Natigilan ako ng yumakap siya sa akin nang mahigpit sa akin at hindi nagsasalita.
"Bakit...bakit..." aniya habang nakayakap sa akin hindi ko maintindihan kung hahawakan ko ba siya o hindi.
Hindi naman ako nagsalita hindi ko din alam ang isasagot sa, bakit niya?!
"Bakit nagsinungaling sa akin na may anak kayong dalawa ng babaeng 'yon?" bulong niya sa akin hindi pa rin nagsasalita para akong natigalgal sa sinabi niya.
Alam kong hindi siya tanga para hindi niya ma-gets ang nakalagay sa projector.
"Nalaman ko lang noong nag-amok ang stalker ni Ging sa condo nila-dun ko lang nalaman ang totoo nilihim nila sa pamilya ko ang lahat," aniko sa kanya yumapos na lang ako hindi ko na napigilang umiyak sa harap niya.
Nang lumayo siya sa akin nagka-titigan kaming dalawa bigla niya akong hinila nagpa-hila na lang ako sa kanya. Dinala niya ako sa parking lot kung nasaan ang motor niya. Dinala na lang niya ako sa isang restaurant kung saan wala gaanong katao-tao umupo kaming dalawa sa bakanteng pwesto.
Tinawag niya ang waiter at lumapit kaagad ito sa amin yumuko lang ako at kinuha ang cellphone ko para mag-text sa magulang ko na kasama ko si Light. Tumingin ako sa kanya nang maramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko.
"Nang umalis ka sa bahay nang walang paalam at notes lang natanggap ko kinutuban na ako kinokontak kita pero binabalewala mo ang tawag at text ko, bakit? Bakit mo inilihim sa akin ang nalaman mo? Kailan pa?" pagtatanong niya pagkatapos umalis sa tabi namin ang waiter.
"Wala akong nililihim sa'yo, babe sa palagay mo ba itatago ko 'to sa'yo? Ako ang pinag-taguan ng anak! Ako rin ang niloko ng ilang taon, ang pagkakamali ko lang naman hindi ko sinabi sa'yo kaagad dahil gusto ko muna makilala ang anak ko, kilala mo ako, babe wala akong tinatago sa'yo." bulalas ko na lang sa kanya at umiwas ako nang tingin dahil napapahiya na siya sa ibang tao nandun.
Nang dumating ang waiter kasama ang ibang kasamahan nito nilapag nila ang inorder namin. Hindi ko ginalaw ang pagkain nasa harapan namin hindi ako makapagsalita parang nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib.
Wala akong nagawa kundi sumandok ng pagkain kahit wala akong gana at maliban pa dun busog pa ako. Nang matapos kami kumain siya na ang nagbayad ng kinain namin lumabas na kaagad kaming dalawa para hindi pagka-guluhan ng mga tao.
Nagpunta kami sa unibersidad kung saan kami unang nagka-kilala umupo ako sa damuhan kung saan may net nang football.
"Babe, bakit hindi mo kaagad sinabing may anak kayo ni Ging, at si Frey ba ang batang 'yon?!" wika niya sa akin tumingala ako bigla at nilapag ko sa damuhan ang mga kamay ko.
Hindi ako tumitingin nang magsalita ako sa kanya.
"Kaba, takot ang naramdaman ko nang maisip ko ang magiging reaksyon mo kapag nalaman mo na may anak kaming dalawa-dahil nagseselos ka pa sa kanya, babe ayokong mag-isip ng negatibo pero pumapasok ito sa isip ko kahit itanggi ko sa sarili ko." pag-amin ko sa kanya nang hindi lumilingon sa tabi ko.
"Tama ng sinabi, Win nagseselos ako sa kanya lalo na ngayong may anak kayo may pagkakataon na sila mapa-lapit sa'yo at para magka-balikan kayong dalawa ni Ging makakabuo kayo ng pamilya." mapait niyang sambit sa akin hindi naman ako naka-react, tama ang hinala ko kapag nalaman niya ang koneksyon ko sa mag-ina ko.
"Sa totoo lang, Bernard tanggap mo bang may anak ako hindi mula kay Ging o sa iba pa ah?" tanong ko naman sa kanya nang hindi pa rin ako lumilingon naninikip na ang nararamdaman ko ngayon sa maririnig kong sagot.
"Except sa IVF procedure/surrogate ba 'yon dahil kung parehas naman natin 'yon gustong gawin kung sakali na mag-pasya tayong mag-anak, babe matatanggap ko ang bata dahil anak natin 'yon maliban sa magkaroon ka ng anak iba kasi pwede ka nila kunin sa akin at makabuo kayo ng pamilya mag-iisa na lang ako 'yon ang kinatatakot kong mangyari sa ating dalawa." wika naman niya sa akin inuunawa ko ang sinasabi niya sa akin ngayon.
Iba ba 'yon kung magpa-pasya kami na mag-anak?
"Sinabi ko na sa'yong may closure na kaming dalawa ni Ging parte na lang siya ng nakaraan ko, babe ang present ko ang anak ko sa kanya at ikaw alaala na lang ng masasayang nakaraan ang meron sa amin ang mananatili sa akin, babe wala nang balikan magaganap," aniko sa kanya natahimik naman siya sa sinabi ko may gusto rin akong sabihin kaya rin siya nagkaka-ganyan.
"Win..." tawag naman niya sa akin bumuntong-hininga muna ako bago magsalita masakit ang sasabihin ko para sa aming dalawa pero, ito lang ang paraan para guminhawa ang nararamdaman niya.
Nang hindi ako tumitingin sa kanya dahan-dahan akong nilapit ang kamay niya at pinisil ko na lang para malaman niyang okay lang ako.
"Win, let's break up...I don't want to see you because every time I see you my heart breaks," nasambit naman niya sa akin lumingon ako sa kanya nang banggitin niya 'yon masakit na mabanggit niya 'yon mula pa sa bibig niya.
Humagalpak ako ng tawa at lumuha na lang ako sa harap niya nang sabihin niya 'yon at tumitig na lang ako sa kanya na may luha sa mga mata ko.
"Tatanggapin ko ang pasya mo, Bernard na mag-hiwalay tayong dalawa pero tandaan mo na ikaw lang ang mahal ko mula ng magkakilala tayo hanggang ngayon at sana tanggapin mo rin ang sarili mo, babe katulad ng pag-tanggap ko sa sarili ko mula nang magkaroon tayo ng relasyon-at sana, aminin mo rin sa pamilya mo kung sino ka, babe bago kita matanggap ulit sa puso ko," diin kong sambit sa kanya at tumayo na ako sa damuhan nang aalis na ako naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko.
"May babalikan ba ako kapag nagawa ko ang sinasabi mo?" tanong naman niya sa akin.
"Huwag mong isipin na may babalikan ka, Bernard ang isipin mo sa ngayon ang mangyayari sa gagawin mo sa sarili mo, at sa pag-amin mo sa magulang mo kung sino ka hindi kita kinukumpara sa kapatid mo, ako gusto kong ayusin ang relasyon ko sa anak ko at hindi ko ipagdadamot sa anak ko ang pagmamahal na dapat matagal ko nang pinaramdam sa kanya, Bernard dugo't-laman ko siya eh at hindi maiiwasan na magkikita kami ni Ging dahil ina siya ni Frey at ang pamilya niya-ang magulang niya turing ko magulang ko dahil ninong ko ang Papa niya at ang kapatid niya turing ko ate ko kahit hindi sila nagka-tuluyan ni kuya Jirah," sambit ko at tinanggal ko na ang kamay ko na hawak niya.
Tumakbo na ako palabas ng unibersidad at nagpunta ako sa isang lugar na kami lang nakakaalam ni Ging. Humagulgol ako ng iyak nang makarating ako at sumigaw ako nang malakas dahil ang sikip na nang damdamin ko nang dahil sa pag-hihiwalay namin.
"Win.." narinig kong tawag ng taong hindi ko inaasahang maririnig ko.
"Thana..." aniko na lang nang lumingon ako at nakita ko si Ging na kasama niya.
Nilapitan niya kaagad ako at niyakap nang mahigpit nabaling naman ang tingin ko sa kaibigan ko.
"Sorry, bro..." wika ni Thana sa akin napailing na lang ako bago ko itulak si Ging palayo sa akin.
"Hindi ko alam, Win...hindi ko alam na may tao akong masasaktan kapag nalaman niya o nang mga tao ang tungkol sa anak natin..." sabat ni Ging nakita ko na umiiyak siya naka-titig lang ako sa kaibigan ko.
"Mas mabuti nga 'yong nangyari dahil hindi pa siya healed sa pagkatao niya-i mean, hindi pa magaling ang sugat na nabuo sa pagkatao niya kailangan muna niya kilalanin ang sarili niya at aminin ang lahat, Ging alam mo 'yon, Thana alam nating takot siyang husgahan at pandirihan ng magulang niya dahil siya na lang..." nasambit ko na lang.
"Win..." tawag ni Thana sa akin ngumiti ako nang mapakla bago ako magsalita.
"Malaya na ako..." pakanta kong sambit sa kanilang dalawa.
Sinabi kong nag-desisyon kami ni Light na mag-hiwalay para hindi namin masaktan ang isa't-isa sa tuwing magkikita kami.
"Saan ka maninirahan ngayon?" tanong ni Thana sa akin nang masdan niya ako.
"Sa bahay ng magulang ko, Thana gusto rin kilalanin ng maigi ang anak ko kung ano ang ugali nito at ano ang bawal na pagkain at iba, Ging pwede ba na sa amin muna si Frey?" baling kong tanong kay Ging sumandal ako sa batong nasa likod namin.
"Oo naman, hindi kita pipigilang lumapit sa kanya wala ka naman nagawang masama sa akin o sa pamilya namin para pag-bawalan ko, ako pa ang dapat mahiya sa'yo hindi ko na nga tinupad ang pangako natin sa isa't-isa tapos hindi ko pa sinabing nagka-anak tayo." wika ni Ging sa akin at nasabi niya kung pwede lang ibalik ang dati pero, imposible na talaga.