Nagising ako nang maaga dahil may pasok pa ako sa trabaho ngayon ang simula nang pag-trabaho ko bilang lawyer. Ginising ko rin ang katabi ko kung matulog tulog mantika.
"Babe!" tawag ko sa kanya niyuyogyog ko na siya para magising.
"Uhmmm..." ungol niya at tumagilid pa talaga at binato ko siya nang unan sa ulo.
"Bernard Williams! Gising na!" sigaw ko sa kanya dahilan para dumilat siya nang mga mata.
"Nasa kabila-" putol niya nang hampasin ko siya nang unan sa mukha.
Bumangon kaagad ako at nang lalabas na sa kwarto namin hinaltak niya ako sa braso kaya natumba ako sa ibabaw niya.
"Ikaw ah!" biro niya sa akin nang halikan niya ako sa labi ko.
"Mag-almusal ka na, aalis na ako may trabaho pa ako hindi ba, babe pansamantalang teacher ka sa unibersidad natin? Baka mahuli ka." aniko sa kanya hinampas ko ang braso at naalis ito sa tapat nang dibdib ko.
Inayos ko ulit ang buhok ko nang magulo dahil sa kagagawan niya at nagpalit ako polo shirt at nagpa-bango nabitawan ko pa ito nang balyahin niya ang kamay ko.
"Babe!" saway ko bigla sa kanya.
"Hindi mo kailangan magpa-bango," aniya sa akin.
Tinampal ko ang kamay niya dahil sa ginawa niya.
"Gusto ko nang comportable ang mga client na haharapin ko, babe kaya kailangan ko magpa-bango saka nagseselos ka nang walang dahilan?" aniko sa kanya at nagsuot na ako nang suit pati nang sapatos.
Hinalikan ko na lang siya sa labi at nagpaalam sa kanya lumabas na ako ng condo namin. Lumakad papunta sa elevator pinindot ko ang down arrow naghintay nang ilang minuto bago bumukas pumasok ako sa loob nag-text ako sa mga kaibigan namin.
Nang matapos ako mag-text binulsa ko ang cellphone at bumaling ang tingin ko sa bumababang floor number.
"Hindi ba celebrity ka?" tanong ng isa dalagang katabi ko.
"Yeah.." nasambit ko na lang sa katabi ko.
"Pwede magpa-picture?" tanong nito sa akin.
"Sure," sambit ko na lang.
Nang mapansin naming nasa ground floor na kami lahat nang kasabay ko nauna na sa amin ng nagpa-picture.
"Alam kong hindi lang kayo magka-tandem ni Light Williams, Ice sana magtagal kayong dalawa," anito at naunang lumabas sa akin sumunod ako sa kanya obvious na ba kaming dalawa sa public?
Pinilig ko na lang ang ulo ko bago naglakad papunta sa parking lot nang condo kung nasaan ang motor ko napahinto ako nang may masalubong na aso napa-titig naman ako at sinundan ito nang tingin.
Wigi...I miss you so much...
Bago man kami nakalipat ni Light sa condo ang magulang ko na ang nag-aga kay Wigi kaso dahil sa lungkot nito na wala ako sa tabi niya namatay ito nawalan ako ng oras sa kanya-sa unang alaga ko mula nang maging legal sa magulang ko ang relasyon namin ni Light.
Alam niyang ayokong iwanan ang alaga ko sa magulang ko kaso ayaw niya kay Wigi may phobia siya sa aso. Mula noon nawalan na ako ng oras kaya nang mamatay ito dahil sa lungkot maliban sa sakit nito pina-cremate ko ang aso ko.
Naging kwintas ko ang urn ng aso ko kasama nang pangalan ni Ging. Mahalaga sila sa akin kaya hindi ko sila kayang kalimutan at sobra ko silang mahal.
Kaya ngayong nalaman kong nagbalik na si Ging hindi ko mapaliwanag ang damdamin ko dapat din ba niyang malaman na namatay na si Wigi?
Bakit bumibilis ang t***k ng puso ko?
O, kailangan ko lang nang closure sa aming dalawa para maging masaya na kaming dalawa ni Light.
Sumakay na ako sa motor at umalis papunta sa ULF law firm nang makarating ako pinarada ko sa parking lot ang motor ko. Inayos ang damit kasama ang buhok ko bago ako pumasok sa loob ng ULF.
"Sir!" bati ko sa security guard nang bumungad ako sa harap nito.
"Sikat ka pala? Hindi ko alam, Kevin, bakit nagbago ka ng trabaho?" tanong ng security guard sa akin nang kapain niya ako
"Bagong karanasan? Saka, parang iba na ang gusto ko." sambit ko na lang.
Pumasok na ako sa loob at binati ko ang mga matagal nang empleyado sa ULF napahinto lang ako nang marinig ko ang boses na matagal ko nang kilala.
"Sir Edwin Ramirez! Magandang araw po!" dinig kong bati ng mga empleyado umusog lang ako.
Umusog ako para makadaan siya yumuko na lang ako para hindi niya ako makilala.
"Kevin," narinig kong tawag nito sa akin naiilang akong i-angat ang ulo ko.
Napa-atras ako nang may tumapik sa balikat ko kaya inangat ko ang ulo ko nagka-titigan kaming dalawa.
"Sir Ramirez," banggit ko sa ama nang dati kong girlfriend.
"Halika," alok nito sa akin napatingin pa ako sa mga empleyado naiilang kasi ako sa tingin nilang kakaiba.
"Opo," sambit ko na lang unang araw ko nakaharap ko kaagad ang ama ni Ging.
Nang makarating kami sa opisina nito binati pa siya nang secretary at tinanguan na lang ako nang makilala ako.
"Maupo ka," wika nito sa akin sumunod na lang ako dahil siya ang may-ari nang ULF.
Umupo na lang ako at inalis sa balikat ang dala kong bag.
"Kamusta na kayo?" pagtatanong nito sa akin naupo rin siya sa tabi ko.
"Mabuti naman po kami," sambit ko na lang dahil totoong okay lang kami nang pamilya ko.
"Kevin, pasensiya kung hindi kayo muling nagkita nang anak ko sa tagal nang panahon maraming nagbago," anito sa akin hindi naman ako nag-react.
"Alam ko naman po 'yon, sir." aniko na lang.
"Ang kuya mo, Win alam kong nagkaroon na siya nang ibang pamilya kilala ito sa Canada dahil sikat sa iba't-ibang panig nang bansa." aniya sa akin hindi ulit ako nagsalita.
"Ano po ang kailangan nyo sa akin, sir?" tanong ko na lang sa kanya.
"May anak kayo ni Ging, Win may dalaga ka nang anak hindi nag-asawa ang anak ko hanggang ngayon dahil mas tinuon niya ang panahon sa anak nyo binalikan ka niya dito sa Pilipinas nang maka-graduate siya nang college para sabihing may anak kayong dalawa pero wala ka na sa apartment na tinuro ni Yumi at alam naming sikat ka na ring celebrity katulad ng kuya mo." sambit nito sa akin nagulat ako sa narinig mula sa kanya.
Anak? As in daughter dugo't-laman ko?
"Ma-y ana-" putol ko nang makita kong tumango siya.
"Oo, alam kong hindi niya kaagad sasabihin sa'yo dahil sa takot na hindi mo 'yon matanggap, Win hindi ko pipilitin na balikan mo ang anak ko para sa anak nyo pero, para sa pangungulila ng apo ko sa'yo gusto ko siya maging masaya," wika niya sa akin.
"Anong gusto nyo? Ngayon ko lang nalaman na may anak sa tagal nang panahon, sir gusto ko makilala muna ang anak ko bago ako pumayag sa gusto nyo." sambit ko muna sa kanya.
Hindi ko mapigilang lumuha sa harap niya dahil sa nalaman ko.
"Sige, Win ipapakilala kita sa anak mo sa araw nang anniversary ng ULF gusto kong isama mo ang pamilya mo at gusto ko rin humingi ng tawad sa kuya mo alam kong sobra siyang nagalit sa akin dahil pinakasal ko sa iba ang panganay ko." aniya sa akin.
"Susubukan kong kausapin si kuya, sir busy siyang tao kaysa akin." aniko.
"Salamat, welcome to my company as lawyer, Kevin," sambit naman niya sa akin.
"Salamat, sir Ramirez," sambit ko at lumabas na kami nang opisina niya at pinakilala niya ako sa empleyado bilang anak-anakan dahil kaibigan ni Papa si sir Ramirez.
Nakita ko siyang nakatayo sa likod at nakatingin sa amin ng ama niya hindi siya mukhang ina nang anak ko gumanda siya lalo.
Kaso, paano ko sasabihin kay Light ang tungkol dito?
Umalis na ang lahat at nakasabay ko pa siya papunta sa opisina namin.
"Daddy love..." tawag niya mula sa gilid ko nagmadali akong tumalikod para pumasok sa opisina ko.
Nang makapasok ako napasalampak ako sa sahig at napa-iyak.
May anak ako...
May anak kaming dalawa...