Nagpunta kami ng mga estudyante ko sa isang music club studio. Bago man kasi ako bumalik sa klase ko nasalubong ko ang principal naalala ko tuloy ang sinabi nito sa akin.
"May competition kayo sasalihan ng klase mo, Mr. Williams kailangan nyo maghanda gumawa ka ng by group na estudyante sa klase mo ang ibang music teacher at klase nila kasali din bawat school kasali." sambit ng principal sa akin napahinto naman ako.
"Wala pa kaming na-eensayo, sir kahit isa," sabi ko bigla sa principal.
"Next month pa naman ang competition kapag nanalo ang school natin dadalhin ang pangalan ng school sa ibang bansa mag-cocompete din kayo dun kung sakali may panahon kayo maghanda," anito sa akin at sumagot naman ako.
"Anong petsa gaganapin ang competition, sir?" tanong ko.
"Kalagitnaan ng buwan, Bernard." sabi ng principal napatingin pa sa amin ang dumadaang estudyante.
"Hala! May competition ulit para sa music club exciting naman ang naging pokus ng school noon ang mga squad cheerleaders." nasabi ng estudyanteng nakatayo sa tapat ng classroom kung saan kami nakatayo.
"Oo nga, nahinto kasi noon ang competition hindi naging patok sa mga school ang music puro tungkol sa sports at cheerleader ang naging patok." wika ng estudyante nabaling ang tingin ko sa principal.
"Naging mahina ang music sa school kaya hindi ko na sinasali sa competition ang mga estudyanteng may talento sinasali na lang namin sa TV o binibigyan namin ng mini-concert sa school para mapakita nila ang kanilang talento iba ito dahil foreign ang kumausap sa amin mga principal kaya pumayag ako." anito naglakad na siya palayo sa akin sinundan ko na lang siya ng tingin.
Bumalik ako sa realidad nang may magsalitang estudyante.
"Sir, totoo ba ang chismis na may competition para sa music?" pagtatanong ng estudyante ko sa akin.
"Oo, class totoo hindi ko kayo pipilitin na sumali kung ayaw nyo kailangan lang ng school ng kakanta para sa school natin," aniko sa mga estudyante prangka ko na ito sinabi sa kanila.
Maraming nag-taas nang kanilang kamay na pinag-takhan ko.
"Lahat kami kakanta, sir tulungan nyo lang kami na hindi kabahan sa harap ng maraming tao 'yon ang magiging hadlang." wika ng isa sa estudyante ko.
Bumuntong-hininga na lang ako at pumalakpak sa harap nila.
"Normal na kakabahan tayo, class maski ako na kahit pro na kinakabahan pa rin alam nyo ba ang gamot?" biro ko sa mga estudyante ko at nag-hiyawan sila.
Natawa ang lahat ng estudyante sa inasal ko at pina-tahimik ko sila nang hindi na kami nagkaka-rinigan.
"Hahatiin ko kayo by group, class next month na ang competition hindi ko lang alam kung saan 'to gaganapin," sambit ko sa mga estudyante ko at pinag-hiwalay ko sila by boys and girls.
Inalam ko na rin kung ano ang kakantahin ng mga estudyante para sa kanilang competition. Inayos ko na rin ang areglo nila sa pagkanta at pinag-sabay ko sila kumanta dahil papakinggan ko kung sino ang parehas ang tono sa pagkanta.
"Good job, class may klase tayo bukas hindi tungkol sa competition hindi 'to exempted." aniko sa mga estudyante ko iba't-ibang estudyante ang nakaka-harap ko kung sino ang last class ko sila ang kasali sa competition hindi sa pang-umaga.
Ito lang ang serious work ko maliban sa gig at singer sa TV. Nang matapos ako nagpaalam na ako sa klase ko dahil may gagawin pa akong guesting sa variety show.
Bumalik na ako sa faculty room para ayusin ang gamit ko nakita ko pa ang kaibigan ko na si Mars na pumasok.
"Aalis ka na?" tanong niya nang makita ang ginagawa ko at tumango na lang ako.
"Oo, may guesting kasi ako." sambit ko na lang sa kanya at binitbit ko ang bagpack ko tinapik ang balikat niya bago ako lumabas ng faculty room.
Binati pa ako ng mga nasasalubong kong estudyante may nagpa-picture pa sa akin. Tinawagan ko ang manager ko na si Gun nang nasa parking lot na ako.
Calling...
Light: Gun!
Gun: On the way na rin ako, Light kasama mo ba si Ice?
Napatingin tuloy ako sa relo ko nang sabihin niya 'yon at kinuha ko ang cellphone ko kung nag-text na ba ito sa akin.
Hindi pa siya nagpaparamdam mula nang ma-ihatid ko siya sa ULF.
Light: Hindi, bakit?
Gun: Nandito si Ice may kasamang babae, may LQ ba kayo?
Magkasama sila? Bakit hindi niya ako sinabihan na magkasama sila?
Light: Wala naman.
Gun: Nagkita kami sa resto at inimbitahan ko na sumama sa amin ni Dino nagtaka pa kami nang makita ko siya akala ko ikaw ang kasama niya.
Light: Nasa trabaho siya kaya may kasamang iba baka ka-trabaho niya ang kasama niya.
Gun: Baka...naistorbo ko pa yata dahil may nakapatong na mga papel nun, hindi ko naman alam.
"Gun, si Light ba ang kausap mo?" narinig kong tanong ni Ice sa kabilang linya.
"Oo, sinabi kong kasama ka namin," wika ni Gun sa kanya napapailing na lang ako at i-start ang engine ng motor.
"Minsan, Gun 'yang bibig mo patahimikin mo sa ka-daldalan mo inistorbo mo na kami ng ka-trabaho ko sa ginagawa namin pumayag lang ako dahil unang beses niya makakapunta sa network at maka-relax ang isip namin hindi ko na siya sinabihan na magkasama tayo dahil alam kong busy 'yong tao." sambit ni Ice sa kabilang linya nakasuot ako ng bluetooth headset.
Light: Ibaba ko na 'to, Gun mukhang bad mood ang babe ko.
Gun: Sige, tingin ko nga rin eh...
Pinindot ko ang end call sa cellphone ko at humarurot na papunta sa network. Nang makarating ako hinanap ko kaagad ang sasakyan natanaw ko na lang na parating nauna pa pala akong dumating sa kanila.
Binaba ko ang helmet ko at inalis ang susi sa motor bago ako pumasok sa network binati pa ako nang security guard hinintay ko silang bumaba kinawayan ko sila.
"Light!" tawag ni Gun nakatingin ako kay Ice na tinutulungang alalayan ang isang babae.
Siya 'yong babae nakasabay namin sa elevator at may anak na dalaga. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa, bakit may kaba akong naramdaman habang nakamasid ako sa kanilang dalawa.
Tumingin silang dalawa sa akin at ngumiti si Ice sa akin at naglakad na sila papunta sa akin.
"Si Ging, Light kapatid ng ex ni kuya at kinakapatid ko," wika niya at tumingin ako sa babae.
"Hi! Light, nagkita na tayo sa elevator hindi lang ako naipakilala sa'yo ni Win dahil kasama ko ang anak ko at mahuhuli na 'yon sa school." anito nakatingin lang ako nang seryoso.
Nasa iisang trabaho sila magkasama at bumuntong-hininga na lang ako kinakapatid lang ni Win ang babae.
"Hi!" pagbati ko na lang at tumingin naman ako kay Win.
"Tara na," pagtawag sa amin ni Gun at pumasok na kaming lahat sa loob binabati pa kami ng mga staff at ibang artist ng network
Naiwan sa labas si Ice kasama ng babae nang makarating kami sa dressing room nahihiya daw ang nangangalang Ging sa loob ng dressing room. Naalala ko ang nangyari kanina inayusan lang ako ng make up artist.
"Ano ka ba, Ging kaibigan, at kinakapatid ka ni Ice hindi ka na magiging iba sa amin," sabat ni Dino sa babae at umiling ito sa kaibigan ko.
"Maiiwan na lang ako para may kasama siya hindi ka pa rin nagbabago kapag may bago kang nakikilala," sambit ni Ice sa babae nakita ko ang pamumula ng mukha nito.
"Ganun talaga ako, Win naalala mo pala," wika naman ni Ging sa kanya.
Natawa naman si Ice sa sinabi niya at nakita ko ang tunay na ngiti niya na sa amin lang pinapakita.
"Dahil sabay tayo lumaki, Ging kung hindi lang nagpakasal sa iba si ate Pam magiging sister in law pa kita." sambit ni Ice.
Tumalikod na ako dahil nagseselos ako sa nakikita kong tagpo sinundan naman ako nina Gun at Dino.
Umupo ako sa harap ng salamin at nagsalita si Dino kahit nasa likod ko siya.
"Close siguro sila noon," sambit ni Dino sa amin ni Gun.
"Halata naman eh, babe iba ang trato ni Ice sa babaeng 'yon," wika ni Dino sa boyfriend niya.
Nakikinig lang ako sa kanilang dalawa at nag-text ako kay Win.
Text message
Light: Naiinip ba kayo dyan?
Babe: No, okay lang kami ni Ging matatapos na ba kayo?
Light: Oo.
Hindi na siya nag-reply na madalang niya gawin sa akin may kakaiba talaga akong napapansin sa kanya. Nang matapos tumayo na ako at lumabas ng dressing room bumungad sa akin na nag-uusap pa rin sila. Tinawag ko siya at lumingon naman siya naglakad na kaming tatlo nasa likod namin ang dalawang mag-jowa.
Nang makarating kami sa studio tinapik ako sa balikat ni Win at tinuro niya ang gilid.
"Dun ka na lang namin papanoorin," wika ni Ice sa akin at tinignan ko ang katabi niya nakita ko ang pag-iling niya at umiwas nang tingin sa akin.
"Ako na lang, Win ka-banda mo sila ayoko na maging out of place ako pero kailangan ka," wika ni Ging.
"Sasamahan kita, Ging makikita naman ako." sambit ni Win sa kanya.
"Tama siya," sang-ayon ko na lang dahil kita ko na naiilang sa paligid si Ging.
Tahimik lang ako sa backstage kung saan ako dadaan para ipakilala ng host. Napalingon pa ako sa kanila na nag-uusap sa gilid ng stage nakita ko ang pag-senyas ni Gun sa akin.
Binati ako ng host at nagsimula na akong interview-hin tahimik lang ang buong audience hanggang sa pakantahin ako.
Kinanta ko ang favorite song ko para kay Ice napatingin ako sa kanila at sa buong audience sana mapansin niya ako.
Sa tuwing kasama kita
Wala nang kulang pa
Mahal na mahal kang talaga
Tayo ay iisa
Hmmm....
Hmmm....
Tayong dalawa iisa lang, ayokong isipin ang pumapasok na negative sa sistema ko. Kumanta lang ako ng kumanta sa harap nila.
Unos sa buhay natin
'Di ko papansinin
Takda ng tadhana
Ikaw ang aking bituin
Nang matapos akong kumanta umupo ulit ako sa upuan at kinausap ako ng host. Makalipas ng ilang oras, nagpaalam na ang variety show at nakita ko na may sumulubong na lalaki sa harap.
"Ms. Ramirez, pinapa-uwi na kayo ni ma'am Pam at nag-aabang sa labas ang stalker nyo." bungad ng lalaki sa kanila palapit na ako nang marinig ko.
"Ano? Hindi pa rin ba siya tumitigil?" tanong ni Win sa lalaki.
"Hindi, sir." sambit ng lalaki at nagpaalam na sa amin si Ging.
"Ingat kayo sa pag-uwi," wika ni Ging.
"Sa condo nyo ba tutuloy ang anak mo?" tanong ni Win nakalapit na ako sa kanila.
"Oo, baka gabihin ako bago umuwi sa condo," sambit ni Ging at napalingon sa kanya nang magsalita siya hiningi ko ang cellphone number ng anak nito.
"Ako na ang bahala sa anak mo," wika ni Ice at ginulo ang buhok nito bago sumama sa dalawang lalaki na parang goons.