Chapter Thirty Eight

2372 Words
Nang makarating kami sa event bumungad sa amin ang dami nang mga tao bumaba sa kanilang sasakyan at sinalubong naman kami ng media dahil kilalang actor si kuya Jirah at ako bilang singer. Ngumiti lang ako sa mga tao nang may tumawag sa pangalan ko kahit hindi na ako active may nakakakilala pa rin sa akin. Nang maglakad kami sa red carpet papasok sa loob kung saan idadaaos ang party. Sinundan lang kami ng mga media hawak ko si Mama habang nakasunod sa likod namin si Papa. "Kumpadre!" tawag ni Papa sa kaibigan niya binati kami ng magulang nina Ging at ate Pam. Nabaling ang tingin sa amin ng ibang bisita nina tito Edwin at ng asawa nito. Ang iba kasi ang pamilya nila at ang kamag-anak nila. Kilala nila kami kaya bumati ako at ganun din si kuya Jirah kahit katabi nito ang asawa. Sumama ang magulang namin sa magulang nina Ging at ate Pam nabaling ang tingin namin nang may magsalita. "Kamusta na kayong dalawa?" tanong ng kamag-anak nila sa amin nang tumingin sila. "Mabuti naman kami, tita." sagot ni kuya Jirah at ngumiti napansin kong tumitig ito sa asawa ni kuya. Nakatingin sila sa tyan ni Yumi at tumingin sa amin kaya inaya ko na lang ang mag-asawa na lumayo sa kamag-anak nina Ging at ate Pam. Sumunod na lang ako sa kanilang paglalakad nakita ko naman si ate Pam na kasama ang mga anak at asawa nito. Babatiin ko sana nang magsalita si Yumi sa kuya ko. "Babe, samahan mo ako sa restroom bantayan mo ako sa may labas," wika ni Yumi sa kuya ko at tumango na lang bago tumingin sa akin. "Dito lang ako, kuya at Yumi lalapitan ko na lang ang magulang natin." aniko sa mag-asawa nakita ko na tumingin sa amin si ate Pam at ang asawa nito. Pinuntahan ko na ang magulang ko kahit naririnig ko ang yabag ni ate Pam at nang pamilya niya hindi ako lumingon hinanap ng paningin ko si Ging at ang anak namin. Nasaan sila? Nang makalapit ako sa magulang umupo ako sa tabi ni Papa at nabaling ang tingin nila sa akin. "Papa! Mama! Hi, Auntie at Uncle!" bungad ni ate Pam sa amin hindi na lang ako lumingon pinakilala nito sa magulang ko ang mga anak niya. "On the way na ba ang kapatid at ang pamangkin mo?" tanong ng Mama ni ate Pam nang kausapin kaagad. "Oo, Ma may klase pa kasi si Frey kaya mahuhuli sila nang pagdating." wika ni ate Pam at umupo sa tabi ng asawa niya. Kinandong ni ate Pam ang bunsong anak nila at katabi ng asawa niya ang isa pa nilang anak. "Hi, ate Pam!" tawag ni Yumi nang marinig ko ang boses dahilan para mabaling ang tingin nila sa bawat isa. "Hi!" wika ni ate Pam nakita ko na tumingin ang asawa nito sa kuya ko kaya tinawag ko na lang sila. "Yumi! Kuya, umupo na kayo." sambit ko naman at lumapit sila sa bakanteng pwesto. Kinausap ng magulang namin si Yumi nakita ko na tumingin si kuya Jirah sa mag-asawa pati sa anak nila kaya bahagya kong sinipa ang paa nito. "Ilang buwan na ang pinag-bubuntis mo?" tanong ng Mama ni ate Pam kay Yumi nakikinig lang ako sa kanila. Hinihintay ko naman ang pagdating ni Ging at nang anak namin. "6 month na po ang baby namin ni Jirah, tito at tita sumusubok kami ng ilang beses kahit busy siya sa work pero hindi makabuo kaya blessing ito para sa aming dalawa," nasambit ni Yumi sa kanila napangiti ako nang matanaw ko ang anak ko na palapit sa amin. "Totoo 'yon, mare kaya nga kakaiba ang ipapangalan sa baby nila pang-unisex daw," sambit ni Mama natawa naman silang lahat maliban sa akin. Hindi pa nagsisimula ang party kaya nakakapag-usap pa sila ng maayos. Binati nila ang magulang namin umupo sa bakanteng upuan ang mag-ina ko at binati ako ni Ging. Nandun na rin ang mga kaibigan ko kasunod nila dumating magkakatabi lang ang pwesto namin kaya nag-uusap kami. "Anak mo pala itong si Frey, Ging? Sino ang ama niya?" tanong ni Drake kay Ging nang magtanong. "Foreigner ang ama nyan, ano? Kasi dun siya pinanganak." sabat ni Mat nang masdan niya ang anak ko sinamaan naman sila nang tingin ni kuya Jirah. "Hindi, pinoy ang ama ni Frey dun ko lang siya pinanganak noon," sambit ni Ging sa kaibigan ko inasar naman ito nang mga kaibigan namin. "Isip mo talaga marami na ring pinoy sa Canada, Mat kaya posible rin." sambit ni Cute sa pinsan nito napapailing na lang ako. "Siguro may boyfriend na si Frey ang ganda mo eh," sambit naman ni Cute sabay kami umangal ni Ging sa sinabi nito sa anak namin. "Sabay talaga?! Bakit ka umaangal, Ice?" wika nila inirapan ko na lang sila. "Bakit wala si Light?" tanong ni Cute napansin ko na hinahanap niya si Light. Hindi na lang ako nagsalita at kinausap ko si Frey tungkol sa pag-aaral nito. "Busy 'yon," sabat ni Thana sa kaibigan namin at sumagot si Cute. "Kahit busy 'yon sa work pupuntahan nito si Ice, Ging hindi ba pwedeng imbitahan si Light? Kaibigan namin 'to ni Win." wika ni Cute at nang kukunin ang cellphone sumagot si Ging. "Hindi siya inimbitahan ng magulang ko, Cute kayo kasi kilala ni Mama at Papa mula hs days natin kaya invited kayo saka, pwede nyo naman siya i-video call mamaya," wika ni Ging sa kaibigan namin sinaway 'to nina Thana at Drake. "Sino si Light?" tanong ng Mama ni Ging na nakikinig pala sa amin nabaling ang tingin ko sa kanila. "Kaibigan namin, tita, at bestfriend ni Win nung college kami," sambit ni Mat sa kanila at sinipa ko ng mahina ang paa nito. "Ah, aloof ang batang 'yan noon eh kaya masaya ako na may naging bestfriend ito nung nag-college," wika ng Mama ni ate Pam at Ging. "Maraming magbabago sa nakalipas na taon, mare super alaga si Win ng bestfriend niya daig pa nila ang dalawang anak ko na hindi sobrang close para silang magkapatid," sabat ni Mama nabaling naman ang tingin ko sa magulang ko at hindi na lang ako sumagot. "Talaga? Dapat pala sinama mo 'yong bestfriend mo dito para makilala namin ng tito Edwin mo." sambit ng Mama nina Ging at ate Pam. "Nakilala ko na si Light, Ma parehas silang dalawa ni Win ng tangkad at porma iba lang ang dating niya kay Win," sabat ni Ging nakahinga naman ako nag-peace sign sa akin ang kaibigan ko ng ma-gets ang nai-bulalas nito sa harap ng kasama namin. "Oh...gwapo rin siguro..." sambit ng Mama nina Ging at ate Pam. "Sobra, mare mahilig kami kantahan ni Papa ng batang 'yon," sabat ni Mama sa kaibigan nito. "Ma!" saway ni kuya Jirah sa Mama namin pina-tahimik ito ni Papa. "Baka masamid 'yon, Ma sabi nga nila busy si Light ngayon, at saka, para sa kinabukasan naman niya ang ginagawa ng batang 'yon mabuti na lang ang anak nauunawaan niya kaya hindi sinama dito," sabat ni Papa sa Mama ko parang gusto ko nang magwala sa kanilang ginagawa. Narinig namin na nagsalita na ang emcee nang mabaling ang tingin namin sa stage. May mga performers na nag-perform pinanood ko lang naman biglang tumunog ang cellphone ko pero hindi ko pinansin. Pinakilala ng emcee ang mga businessman at lawyers ng party kasama na ang Papa ni ate Pam at ni Ging. Tahimik lang akong nakamasid sa nangyayari kumunot ang noo ko nang may mapansin akong tao na iba ang nararamdaman kong aura hindi lang ako nagpa-halata na nakita ko ang tao. "Win?" tawag ni ate Pam sa akin at umiling lang ako saka tumingin sa harapan. Naka-sandal sa akin ang buong katawan ng anak ko kasama na ang ulo napansin ko na tumitingin sa akin ang mga kaibigan namin. "Close na kaagad kayo?" banggit ni Cute sa amin at tumango ako sa kanya. "Idol ko si tito Win, tito Cute hindi ko alam na kaibigan ni Mama si tito noon crush ko rin si tito Win..." pahayag ni Frey sinaway naman siya ni Ging natawa naman si Cute pero napangiti ako alam kong humahanga lang sa akin ang anak ko dahil magaling ako sa passion ko. "Anak na ba ni Ging ang papalit?" pagbibiro ni Cute sinamaan ko na lang nang tingin ang kaibigan ko nang dahil sa sinabi nito. "Cute!!" saway ni Thana sa kaibigan at tinawag ng emcee si tito Edwin. "Magandang gabi sa inyong lahat sa mga bisita namin ngayong anibersaryo ng law firm namin," panimula ni tito Edwin sa stage tumayo siya sa inuupuan nito. Pumalakpak ang mga bisita kasama kami ng pamilya ko tinawag ni tito Edwin ang asawa niya, ang dalawang anak niya at mga apo't-asawa ni ate Pam. Naiwan sa pwesto ang anak ko na hindi tinawag ni tito Edwin nagka-tinginan pa kaming dalawa ni Ging. "May mistake akong nagawa nung kabataan ng mga anak ko nawala sa kanila ang tunay nilang saya nang manirahan kami sa Canada." wika ni tito Edwin sa lahat nakikinig lang ako sa sasabihin nito. Tahimik lang ang lahat para makinig sa sasabihin ni tito Edwin. "Inagaw ko ang nararamdamang saya ni Pam sa ex niya para sa negosyong 'to, ang kapalit nun ang ipakasal siya sa asawa niya ngayon at hindi pumayag ang asawa ko noon dahil mahal nila ang isa't-isa that time nangailangan kami kaya nagawa kong isakripisyo ang anak ko para sa negosyo 'to, alam kong hindi pa rin masaya si Pam sa buhay niya ngayon kahit may pamilya na siya dahil ama ako eh, sorry, anak pero hanggang kamatayan ko hindi mo na 'yan mararamdaman pa." bulalas ni tito Edwin sa anak niya nabaling ang tingin ko sa kuya ko. Nakita ko ang reaksyon ng mukha at galaw ng mata niya hinawakan ni Yumi ang kamay ng kuya ko. "Last, ang pangalawa ko..." sambit ni tito Edwin sa lahat hinawakan nito ang kamay ni Ging. Biglang bumulaga sa amin ang pictures na kasama ang pamilya ko at kami nina kuya Jirah. Nabaling ang tingin ko sa picture naming tatlo ni Ging at nang anak namin. "Anak nina attorney Winter Kevin at Ging Ramirez ang apo ko na si Winfrey Ramirez, umalis kami ng bansa noon na hindi nila alam na mag-bubunga ang isang gabi na kanilang pagtatalik mag-ex sila—sinabi na sa akin ng anak ko wala na silang pag-asang mabuo as family, alam ko rin 'yon dahil nakikita ko 'yon sa batang 'yon at ayoko sirain ang relasyon na sinira ko noon sa kapatid niya at sa anak kong panganay ang gusto ko lang ipakilala ni Win sa inyo na may anak na siya at ako rin pumigil noon sa anak ko na si Ging na ipakilala ang apo ko kay Win dahil sa depression ni Pam noon nagkasabay ang lahat ng nangyari sa pamilya namin kaya ngayon huli na ang lahat masaya sana sila ngayon." nasambit ni tito Edwin sa lahat at napunta sa akin ang ilaw. Tumayo kaagad ako na kasama ang anak ko naka-hawak sa kamay ko. Nagpunta kami sa stage at yumuko sa pamilyang Ramirez. "Ako si Winter Kevin aka Ice na isang singer, ngayon ko lang din nalaman na ang batang kasama ni Ging ay ang anak ko sa kanya wala akong kamalay-malay na ang batang nakikita ko sa condo ko at iniidolo ako—anak ko pala at matagal na akong may anak akala ko, on the way pa lang kaso nauna pa ako sa kuya ko nagkaroon ng anak teenager? I think? Nakapang-hihinayang lang na hindi ko man lang siya nakitang lumalaki at unang maglakad, at unang beses na magsalita siya noon." amin ko na lang at nabaling ang tingin ko sa anak ko na yumapos sa akin. Nagsalita ulit ako sa harap ng mga bisita alam kong naka-broadcast ito sa TV at pinapanood na ito ng mga kaibigan ni Light o mismong siya wala na akong ma-itatago pa sa kanya. "Pero, proud ako na pinalaki siya ng ex ko na si Ging na open minded sa lahat ng bagay, at mabait siyang bata ngayon nakilala ko na ang anak ko hinding-hindi ko na siya pababayaan pa at hindi ko iiwanan ano man ang gustong gawin nito susuportahan ko hanggang sa makakaya ko kaya pala malapit kaagad ang loob ko sa kanya nung una ko siyang makita totoo pala ang lukso ng dugo na sinasabi." bulalas ko na lang sa lahat nang tao nakatingin sa amin. "Bakit hindi na lang kayo nagka-balikan ni Ms. Ramirez?" tanong ng emcee sa amin at kaagad na akong sumagot. "I'm already in a relationship, and it's not a secret from my family but we both want to make our relationship private to the public not because I'm famous right now or famous singer but so we can do what couples normally do." aniko at naramdaman kong pinisil ng anak ko ang kamay ko. Nagpaalam naman kaagad ako emcee at bumalik sa pwesto kung saan ang pamilya ko. Nabaling ang tingin ko sa mga kaibigan ko na may gustong itanong pero hindi nila magawa. Bumalik na rin sa pwesto ang pamilyang Ramirez at nabaling ang tingin ng mga bisita sa amin. Kumain na kaming lahat nang matapos ako naramdaman ko ang vibration ng cellphone ko at tinignan ko kung sino ang tumatawag—si Light. Luminga-linga ako dahil bumilis ang t***k ng puso ko nang hindi mapaliwanag. Nagulat ako nang makita ko si Light nasa bungad ng entrance at nakatingin sa projector na kung saan nakalagay ang pangalan ng anak ko at pangalan namin ni Ging. Tumayo bigla ako sa inuupuan ko at nagmamadaling lumapit sa boyfriend ko. Nakita ko ang pagsama ng tingin niya sa akin at natigilan ako sa paglapit sa kanya. Hindi ako na ako mapakali sa nakikita kong reaksyon niya sa mukha at kaagad siyang tumalikod sa akin. Shit! s**t! Bumalik ako sa pwesto ko at kinuha ang gamit ko at bumulong ako sa kuya ko na malapit sa akin at kaagad akong umalis na walang paalam sa mga kaibigan at magulang nina ate Pam at Ging. Nang makalabas ako ng event hinanap ko kaagad siya napasandal na lang ako sa posteng nasa tabi ko bago tumingala nang may yumakap sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD