Nagising ako nang may magsalita at bumungad sa akin si Mama na naka-taas ang kilay.
"Ano ang dahilan at gusto mo kami kausapin?" deretsahang tanong ni Mama hindi naman ako nagsalita kaagad at bumangon ako sa kama ko.
"Ma! Kagigising ko lang, pwede ba, kalma?" aniko at humikab pa ako sa harap ni Mama.
Tinalikuran naman ako ni Mama at napapailing na lang ako bago sumunod sa kanya. Sinaluduhan ko si Papa nang mag-tagpo ang paningin namin at naglakad ako papunta sa kusina para mag-timpla ng tea hindi na ako madalas umiinom ng kape.
Pinuntahan ko sila sa sala nang makita kong nanonood ng TV tumabi naman ako sa Papa ko nang samaan ako ng tingin ni Mama.
"Si kuya?" tanong ko na lang sa kanila nagsabi ako sa kuya ko na may sasabihin ako sa kanila.
"Mamayang gabi pa 'yon, ano ba ang sasabihin mo?" tanong na naman ni Mama sa akin at hindi pa rin ako nagsasalita.
"Nag-away ba kayo ni Light?" tanong ni Papa sa akin at kaagad akong umiling.
"Hindi niya alam na nandito ako, Pa mamayang gabi pupunta ako sa party ng law firm ni tito Edwin at kung saan ako nag-trabaho as lawyer nila kaya tinanong ko kung nandito na ba si kuya," sambit ko na lang sa magulang ko.
"Bakit ba at kailangan mo pa akong maka-harap, bro?" pag-bungad ni kuya Jirah sa harapan namin bumaling naman ang tingin ko sa kasama niya at na-gets kaagad nito ang pina-hiwatig ko.
"Umalis muna kayo sa bahay mamasyal kayo kahit saan ikansela mo na rin ang schedule dahil hindi lang ito mahalaga-MAHALAGA talaga." diing sambit ni kuya Jirah sa mga kasama niya hindi na lang kami umimik ng magulang ko.
Tumalikod na ang mga kasama ni kuya Jirah napansin kong lumingon pa sa amin ang manager nito at uminom na lang ako ng tea.
Tumayo si Mama sa inuupuan nito nang lumingon kami nakita namin na pinapagalitan nito ang manager ni kuya Jirah.
"Walang delikadesa talaga ang manager mo, anak hindi talaga umalis inutusan mo na nga umalis mabuti lumingon ang Mama mo." wika ni Papa sa kuya ko at hinintay lang namin bumalik si Mama sa amin.
Nakita namin na pabalik na si Mama at naka-simangot na bumalik.
"Magpalit ka na nang manager mo, anak akala mo kung sino talaga 'yon blah...blah..." bungad ni Mama sa amin at sinamaan ako ng tingin pagkatapos.
"Ano ba ang sasabihin mo sa amin?" tanong ni kuya Jirah at bumuntong-hininga ako sa harap nila.
"Bago man umalis noon ang pamilya nila-tito Edwin, may nangyari sa aming dalawa ni Ging," pag-amin ko naman sa kanila at nakita kong tumitig sila sa akin.
"Tuloy mo," wika ni Mama sa akin.
"Hindi nila sinabi sa atin o sa akin na nag-bunga ang pangyayari 'yon nung nag-hiwalay kayo ni ate Pam malaki na ang anak ko kay Ging at ang batang 'yon ang pamangkin nyo kuya Jirah." pag-amin ko sa kanilang lahat at tumitig sa akin ang kuya ko.
"Sino-ka-si Winfrey? Siya ang pamangkin ko na anak mo?" bulalas ni kuya Jirah at tumayo sa harap namin.
"Kilala mo, kuya?" pagka-gulat kong sambit sa kuya ko nang sabihin niya 'yon.
"Hindi nga? Kaya pala magaan ang loob ko sa batang 'yon at nakikita ko ang mukha mo sa batang 'yon dahil anak mo pala 'yon hindi nila sinabing anak mo 'yon sa akin bago pa kami mag-hiwalay maliit siya nang makita ko, paano mo nalaman?" tanong ni kuya Jirah sa akin.
"Anong balak mo, anak? Hindi alam ni Light ang tungkol sa anak nyo!?" pag-sambit ni Papa at sumang-ayon ako sa sinabi nito.
"Ang gusto ni tito Edwin na ipagmalaki ko sa party nila na may anak kaming dalawa ni Ging at sa tingin ko ang dahilan para tumigil na ang manliligaw ni Ging sa pang-gugulo muntik nang mapahamak ang anak namin sa lalaking 'yon kaso, nag-aalinlangan ako dahil kay Light at hindi niya matanggap na may anak kami ni Ging ito pa ang dahilan para magka-labuan kami inamin ni Light na nagseselos na siya closeness naming dalawa." sambit ko sa pamilya ko.
"Imbitado rin kami sa party, anak kaya pala.." wika ni Papa sa akin nabaling naman ang tingin ko sa kanila.
"Kaya pala, nabanggit ni kumpadre na may i-aanounce daw kayo ni Ging? Hindi ko lang matukoy kung ano 'yon ito pala, tungkol sa apo ko sa inyong dalawa." wika ni Papa sa akin.
"Dapat sinabi mo ito kay Light bago pa niya malaman sa iba, bro." nasambit ni kuya Jirah sa akin nang tignan niya ako.
"Sasabihin ko naman sa kanya kaso, nag-aalinlangan akong ipag-tapat lalo na-" putol ko nang maalala kong hindi rin kami legally sa magulang niya.
Bumuntong-hininga na lang ako legal ang relasyon namin sa pamilya ko pero sa pamilya niya hindi pa tuluyan dahil i-tatakwil si Light ng pamilya niya.
"Mahuhuli ka na, Win sa palagay ko pero ipa-intindi mo ang lahat sa kanya dahil magiging sarado ang isip niya dahil sa selos na mararamdaman niya sa puso niya mahal nyo ang isa't-isa at hindi ka niya matitiis." wika ni kuya sa akin at nilapitan niya ako para hawakan sa balikat.
Pinakita ko sa kanila ang mukha anak ko at gusto nilang makita ito sa personal.
"Alam kong may mali ako na hindi ko kaagad sa kanya sinabi ang katotohanan ayoko lang na iwanan niya ako dahil tingin ko hindi pa siya handang mag-settle down sa relasyon namin," amin ko sa pamilya ko at tinapik ako sa balikat ni kuya Jirah.
"Sabihin mo sa kanya ang saloobin mo at huwag kang mag-lilihim, Win kung kayo talaga sa huli handa mong matanggap ang resulta ng pagtatago mo sa kanya sana rin maging bukas ang isip niya sa sasabihin mo dahil walang naka-lakihang ama ang pamangkin ko at ngayon ka lang nakilala." wika ni kuya Jirah hindi naman ako nakasagot sa sinabi niya.
"Paano kung gusto ni Edwin na magpa-kasal kayo ni Ging?" tanong ni Papa kaagad akong sumagot sa sinabi nito.
"Tanggap ni tito, Pa sinabi ko nang may mahal na akong iba at hindi na kami makakapag-balikan ng anak niya," pag-amin ko sa pamilya ko.
"Ano ang gusto nila?" tanong ni Mama sa akin.
"Ang ipagmalaki kong may anak kami ni Ging sa party at para tigilan ito ng manliligaw nito naging dahilan para mapahamak ang anak ko, Ma hindi titigil ang manliligaw ni Ging na gambalain sila kung malalaman naman nito na may ama ang anak ni Ging at palagi kaming may kontak hindi na ito manggugulo na parang mapapahamak ang anak ko." aniko na lang sa kanila at sinabi ko rin ang iba pang mangyayari kung sakali.
"Sasama kami ng Papa mo sa party, anak para kung ano man ang mangyari nasa likod mo lang kami hindi ka namin kinukunsinti, isipin mo lang ang reaksyon ni Light kapag natuklasan niya ang tungkol dito," wika ni Mama at hindi na lang ako sumagot nakatanggap ako nang text mula sa boyfriend ko pagkatapos namin mag-usap.
Naligo naman ako para party pupuntahan namin sasama ang kuya Jirah ko sa party kahit wala siyang invitation card. Nakatanggap ako ng text mula sa mga kaibigan ko na sina Drake, Thana, Cute, ang pinsan nito.
Text message
Thana: Invited kami sa party sa law firm ito rin ba ang dadaluhin mo?
Win: Sino-sino kayo?
Thana: Ang buong barkada, ewan ko lang invited din ang boyfriend mo o mga ka-banda mo.
Muntik na ako mapamura sa sinabi ni Thana sa isip ko.
Baka?
Kaya ba nag-text siya sa akin kanina pa?
Binasa ko ulit ang text ni Light sa akin at nabasa ko na hinahanap niya ako wala siyang nabanggit na may pupuntahan siyang gig o anuman kagabi. Nakahinga ako nang maluwag ng wala siyang nabanggit.
Nang makapag-bihis na ako kinuha ko ang mga gamit na kailangang dalhin nag-text si Ging sa akin na akala ko si Light. Nakatanggap din ako ng text mula sa anak ko napangiti ako na may picture ito sa i********: nito na may black shadow alam kong ako ito pero hindi malalaman ng iba dahil may ibang kasama sa shadow.
It's you, I love you, I'm always by your side, no matter what happens.
Boyfriend reveal?
Sumimangot ako sa nabasa kong comment.
The who?
Marami akong nabasang comment pero wala itong sinabi o sinagot man lang. Lumabas na ako sa kwarto at naabutan ko ang pamilya ko kasama ni kuya Jirah si Yumi na invited sa party kaya kahit hindi invited si kuya Jirah sasama pa rin siya sa amin.
"Aalis na tayo," wika ni Papa sa amin at tumango na lang ako at hindi na ako nag-text kay Light na hindi ko ginagawa noon.
Sumakay kami sa sasakyan ni kuya Jirah kasama namin ang driver niya. Tahimik lang kaming lahat walang kamalay-malay si Yumi sa pag-uusap namin kanina at alam kong magugulat silang lahat maliban sa pamilya ko, kay Thana na sila lang nakakaalam ng katotohanan.