sa pamilya mo ang totoo pero, natakot ako na baka hindi mo matanggap ang anak natin sa nakalipas na taon nasa tabi mo ako, Win pinapanood ka mula sa malayo at nakita kong masaya ka na sa buhay mo ayokong sirain ang kasiyahan na nakikita ko sa mukha mo," aniya ramdam ko ang tono nang boses niya na may panginginig.
Nasa malayo lang siya at pinapanood ako?
"Bakit hindi ka lumapit sa akin noon o noong wala pa ako dito?" pagtatanong ko hindi pa rin ako sa kanya.
"Duwag ako, Win dahil kita ko na masaya ka na sa buhay mo ayokong guluhin ka," aniya sa akin.
"Nandyan si Yumi, Ging asawa siya ni kuya Jirah at pwede mong sabihin sa kuya ko." aniko.
"May hiya ako para sa sarili ko, Win magulang ko ang dahilan para hindi magka-tuluyan ang ate at ang kuya mo," pag-amin niya sa akin.
Humarap ako sa kanya dahil sa sinabi niya nakita ko ang Ging na minsan ko na rin minahal.
"Ano ang pangalan ng anak natin?" pagtatanong ko sa kanya.
"Winfrey Gayellete "Win/Frey" Ramirez ang pangalan ng anak natin, Win," aniya sa akin lumapit siya at hinawakan ang mukha ko.
Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko naka-titig lang ako sa kanya.
"Ging..." tawag ko na lang sa kanya.
"Kamukhang-kamukha mo siya at kilala ka niya, Win as celebrity wala akong nilihim sa kanya," aniya at inalis ko ang kamay niya sa pisngi ko.
"Kilala niya ako kaya lang hindi ko siya kilala," sambit ko naman sa kanya at umatras ako sa harap niya.
"Makilala mo rin siya, Win sinabi ni Papa sa amin ang balak niya," sambit naman niya sa akin.
"Hindi na ako ang Win na minahal mo, Ging," aniko sa kanya.
"Alam ko," sambit naman niya kaagad sa akin.
"Hindi na bumalik ang pagmamahal na meron ako sa'yo, Ging," sambit ko sa kanya nang tatalikod na ako naramdaman ko ang pag-hawak niya sa kamay ko.
"Para lang sa anak natin, Win maging okay tayo kita ko sa mukha mo na may nagpapasaya na sa'yo hindi ko pipiliting bumalik ka sa akin." wika niya sa akin.
Hindi na lang ako nakasagot sa kanya at hiningi niya ang cellphone number ko bago ako lumabas sa opisina nag-ring ito at napabaling ang tingin ko sa nilabasan ko huminga na lang ako nang malalim bago bumalik sa sarili kong opisina.