Nagising ako ng may tumabi sa akin napangiti ako nang makita ko si Wigi, isang askal o asong pinoy (aspin). Si Wigi regalo sa akin ni Ging noong first anniversary namin bilang mag-syota.
"Wigi, halika ka nga kay daddy.." tawag ko sa kanya at dumagan siya sa tyan ko.
Tumahol lang siya ng tumahol at dinilaan niya ako sa chin ko. Malambing siya at parang daddy niya talaga ako at anak ko siya kapag umaalis ako umiingit siya.
Hindi lang ako nag-iisa dito sa apartment ko dahil kasama ko siya. Kaagad ako tumayo at lumabas ng kwarto nag-timpla ako ng kape at nagluto ako ng almusal namin ni Wigi. Napatingin ako sa orasan maaga pa naman pagkatapos ko magluto nilagyan ko ng pagkain ang lalagyanam ng pagkain niya. Bago ako naghain ng pagkain ko sa mesa at kumain na kaming dalawa ng sabay.
Pinaliguan ko muna siya pagkatapos pinunasan hinayaan ko siyang maglaro naligo na din ako. Pagkatapos ko maligo nagbihis na ako ng school uniform at kinausap ko siya.
"Huwag mo sisirain ang gamit natin!" bilin ko sa kanya hinawakan ko siya sa ulo.
Nakaupo at nakatingala lang siya sa akin habang kumakawag ang buntot niya. Tumahol lang siya at iniwanan ko siya ng maraming pagkain at inumin. Kinatok ko ang mga pintuan ng kaibigan ko isa-isa naman nag-bukasan.
"Pasok na tayo!" aya ko sa kanila.
"Mauna ka na, Win sunod na lang ako," wika ni Cute sa akin napatingin ako kina Thana, Mat, at Drake.
"Kayo?" tanong ko sa kanilang tatlo.
"Saglit, Win, kukunin ko lang ang gamit ko." banggit ni Thana sa akin bumalik siya sa loob.
Tumango si Drake at pumasok siya sa loob ng kwarto niya.
"Sabay na ako kay Cute, Win." sabat ni Mat nang tignan niya ako.
"Kayo ang bahala," aniko na lang sumandal ako sa pader.
Sabay na lumabas ng kwarto sina Thana at Drake. Inakbayan naman ako ni Drake tahimik naman sa gilid ko si Thana.
Sumakay kaming tatlo sa motor namin at humarurot papasok sa school.
"Times up!" sigaw ng security guard sa amin.
Natawa kaming tatlo sa sigaw ng security guard. Late na si Cute at Mat mapapagalitan na naman sila ng professor namin.
"Mga batugan talaga!" wika ni Thana natawa kaming dalawa ni Drake.
Hindi inaasahan ng mapatingin ako sa gilid nakita ko si Light at ang mga kaibigan niya.
Lumakad na kaming tatlo hinatid kami ni Drake sa tapat ng classroom namin.
"Nood kayo ng practice huwag nyo ako iiwanan!" wika ni Drake sa akin.
Si Drake Go, isang chinese / thailand descent pero hindi sanay magsalita ng ibang languages. Si Thana Domingo, isang pilpino / thailand descent at marunong magsalita ng thai, english, at pilipino sina Cute at Mat sa tunay na buhay, Gerald Smith at Mattheo Smith mag-pinsan silang dalawa. Pilipino /American descent ang pamilya pero hindi halos sanay magsalita ng english dahil lumaki sila sa Pilipinas.
"Oo ba!" sabat ni Thana sa kanya inirapan lang siya ni Drake.
Kinawayan na lang namin siya at pumasok na kami sa loob ng classroom. Naupo kami sa pwesto namin at nag-kwentuhan kaming dalawa ni Thana habang hinihintay ang pagdating ng professor namin.
"Kanina nakita ko si Light, Win nakita mo ba siya?" tanong niya sa akin.
"Hindi eh," kaila ko kahit nakita ko din si Light.
"Masama kung makatingin sa ating tatlo, ano kaya meron sa kanya?" wika niya sa akin.
"Ewan ko.." aniko na lang dahil totoong wala akong alam.
"Anong oras ka pupunta sa practice mo sa music club?" tanong niya bigla sa akin.
"Mamayang tanghali pa naman magpapaalam ako sa prof natin sa pang-tanghaling subject," nasambit ko na lang sa kanya.
Dumating ang prof namin at may sinabi sumigaw ang mga kaklase namin.
"Dalawang subject ang bakante sa inyong klase pero dapat mag-review kayo may test akong ibibigay sa inyo bukas may pag-uusapan ang buong teachers at principal sa office niya," kaagad nabanggit ng prof namin bago siya umalis sa classroom.
"Buwisit ka! Dapat sumabay ka na sa kanila kanina mapapagalitan pa tayo ni uncle nyan eh!" bulalas ni Cute sa pinsan niya na si Mat na tumatawa lang.
Napatingin kaming dalawa ni Thana sa kanila.
"Ano naman? Susuyuin ko lang si Papa at okay na." wika ni Mat.
Umupo silang dalawa sa tabi namin ni Thana.
"Sutil ka talaga!" sabat niya sa kanilang dalawa.
"Dumating na si prof?" tanong ni Cute sa amin.
"Kanina, Cute umalis lang ulit dahil may pag-uusapan ang mga teachers at principal." sambit ko na lang sa kanilang dalawa.
"I-" putol ni Mat ng sumabat ako sa kanya.
"Dadating ang prof natin sa pangatlong subject," sambit ko sa kanilang dalawa.
Nakarinig kami ng mga yapak nakita namin ang professor na papasok sa loob ng classroom namin. Kaagad kami tumayo kasama ang mga kaklase namin at binati namin siya.
"By next week may exam kayong gagawin para course na kinuha nyo," wika ng professor namin nag-ingayan ang lahat maliban sa amin.
"Noong nakaraang buwan lang nag-exam tayo, hindi ba?" banggit niya sa amin.
"Oo nga, Thana wala pa ngang tinuturo sa atin!" bulong ni Cute natahimik naman ako sa sinabi nila.
"2nd semester nyo na," wika ng professor namin may nagtaas ng kamay.
"Sir, noong nakaraang buwan lang nag-exam tayo wala pa kayong tinuturo sa amin." sabat ng kaklase namin.
"Graduating na kayo dito namin masusukat kung nag-aral kayo ng mabuti," wika ng professor namin.
"Bar exam at ito ang gagawin natin, pasasabugin ba nila ang utak natin?" inis nasambit ni Mat binatukan siya ni Thana sa ulo niya.
"Para sa atin naman 'to!" sita niya sa kaibigan namin.
"Iba 'to sa midterm exam nyo dito kami mag-babase kung saan field kayo ilalagay kapag mag-ojt kayo," wika ng professor namin.
"Oohh.." nasambit ng buong klase namin.
Nag-discuss ang professor tungkol sa pag-aaralan namin sa susunod na araw. Makalipas ng ilang oras, tumunog na ang bell hudyat na breaktime na nang klase.
"Sa wakas!" sigaw nina Cute at Mat tinaas pa nila ang kanilang kamay.
Binalik namin ang gamit na nakalabas sa loob ng bag. Bago dinala at lumabas kaming apat nakita namin na naglalakad ang tatlong magkakaibigan.
"Saan kaya sila pupunta?" naitanong ni Mat napatingin kami sa tatlong magkakaibigan.
"Sundan natin para malaman natin," sabat niya sa mga kaibigan namin.
Dahan-dahan kami kung maglakad habang sinusundan namin ang tatlo, sina Light, Chana at Mike. Nagtago kami nang mapalingon sila sa amin sinamaan ko ng tingin ang mag-pinsan.
"Shh.." sita ko.
"Bakit ba tayo nagpapanggap na student graduate na tayo last year?" wika ni Mike sa dalawang kaibigan nya.
"Para makalapit siya kay Win at mabantayan niya ang kapatid niya." sabat ni Chana sa kaibigan nya inalis ang uniform.
"Si Dino?" tanong ni Light sa dalawang kaibigan niya.
"Papunta na sa music club, ano? Punta na tayo 'yon lang legit na trabaho mo ngayon habang kami wala pa talaga." wika ni Mike sa kaibigan na si Light.
"Pero, paano si Helga? Masyadong adik sayo 'yon graduating na ang babaeng 'yon baka sundan ka kahit saan." sambit ni Mike sa kaibigan niya.
"Nandyan na si Win, Mike." wika ni Light sa kaibigan niya.
Nagka-tinginan naman kami ng mga kaibigan ko sa narinig.
"Anong balita sa kapatid mo? Sino ang pag-tripan niya?" tanong ni Chana sa kaibigan niya.
Anong tinutukoy mo, Light?
Ginagamit mo lang ba ako para layuan ka talaga ni Helga?
Ano ang kinalaman ko sa'yo, Light?
"Hindi ko kilala at nakikita ang pinag-tripan niya pero nai-kwento niya sa akin na palagi silang magkasama." wika ni Light sa dalawang kaibigan niya.
"Si Dino lang ang dahilan para makabalik ka dito sa school dinamay mo pa kami," natatawang sabi ni Mike sa kaibigan niya natawa na rin si Chana.
"Baliw!" natatawang wika ni Light sa kaibigan niya tinapik ang balikat nito.
Nag-tawanan na lang silang tatlo habang kami nagka-tinginan na lang.
"Tara, Win makita pa tayo hindi ba pupunta ka din sa music club?" bulong ni Thana sa akin ng kalabitin niya ako.
"Oo, bakit?" aniko sa kanya kaagad kaming lumayo sa kanilang tatlo.
"I-spying mo kaya silang tatlo?" bulong ni Thana sa akin.
"Anong konek?" tanong ko.
"Narinig mo naman mula sa bibig ni Mike kaya nandito pa si Light nang dahil sa'yo at sa kapatid niya," wika ni Thana sa akin.
"Oo nga!" wika ni Mat pinitik ang daliri niya.
"Ano kaya ang sinasabi nilang graduate na sila last year at ikaw kasama ang kapatid niya, kaya nandito pa rin siya?" sabat ni Cute sa akin.
"Alamin mo ang balak ni Light? Hindi naman bata ang kapatid niya college na din, bakit kailangan niyang bantayan?" nasambit ni Thana sa akin.
Nawalan ako ng gana kumain napa-isip din ako sa mga narinig ko sa kanila.
"Itanong mo kaya sa kanila?" sabat ni Mat sa akin napalingon ako sa kanya siniko ko siya sa baywang niya.
"Malalaman nilang narinig natin sila," sambit ko.
"Oo at saka, Ice may malalaman ka pang iba tungkol kay Bright hindi ba may relasyon kayong dalawa dahil kay Helga? Pagkakataon mo na 'yon." wika ni Cute nangalumbaba naman ako sa sinabi niya.
"Deal!" sambit ko.
"Anong deal?" wika nila sa akin.
"Hindi ba, isang linggo ang fake relationship namin? Pagkatapos ng isang linggo makikipag-hiwalay na ako sa kanya at aalamin ko ang pakay niya sa akin." kaagad kong sambit sa kanilang tatlo.
Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko na pupunta sa faculty room para magsabi sa professor namin. Nang makapag-paalam na ako sa professor namin pumunta na ako sa music club. Naabutan kong nag-uusap sina Rachel at Light nilapag ko na lang ang bag ko sa tabi kinuha ang extrang gitara ng may humawak napatingin ako sa kamay nakahawak.
"Ito ang gamitin mo, Win." wika ni Light at ngumiti siya sa akin bago niya balikan si Rachel.
"Lalapit pero babalik din pala dapat hindi na siya lumapit," bulong ko na lang nag-stream ako ng tutugtugin ko.