Chapter Twenty Two

2013 Words
"Ninong, bakit?" tanong ko nang palabas na ako ng bahay nila nauuna sa amin ang anak niya. "Alagaan mo sila, Win ikaw lang mapagkaka-tiwalaan ko dito." sambit nito at hinawakan niya ang balikat ko. "Ninong, may sarili na siyang buhay at ako ayoko nang madamay sa anumang nangyayari sa kanya ang concern ko lang kung may anak ako sa kanya." aniko at napalingon ako nang tawagin ako ng anak niya. Nang sumakay ako kinausap niya ako napalingon ako nang may sabihin siya sa akin. "Hindi mo ba matanggap na may anak tayo dahil wala tayong communication at iniisip mo na sa ibang lalaki ako nagkaroon ng anak?" tanong naman ni Ging sa akin. "Sa totoo lang? Oo, dahil wala tayong communication noon imposible pwede naman nila sabihin sa magulang ko o sa akin kung may anak na ako o wala." aniko dahil totoo naman malapit kami sa bawat pamilya namin. Hinawakan niya ang kamay ko at nagsalita siya saka, pinisil ang hawak niyang kamay ko. "Noong panahon na 'yon hindi maayos ang relasyon ni ate at nang asawa niya baka madamay kayo sa pagtatalo nila noon lalo nang nalaman ng asawa ni ate na ex nito ang actor na si Jirah na mahal pa rin nito hanggang ngayon si kuya Jirah natatakot si ate nadamay kayo sa kanilang pagtatalo pati kami nadamay nang malaman nito na anak mo si Win—Frey ang nagsasalba na lang para hindi magawa ni bayaw 'yon ang kanilang dalawang anak—gi—hasa nito si ate noon ang huli nang huling pagbubuntis niya sapilitan." aniya natigilan naman ako sa sinabi niya tumitig ako sa mga mata niya at nakita ko ang katotohanan. "Ging, okay na ba si ate Pam?" tanong ko. "Hindi siya okay alam 'yon ng magulang namin nagpapakita lang siyang okay sa paningin ng ibang tao pero dito at dyan hindi na siya okay." wika niya tinuro niya sa pamamagitan ng puso at nang ulo ko. "Ging..." tawag ko sa kanya nakita ko ang pagluha niya. Hinawakan ko ang pisngi niya ayokong makakakitang umiiyak na tao sa harapan ko. "Kung wala nang pag-asang magka-balikan tayo, Win para na lang sana sa anak natin...gusto mo ba ng closure? Pumapayag ako para maging panatag na rin ako o ikaw." wika na lang niya sa akin. Bago man kami bumaba sa sasakyan nabigla ako nang halikan niya ako sa labi nakita ko ang pagluha niya nawala na ang sparks sa aming dalawa 'yon ang naramdaman ko. Ging, isa ka na lang alaala na nagpasaya sa buhay ko. "Si Winter Kevin 'yon ah? Jowa niya?" tanong ng isang nasalubong namin sa paglalakad. "Hindi siguro kung sila dapat iba ang kislap ng kanilang mga mata." dinig namin sa mga nakasabay sa paglalakad. "Malihim pa naman siya sa private life nila," wika nila at hindi na lang namin pinansin. Sumakay kaming dalawa sa elevator at pinindot ko ang floor number namin. "Anong floor kayo nakatira?" tanong ko na lang sa kanya nang mag-pipindot ulit ako. "Same floor tayo," aniya napalingon ako sa kanya at napahinto ako. Sinabi niya ang number ng tinutuluyan nilang condo at lumabas pa kami nang sabay. Sinundan ko na lang siya nang tingin bago ako pumasok sa loob ng condo namin ni Light. Para akong nabunutan ng tinik sa sinabi niya ang salitang closure. Naupo ako sa sofa at inalis ang suot kong sapatos pati ang medyas bago sumandal napatingin ako sa pumasok. "Babe!" tawag niya nang bumungad ako sa harap niya at sinugod ko siya ng yakap. Nang yakapin ko siya bigla akong umiyak nang umiyak sa balikat niya parang bumalik ang nakaraan nang makita ko siya at noong kami ni Ging. Wala na akong nararamdaman na pag-aalinalangan sa loob ko. Okay na kami ngayon ni Ging ang kailangan ko lang gawin ang sabihin kay Light ang tungkol sa anak ko. "Babe? Anong problema?" pagtatanong niya sa akin kahit naka-yakap pa rin ako sa kanya. "Sobrang saya ko..." mahinang sambit ko sa kanya nang humiwalay ako at pinunasan ko ang luha sa pisngi ko. Ha? "Anong sobrang saya, bakit ka umiiyak kung masaya ka?" tanong naman niya sa akin at pumunta kaming dalawa sa loob ng kwarto namin. "Sorry muna, babe kung hindi ko na-kwento na may naging ka-relasyon akong babae noon nung nahulog na ang loob ko sa'yo dahil sa pagtulong ko sa pag-iwas mo kay Helga noon," sambit ko napatingin siya sa akin nang banggitin ko 'yon sa kanya. "Anong konek sa kasiyahan mo ang ex mo?" tanong naman niya sa akin at tumayo siya sa tabi ng pintuan. Nagseselos na naman siya iba ang mukha niya. Umatras siya sa akin at nakita ko na sumeryoso ang mukha niya nang tignan niya ako. "Nagkaroon na kami ng closure, babe masaya ako na kasi wala nang alinlangan sa puso ko," aniko tinignan niya ako sa mata. "Nag-aalinlangan ka para saan?" tanong niya bigla sa akin. "Na wala akong masasaktan na tao, babe kasi kahit hindi kami magkasama noon may mahalaga siya sa akin at mahal ko siya may pangako kami sa isa't-isa ako nga ang dahilan ng pagka-sira ng pangako namin nang magsimulang mahulog ang loob ko sa'yo noon." sambit ko sa kanya. "Ano ngayon ang meron?" seryoso tanong niya sa akin. "Okay na kaming dalawa, babe nagkapa-tawaran na at tanggap niyang hindi na kami babalik sa dati." aniko at hinawakan ko ang kamay niya. Alam kong shocked pa rin siya sa sinabi ko hindi ko muna sasabihin ang lahat sa kanya. "Mahal mo pa ba siya?" tanong niya sa akin nang seryoso. Kita ko ang pagdududa niya sa mga sinabi ko. "Hindi naman maaalis 'yon dahil siya ang unang pag-ibig ko at dekada na rin ang naging relasyon namin at malapit ang pamilya ko sa pamilya niya pero ikaw na ang forever ko, babe kung takot kang mawala ako sa'yo hindi mangyayari 'yong bumabagabag sa puso mo." sambit ko na lang kanya dahil totoo naman. Lumapit ako sa kanya at nakipag-titigan ako sa kanya. "Ano ngayon ang balak mo ngayong okay na kayo?" tanong naman niya sa akin. "Friends na kaming dalawa ulit, at bumalik na ang dati naming turingan alam na namin ang limitasyon sa isa't-isa ngayon dahil alam na niyang may mahal akong iba," nasambit ko na lang sa kanya. Kinabukasan, maaga akong gumising para ipagluto ko siya pang-piece offering na rin. Nang lumingon ako nakita ko na kagigising niya lang kagabi nakita ko ang basyo ng beer dito pero hindi ko naman nakitang lasing na lasing siya ng magpunta siya sa ULF. "Babe," tawag ko. "Wala kang trabaho?" tanong na lang niya sa akin at lumapit siya para dumikit ang mga balat namin. "Meron, babe half day ako dahil sa nangyaring gulo sa law firm." sambit ko kaagad sa kanya at nabaling naman ang tingin niya sa akin dahil totoo bigla akong tinawagan ng HR kanina. "Sino ang dalawang kasama mo noon?" pagtatanong naman niya sa akin at napatingin ako sa kanya. "Ikaw nga pala ang nakita ko kagabi akala ko guni-guni ko lang," sambit ko siya nga 'yon ang tinutukoy niya sina Ging at ate Pam. "Oo, ako nga 'yon susunduin sana kita." aniya sa akin pagkatapos. "Ah, 'yong babaeng nakita natin sa 7-eleven siya si ate Pam ex ni kuya Jirah at 'yong kasama niya ang kapatid niya." aniko sa kanya hindi ko kailangan ipaalam sa kanya ang lahat. Hm... "Ah, bakit may napansin akong lalaking kinakaladkad ng mga security guard?" tanong naman niya sa akin naalala ko tuloy ang damuhong 'yon ng banggitin niya 'yon. "'Yon ang nanggulo sa loob ng law firm kliyente ko ang ama nun kaya kinaladkad ng security guard," sambit ko hinawakan niya ang mga braso ko. "Bakit ka pa nila sinama?" tanong niya sa akin habang kumakain. Naghain na ako ng pagkain namin sa mesa at umupo kaming dalawa. "Witness ako sa nangyaring gulo," amin ko na lang sa kanya. Nang matapos kami kumain nauna na akong maligo at siya naman ang naghugas ng pinag-kainan namin. Napalingon siya nang yumakap ako sa likod niya at dumantay ang baba ko sa balikat niya. "Ipapakilala kita sa kanila as friend, okay lang ba sa'yo?" tanong ko sa kanya hindi ko siya ipapakilala as jowa kaibigan lang para mapanatag siya. "Oo naman, babe kung hindi ka pa rin handang i-broadcast ang relasyon natin sa publiko naiintindihan kita." aniya at ngumiti na lang ako sa kanya alam ko kasing sisirain ng ibang tao ang relasyon namin. "Thank you, babe ninong ko ang ama nila kaya malapit ako sa kanila alam mo ba huli ko nalaman na sila ang may-ari nang pinag-trabahuan ko." aniko nang matapos siya maghugas lumingon naman siya sa akin. "Hindi nga?" nasambit na lang niya at tumango ako sa harap niya. "Oo, kagabi lang kami nagkita tapos ganun pa ang nangyari sa muling pagkikita namin." pagkakaila ko at napapailing na lang ako pagkatapos lumayo na ako sa kanya para sumandal sa lababo. "Matagal mo na silang kilala, ano, bakit hindi mo ito sinabi sa akin noong una?" tanong niya. "Ngayon ko lang ulit sila nakita," sambit ko napatingin ako sa kanya. Pumunta kami sa kwarto namin at kinuha ko ang twalya at pumasok siya sa loob ng banyo, may banyo sa loob at labas dun na siya naligo. "Kagalang-galang na ang babe ko," bungad niya sa akin nakabihis lang siya ng polo shirt at itim na pantalon kasama ang black shoes. "Ikaw rin naman, babe kagalang-galang ang itsura mo." aniko sa kanya at inayos ko ang kwelyo ng damit niya ng mapansin kong hindi maayos. "Gwapo ako eh," sambit niya at hinalikan ang ilong ko tinampal ko naman siya bigla. Pumikit naman ako sa ginawa niya at lumabas na kaming dalawa dala ang gamit namin para sa trabaho. Naglakad na kami papunta sa elevator pinindot ko ang arrow na pababa bumukas naman at bumungad sa amin ang isang babae at dalaga. Nahinto ako nang makita ko siya at nakipag-titigan pati sa kasama nitong dalaga—siya ba ang anak ko? Parang girl version ko! "Mahuhuli ka sa trabaho mo," sambit niya sa akin dahilan para tumingin ako kanya bago kami pumasok sa loob ng elevator. Nakaramdam ako ng ackwardness...bakit? Tinignan ko siya na tahimik lang lalapit ako sana kay Light nang lumapit ang dalagang nakasabay rin namin noon. Ang bilis-bilis ng t***k nang puso ko sa ginawa niyang pag-yakap parang huminto ang nasa paligid namin. "Hi po! Hindi po ba kayo 'yong singer na si Ice Kevin?" tanong naman ng dalaga sa akin dahilan para mapansin kong tumitig siya sa dalaga. "O—" napatingin tuloy ako sa dalaga hinila siya kaagad ni Ging palayo sa akin nakita ko ang namumuo niyang luha sa mata. "Pwede po ba magpa-picture? Idol ko po kayo." sambit ng dalaga at binitawan naman ito ni Ging na kaagad umiwas ng tingin sa amin. "Pamangkin mo?" tanong niya kay Ging nang tumingin siya nabaling ang tingin ko sa kanya dahil sa tanong. Bumaling naman nang tingin sa kanya ni Ging at umiling kaagad. "No, she's my daughter." anito sa kanya at napatingin sila sa amin at lumapit ang dalaga kay Ging. Anak...Siya si Win—Frey siya ang anak ko? "Mama! Ang gwapo niya, ano!" ngiting sambit ng dalaga kay Ging. Tumango naman kaagad si Ging nang tignan ako at tumingin siya kay Light pagkatapos. "Oo, gwapo naman talaga siya, 'nak." sambit ni Ging at bumukas kaagad ang elevator hinayaan namin na mauna ang mag-ina. "Siya 'yong kasama mo kagabi at kapatid niya?" bulong niya sa akin nakita niyang sinundan ko nang tingin ang dalawa. "Hm?" aniko nang lingunin ko siya kaagad at inulit ang sinabi niya sa akin. "Oo, siya nga." aniko at lumakad na kami papunta sa parking lot. "May anak na pala siya," wika niya. Anak naming dalawa, babe.... Sumakay na kaming dalawa sa motor at pinaabdar ko at hinatid ko siya sa pinag-trabahuan niya. Bumaba kaagad ako at binigay ko kaagad sa kanya ang helmet sumenyas ako na mag-text na lang sa cellphone nang ituro ko ang hawak ko. Kumaway na rin siya sa akin at umalis na para pumunta sa unibersidad para mag-trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD