CHAPTER 2

713 Words
KNIGHT's POV "Dalian mo anak!” namamadali akong hinila ni inay papalayo sa bahay naming nasusunog. "Dare-daretsyohin mo lang ang dulo ng kagubatan at nagiintay ang tiya mo doon, kahit anong mang-yari wag kang titigil sa pagtakbo at isa pa anak.” tumigil kami saglit sa pagtakbo at lumuhod siya sa harap ko. ”Wag na wag kang lilingon habang tumatakbo ko ka, dare-daretsyo lang wag kang lilingon sa likod mo. Mahal na mahal ka namin ni papa.” tumango ako saka siya tumayo at nagpatuloy kami sa pagtakbo. ”Iyon sila!” Sigaw ng isang lalaki galing sa likuran namin, hindi ako lumingon at patuloy lang kami sa pagtakbo ni mama. ”Mama sino ba sila? Saka akala ko susunod si papa?” Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at hinalikan ako sa noo. ”Masasamang tao sila anak, sila ang sumunog sa bahay natin kaya dapat hindi ka nila makita.” tumango ako at nagpatuloy sa pagtakbo ng biglang may narinig akong putok ng baril at nakita ko na lang ang ina ko na nakaluhod. ”Tumakbo kana babalikan ni mama si papa.” ngumiti siya sakin at pilit akong pinagtatabuyan. ”Pero po may sugat kayo mama.” ngumiti lang siya sakin saka ako itinulak ng napakalakas. ”Dalian niyo na baril ko na ‘yung babae,” sigaw nung malaking lalaki at nakita ko silang papalapit samin. ”Tabko na Knight! Takbo anak!” Nataranta akong bumangaon sa pagkakaluhod at na madaling tumakbo habang umiiyak. Tama, pag-iyak at pagtakbo lang kaya kong gawin. Habang takbo ako ng takbo ay nakita ko ang tita Laura ko na naghihintay sakin dala ang kaniyang sasakyan. Agad niya kong binuhat at isinakay doon, pero bago pa umandar ang sasakyan ay narinig ko ang isang napakapamilyar na alulong at kasabay nun ang malakas na putok ng baril. ❦❦❦ ”Ma!” habol ko ang hininga ko matapos kong na namang mapaniginipan ang senaryong ‘yun labing tatlong taon na ang nakalipas pero sariwang-sariwa pa din ito sa ala-ala ko. Nasuklay ko na lang ang buhok ko at napabangon. Napatingin ako sa orasan at alas dos palang ng madaling araw, papatayin na naman ako ng bangungot ko nito. Kaya tumayo na lang ako at sinuot ang t-shirt ko saka naglakad lakad sa labas. Pumunta ako sa mga lugar na tahimik at ramdam ko ang kalikasan, mas masaya ako sa mga lugar kung saan madaming puno at ramdam mo ang kapaligiran kesa sa magulong lugar ng syudad. Umupo ako sa damuhan at saglit na pinikit ang mata ko, pero hindi ko akalain na hindi pala ako nag-iisa dahil pagtingin ko sa kabilang dako ay may isang taong nakahiga sa damuhan at parang natutulog. Lamig na lamig siya halata ko, samantalang ako parang walang nararamdaman na lamig sa katawan at naka t-shirt lang. Wala akong balak na lapitan o kausapin siya, mabuti pang umalis na lang ako dito at lumipat ng ibang lugar na ako lang mag-isa. Tumayo na ko ng bigla siyang nagsalita. ”May bente ka ba d’yan? Pahiram naman.” narinig kong sabi niya kaya na bigla ako, akala ko natutulog siya pero hindi pala, nakikiramdam lang din ba siya sa paligid niya? At saka rinig ko ngayon ang hikbi at pagaralgal ng boses niya. Lumapit ako sa kaniya at hinagis ang bente sa tabi niya. Nakatakip ang mga braso niya sa mukha niya habang nakahiga siya at tanging labi at ilong niya lang ang nakikita ko. “Sa-lamat ha-ya-an mo ba-bayaran kita pag nag-kita tayo, bi-bibili lang a-ko ng k-ape.” dahil lang ba sa lamig kung bakit nanginginig ang boses niya o sadyang umiiyak siya? Hindi ko alam pero hindi ako nagsalita at naglakad na papalayo sa kaniya. Napakamot na lang ako ng batok at nagsimulang umalis sa lugar na ‘yun pero bago ‘yun naramdaman ko siyang bumangon sa damuhan at nilingon ako. ”Salamat po!” Sigaw niya, kitang kita ko ang mga mata niyang puno ng luha at ‘yung mukha niyang puno ng problema. Hindi ko alam kung nakita ba niya ang mukha ko dahil nasa madilim na parte na ako ng lugar na ‘to pero itinaas ko na lang ang kamay ko at kinaway ‘to sa kaniya saka ako tumalikod at nagpasya na lang umuwi ng bahay. Pero habang naglalakad ako, hindi mawala sa isip ko ang mukha ng babaeng ‘yun, para ang lungkot-lungkot ng buhay niya at tanong din sa isip ko bakit siya mag-isa ng ganitong oras? Sa lugar na ‘yun at nakauniform pa siya? Nag layas ba siya?  Malay ko, dapat hindi ko na isipin at paki-alam ang mga bagay na ‘yun. To Be Continued
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD