CHAPTER 3

1953 Words
KNIGHT's POV "Alis na po ako,” bati ko sa litrato nila mama, papa at tita Laura saka ko nilock ang pintuan ng apartment ko. Nung araw na ‘yun ng unang punta ko sa syudad wala akong kaalam alam sa mundong ito, kakaiba kasi siya sa kinalakihan ko. Dito punong puno ng mga building at iba pang instraktura samantalang sa kinalakihan ko, isang tahimik na bahay na napapaligiran ng mga puno at ibat-ibang uri ng hayop. Para akong batang nawawala noon pero salamat sa tita Laura ko nakasanayan ko na din buhay dito. Natuto akong mag-aral at makisalamuha sa kanila kasabay nun ang sobrang hirap ng pagtago sa pagkatao mo kaya minsan nagiging mailap ako at ako na ang na iwas sa kanila. Hindi ko kasi maiwasan noon magbago ng anyo lalo na pag nagagalit ako kaya madalas hinayaan ko na lang na awayin at saktan nila ako. Pero nakakasawa din ang pang-yayari na ‘yun kaya nung namatay si tita naiwan sakin ang responsibilidad sa mura kong idad na mabuhay na mag-isa. Hindi na ko nakapagpatuloy sa pag-aaral ng kolehiyo pero naiwan naman sakin ang negosyo ng tiyahin ko, isang buong apartment ‘to ng pag may-aari niya at dahil wala siyang anak o asawa sakin naiwan ang lahat at dito ako nakuha ng pang gastos sa araw-araw. Pero syempre ayoko naman maging tamad at magpakasasa sa mga bagay na hindi ko naman pinaghirapan kaya ngayon isa akong hardinero sa isang college university dito samin. Magtatatlong taon na kong nagtatrabaho dito at tatlong taon na din akong hindi nakakapag-aral, gusto ko man mabuhay ng normal at makapagtapos ng pag-aaral ay mahirap. Lalo na't may kasabihan na hindi lahat ng sekreto ay patuloy mong maitatago. Kaya nagtya-tyaga ako sa ganitong buhay, kahit pangarapin ko pang maging normal ay malabong mang-yari ‘yun. “Knight! Break time mo na tara na sa klase ko.” tumayo ako at nag pagpag ng damit ko saka ko kinuha ang maliit kong bag at sumama sa tinuturing pangalawang ama si Sir Francis. Isa siyang professor dito at ang tinuturo niya ay ang course na Education, major in history. Masaya akong sumasama sa kaniya at nakikisali sa klase niya kahit na hindi ako katulad nila na nag e-exam at bakbakan sa pag-aaral pero masaya akong nakikinig sa mga turo niya kahit minsan paulit-ulit at naituro niya na ay pumapasok pa din ako sa klase niya. “May bago akong ituturo ngayon, sure ako hindi mo pa alam ‘to haha.” masaya niyang kwento sakin at ngumiti lang ako. “Knight wag kang ngumiti ngiti lang d’yan, mapapanis ang laway mo babaho ang hininga mo sige ka.” napatawa ako sa kaniya, siya lang naman talaga ang madalas kong kausapin dito sa school. “Pasensya na po, wala kasi akong maisip na sasabihin,” sabay kamot ko ng batok. “Ayos lang ‘yan, mamaya may bago na naman akong mga studyante at ikaw kailangan mo makipagkilala sa kanila para naman hindi puro halaman at mga ibon ang kausap mo.” tama siya, umpisa na kasi ng second sem at may mga octoberian na bagong pasok sa klase niya kaya may mga bago na naman akong makikilala at hindi kikibuin. “Hindi ko naman kinakausap ang mga halaman Sir.” napabuntong hininga siya. “Please lang, Knight magtatatlong taon na kita kilala pero ni isa wala ka man lang nagiging kaibigan dito, hindi purkit isa ka lang hardinero eh ayaw mo nang kausapin ang mga istudyante dito. Magkakaidad lang din kayo kaya bakit ayaw mo makipagsalamuha sa kanila?” Tumango ako at hindi alam ang sasabihin. “Hindi ko din po alam.” napabuntong hininga na lang ulit siya at pinatong ang kamay niya sa balikat ko. “Subukan mo lang iho, o’sya andito na tayo umupo kana sa pwesto mo.” tumango ako at umupo sa pinakadulong upuan sa classroom na ‘to . Nagsimula nang mag datingan ang mga istudyante at nagsiupo sa kanila-kanilang upuan. Katulad ng inaasahan ko mapupuno na ang classroom na ‘to dahil magkasama na ang mga bagong istudyante at ang dati. Isa na lang ang bakante kung hindi ang nasa tabi ko, kung may dalawa pang papasok panigurado lalabas na lang ako. “Okay, lahat ba andito na?” sabi ni Sir Francis. “Sorry Sir I’m late,” bati ng isang babae at naramdaman ko siyang umupo sa tabi ko. “Okay then wala na naman sigurong hahabol? Mag roll call muna ako.” isa-isa niyang tinawag ang mga pangalan nila, solo ko na din ang mga ito pero may mga bagong dating na dapat ko na naman kilalanin. “Ms’ Rein Daisy Sanchez?“ “Here Sir!” Napalingon ako sa katabi ko at na bigla ako sa nakita ko, siya ‘yung babaeng umiiyak kagabi halatang mugto at walang tulog ang mga mata niya. Siguro mag damag siyang umiyak nun? "Okay, so kompleto naman kayo, kaya ‘yung mga bagong pasok maari bang ipakilala niyo samin ang inyong mga sarili?” Pormal na sabi ni si Sir, at isa-isa nga nagpakilala ang mga bagong pasok sa klase na ‘to hanggang sa dumating na sa babaeng katabi ko. “Hello, I'm Rein Daisy, 17 years old ahmm, ano pa bang sasabihin ko? Ahh-- sana mapakisamahan niyo ko ng maayos iyon lang salamat.” saka siya umupo at tumango na lang si Sir. Maya-maya ay nagstart na si Sir Francis magdiscuss ng sinasabi niyang bagong lesson na ituturo niya samin. “Alam niyo kung saan galing ang mga werewolf?” Napatingin ako sa kaniya at seryoso pa din siyang nagtuturo. ”Sabi nila ang mga werewolf or Lycanthrope ay isa lang daw sa mga mythological or folkloric story na walang katotohanan, pero guys dahil history ang subject natin tatalakayin din natin ‘to dahil ang main topic natin ay ang mga folk story ng Western Europe sa Germany.” Hindi ko alam na sa Germany pa pala galing ang storya namin, mukhang magiging interasado ako sa lesson na ‘to . “Galing daw ang mga ito sa isang sumpa na ginawa naman ng mga mangkukulam sa lugar na ‘yun“ may isang istudyanteng nagtaas ng kamay niya kaya nakatawag siya ng pansin ng lahat. “Sir question lang po, ito po ba ang start ng second sem? Pano po kaming mga octoberian dito din kami magsta-start? Wala po kasi kaming back ground sa lesson.” napakamot ng ulo si Sir Francis. “This is a new lesson for second sem so no problem, sa summer classes niyo ireretake ‘yung unang lesson so makakahabol kayo dont worry.” paliwanag ni Sir tapos itinuloy niya na ang lesson niya ng wala nang ibang nagtanong. Natapos ang discussion namin ng maayos pero lahat ng tinuro ni Sir ay umikot sa utak ko. Ganito daw nag umpisa ang lahi namin, nagstart siya sa isang sumpa galing sa mga witch, isang hari sa germany ang sinumpa at nagpasalin salin na ito sa lahi. Hanggang natuto na ang mga ito tumira na lang sa gubat at itago ang sarili sa mga tao. Nag simula din daw ang mga werewolf ng sarili nilang mga lahi at tribo at bawat tribo ay dapat binubuo ng Alpha, beta at omega. Ang Alpha ay ang pinuno at pinakamalakas sa isang tribo, ang sumunod ay ang mga myembro na may kalakasan na ang tawag ay mga beta at ang mga mahihinang lahi naman ay tinatawag namang omega. Sa mga nabanggit ni Sir ay kalahati pinaniniwalaan ko at ang kalahati naman ay malabo pa sakin, hindi ko pa din kasi alam ang bawat kwento ng lahi namin isa pa maaga akong nawalay sa tribo namin at lumaki dito sa syudad. Gusto ko pang malaman ang bawat storya ng lahi namin, dahil sa pag-aaral na ‘to ay pakiramdam ko mas napapalapit ako sa dapat na kinalakihan ko. Siguro si mama at papa ay isa sa mga myembro ng isang pack. Ano kaya ang ranggo nila? Isang beta o omega? Napangiti ako sa pagbalik ng ala-ala ko sa nakaraan ko, gusto kong bumalik kung saan talaga ako dapat. Gusto kong maging malaya at sumali sa isang tribo kung saan malaya kong maipapakita ang sarili ko hindi isang bilang tao kung hindi bilang isang werewolf. “Uy ba’t ka nakangiti?” Napalingon ako doon sa babaeng katabi ko at umiling lang saka ko yumuko, nakakahiya nakita niya kong ngumingiti mag-isa. “Kuya excuse me pero may pagkain ka ba d’yan?” Na iangat ko ang ulo ko at tumingin sa kaniya ng nagtataka, nilapit niya naman ang ulo niya sakin ng bahagya saka bumulong. “Hindi pa kasi ako nag uumagahan, mamaya pang 12pm ang break time hindi ba? baka kasi magcollapse ako dito nakakahiya hehe.” alam kong bawal kumain habang nagtuturo si Sir pero baka nga magcollapse siya pag hindi siya kumain at halatang namumutla na siya pero nagagawa niya pa ding ngumiti. Kaya kinuha ko ‘yung sky-flakes ko sa bag at inabot sa kaniya. "Hep-hep-hep! Knight ano ‘yang nakikita ko?” Napalingon ako kay Sir Francis at nakatingin na samin lahat ng istudyante sa klase niya. “Bakit ako nakakakita ng negosasyon ng pagkain dito?” ngumiti lang ako kay Sir at tumingin naman siya sa babaeng katabi ko. “Now tell me Ms.Sanchez?” alam kong hindi ako kukwestyunin ni Sir dahil kilala niya ko kaya agad niyang tinanong ang bago niyang istyudante. “Sorry Sir, my fault pero po hindi ko na talaga kaya nagugutom na ko hehe," “Bakit hindi ka ba kumain ng breakfast mo?” umiling siya at napayuko na lang. “Okay sige you can eat that for now but next time na may mahuli pa kong nakain during my lesson, penalty na absent sa record ko for 3 days. Nagkakaintindihan ba tayo?” Lahat sila nag agree kay Sir at nung time na nagbreak time ay agad na kong lumabas sa klase. Naglalakad na ko sa hallway ng may humawak sa balikat ko. “Salamat sa sky-flakes mo hehe sorry kung na damay ka pa saka thank you talaga baka kung wala kang pagkain nagcollapse na ko doon.” ngumiti lang ako sa kaniya at nag dare-darestyo sa paglalakad. “Uy wait libre na lang kita ng lunch para makabawi saka wala kasi akong kilala dito baka din maligaw ako hehe.” umiling lang ako, may baon naman kasi ako at isa pa oras na ng trabaho ko ngayon. “Bakit naman? Ayaw mo ba makipagkaibigan sakin? Octoberian ka din ba? kasi hindi ka pa nakauniform katulad namin eh.” umiling lang ulit ako at lumiko na papuntang garden. “Uy wait d’yan ba ang canteen?” Umiling lang ako tas tinuro ang dereksyon papuntang canteen. “Ah doon ba pwede mo ba kong samahan kumain? Please?” Napakamot ako ng ulo. “May trabaho pa kasi ako at may baon ako,” ngumiti siya ng malapad at lumapit sakin ng kaunti. “Wow nagsalita ka din ang ganda ng boses mo isa pa nga!“ Pakiramdam ko ay uminit ang mukha ko sa sinabi niya. Kaya yumuko na lang ako at naglakad na papuntang garden at warehouse naming mga hardinero, pero mukhang makulit ang isang ‘to at patuloy lang akong sinusundan. “Bibili na lang ako ng pagkain tapos pwede akong sumama sayo?” Umiling ako. “Ay oo nga pala may trabaho ka pa, saan ba ‘yun? Saka hindi ba may next class pa tayo hindi ka ba papasok?” Napabuntong hininga na lang ako at nung nakarating na kami sa tapat ng warehouse ay pumasok ako doon at nilapag ang pagkain ko sa maliit na lamesa. “Dito ka kakain? Pwede sumabay? Bibili na lang ako ng pagkain ko sa canteen please?” Tumayo ako at kinuha ang iba ko pang tinabing delata para baon ko bukas at nilapag sa mesa kumuha din ako ng malinis na plato at tinapat sa kaniya. “Akin na lang ‘to?” Tumango ako at hinati ang kanin ko, mabuti na lang at madami ang baon ko ngayon. “Ay salamat!“ masayang sabi at binuksan ang isang easy open can na ulam at binuhos sa kanin niya. Pero bago siya kumain ay lumingat lingat muna siya na parang may hinahanap. “Saan ang hugasan ng kamay dito?” Tumayo ako at tinuro ang labas. “May hose dito sa labas,” sabi ko at ngumiti na naman siya ng malapad, mukhang natutuwa siya pagkinakausap ko siya. Iyon naman ang dahilan ng sobrang hiya at pamumula ko sa mukha. Hindi ako sanay ng may kasabay kumain at kadalasan si Sir francis pa ang kasabay kung kumain pero ngayon itong babae na ‘to kakaiba siya hindi ako naiinis o naiilang sa kaniya. Sino ba siya? To Be Continued
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD