CHAPTER 4

1514 Words
KNIGHT's POV Sinabon ko ang plato na ginamit niya at ang baunan ko sa maliit na lababo dito sa loob ng warehouse namin, parang maliit na bahay at pahingahan na din ang lugar na ito, may papag at maliit na lamesa na sa loob nito. Pero maraming nakatambak na mga gamit pang hardin at medyo maalikabok na din dito, ngayong umaga ako ang nakaduty dito at mamayang hapon naman ay ang mag asawang si mang Ding at ate Mercy. “May lababo naman pala d’yan dito mo pa ko pinaghugas sa labas.” reklamo niya saka pinunas ang kamay niya sa pants niya. “So ito pala ang part time job mo? Hardinero ka dito? kailan pa?” Pinagpag ko ang kamay ko at inayos ang mga gamit. “Magtatatlong taon na.” lumaki ang mata niya at napatitig sakin. “Eh? Ilang taon ka na ba?” Masyado na siyang madaldal at padami ng padami ang mga tanong niya. "19," maikli kong sagot. "Wow baby face, teka bakit ngayon mo lang na isipan mag-aral?” hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ako sanay makipag-usap sa ibang tao naiilang na ko. “Knight, anak kumain kana?” Napatingin ako sa biglang pumasok na si Sir Francis at halata din sa mukha niya ang pagkabigla ng makita niya na kasama ko ang istudyante niya. “Ms. Sanchez?” Tumayo ‘yung babae at nagbow kay Sir. “Hi sir, nakikipagkaibigan lang po kay Knight hehe.” nakita ko naman ang pagkabigla ni Sir Francis at ang gumuguhit na mapang-asar niyang ngiti. “Ow I See, kumain na ba kayo?” Tumango kami pareho. “So late ako, ang dami ko pa kasing inasikaso akala ko wala ng makakasabay si Knight kumain but I'm wrong mayroon na pala haha.” napayuko na lang ako sa mga pinagsasabi ni Sir eh. “Okay then kakain na muna ako dito habang nagkekwentuhan kayo ni Ms.Sanchez.” nakangiti niyang tingin sa babae.  “Daisy na lang po.“ Daisy pala ang pangalan niya? hindi ko na tandaan. “Okay sabi mo eh, ngayon matanong kita bakit si Knight ang na pili mong samahan? Dahil ba sa binigyan ka niya ng skyflakes? Hahaha.” nakita kong namula ang tenga niya. “Hehe, siya lang po kasi talaga ang pumansin sakin kanina sa room, trinay ko po kasing kausapin ‘yung mga babae pero dinedma lang nila ako.” “Oh grabe naman sila haha, buti na lang talaga mabait ‘tong anak kong si Knight.” nanlaki na naman ang mata niya. “So anak niyo po pala si Knight?” ngumiti si Sir at tumango sa kaniya. “Eh, ba’t pa po siya naghahardinero kung kaya niyo naman po siya pag-aralin?” tumingin sakin si Sir na parang nagtatanong na kung ikukwento niya na ba ang tungkol sakin? Nagbikit balikat na lang ako at binuklat ang notebook ko. “Hindi ko siya totoong anak, anak-anak lang dito sa school at isa pa hindi siya nag-aaral dito, isa talaga siyang hardinero ija.” nagtaka siya at umayos ng upo. “Eh ba’t po siya na pasok?” “Gusto niya lang, saka sa subject ko lang naman ‘yan na pasok eh tinatapos niya muna lahat ng gawain niya sa umaga at pag off niya na napasok siya sa klase ko.” napapalakpak siya sa hindi namin alam na dahilan. “Ang sipag mo naman, grabe siguro alam mo na lahat ng lesson na tinuturo ni Sir.“ sabay kaming tumango ni Sir. “Wow edi pwede na ko magpaturo sayo para may back ground na ko sa mga susunod na topics hehe,” napatingin sakin si Sir at napatawa. Alam niya kasing hindi ako sanay may kausap na ibang tao bukod lang sa talagang malalapit at matagal ko nang kakilala, pero ang isang ‘to masyadong maingay at matanong baka mamaya malaman pa niya ang pagkatao ko mahirap na. “Mukhang magiging madaldal kana Knight.” napatawa si Daisy at lumapad na naman ang ngiti. “Ang tahimik niya nga Sir grabe achievement sakin ‘yun kanina na napagsalita ko siya ng ilang beses.” Pumapakpak si Sir Francis sabay lagok ng tubig sa baso niya.   “Nagawa mo ‘yun? Isang achievement nga iyon ija! Binabati kita dahil napagsalita mo ang batang ‘yan.” nagkakasundo pa ata ‘to ng sila Sir Francis at Daisy. Kaya tumayo na ko at kinuha ang uniform ko saka lumabas, iniwan ko na sila doon dahil mukhang nagkakasundo sila sa pang-aasar sakin.   Napabuntong hininga na lang ako at winalisan ang mga kaunting bumaksak na dahon.    “Hala ang hot naman ng hardinero ditto." Mukhang uulan pa ata, pag umulan mamaya marami kaming dapat linisin bukas. “Oo nga mukhang bata pa.” Mamamaya makakauwi na ko dahil sila mang Ding na ang bahala dito, sana wag nila masyadong kalbuhin ang punong ‘to . Masyado na kasing makapal ang mga sanga at masyado na ding nagkakalat ng dahon. “Naririnig niya ba tayo? O patay malisya siya?" Pero iyon naman talaga ang dapat mang-yari eh, puno siya at kailangan niyang lumago. Bakit siya kailangang pigilan at putulin sa natural niyang gawain? “Hoy Knight! Masyado kang seryoso d’yan, sabi ni Sir Francis pumasok na daw ako kahit maaga pa kaya magpapaalam na ko ah.” tumango na lang ako at ngumiti. “Ingat ka d’yan sa mga babae sa gilid mo haha babye!“ Kumunot naman ang noo ko, saan daw ako mag iingat?   Binaliwala ko na ang sinabi niya at tinanaw siya ng tingin, namamadali siyang tumakbo at nakita ko pa ang pagkatapilok niya sabay lingat sa paligid niya kung may nakakita at saka nagpatay malisya na parang walang nang-yari. Napatawa tuloy ako sa kaniya. “Hello kuya,” bati sakin ng isang babaeng istudyante na mukhang nursing student, tumango ako at ngumiti lang sa kaniya saka pinagpatuloy ang pagwawalis. “Pwede po makipagkilala? ano pong pangalan niyo?” Alam kong alam niya na ang pangalan ko dahil kanina ko pa naman sila talaga naririnig kahit gaano kalayo at kadami ang tao naririnig ko ang bawat tinig nila. “Knight.“ nagtinginan sila ng kasama niya at parang nag sesenyasan. “Pwede pong mahinge ang number mo kuya Knight? Kung ayos lang.” umiling ako at inayos na ang basurahan. “Sige una na ko,” sabi ko at binuhat ang basurahan saka naglakad na papalayo sa kanila pero bago iyon narinig ko pa ang usapan nila. “Suplado friend.“ Wala na kong magagawa kung hindi iwasan sila, kaya ayoko din sa madaming tao dahil lahat ng mga pag-uusap nila nariring ko at halo-halo ang mga ingay na ‘yun sa ulo ko kaya minsan nakakarindi at patay malisya ko na lang na naririnig ito. Pinapalipad ko ang isip ko sa ibang bagay para mawala sa utak ko ang mga ingay kaya nakasanayan ko na din ng maglaon.   Pagtapos ko maglinis at magbihis ay dumaretsyo na ko sa guard at tinaob ang attendance at out ko sa trabaho, nakasalubong ko naman si mang Ding at ate Mercy na papasok palang. “Ingat Knight,” bati ni ate Mercy sakin at tumango sabay ngiti na lang ako sa kanila. Dumaretsyo ako sa apartment ko at inayos ang mga gamit ko, humiga ako saglit at napatitig sa kisame. Hindi ko alam pero lumabas sa isip ko ang imahe ni Daisy kagabi. Nung oras na umiiyak siya at nagpapasalamat sakin, mukha naman siyang masiyahin kanina pero para talagang may malaking problema siyang dinadala. Napalingon ako sa bintana, kagaya ng inaasahan ko uulan ngayong hapon. Oktubre na kasi ngayon at minsan talagang bumubuhos ang malakas na ulan kasabay na din ng malamig na kilma dahil mag dedesyember na. Bumangon ako at binuksan ang telibisyon, titignan ko kung may bagyo. Mahirap na dahil may mga bago akong punla na itinanim sa gilid ng field kanina. Pero pagbukas ko ng TV ang tumambad sakin ay ang mukha ng isang lalaki at ang emahe sa gilid ng isang lobo. Napatitig ako sa imahe at habang binabalita ito ay lalo akong hindi mapakali. “Isang lalaki ang natagpuang patay sa ilalim ng creak dito malapit sa isang building sa manila, sinasabing tinugis ito ng mga tanod dahil namataang ito ang aswang na kumakain ng mga alaga manok ng isa sa mga maninirahan dito.“ pinakita ang letrato ng lalaki bilang isang lobo. “Nakuhanan ng letrato ang lalaki sa pagpapalit ng anyo, sinasabing isa itong aswang dahil nagpalit anyo ito bilang asong lobo.” tinitigan kong maige ang imahe pero na sabi ko sa sarili ko. Hindi siya aswang, isa siyang werewolf. “Ngayon ay nasa kamay pa ng mga pulis ang bangkay dahil wala ding kilalang kamag-anak ang lumalapit dito para kuhain ang bangkay. Pinapaimbistigahan pa kung totoo ang letrayo at pang-yayari.” nakaramdam ako ng awa sa kalahi ko, alam kong tawag lang ng laman ang dahilan kung bakit niyang na gawang mag nakaw at pumatay ng hayop pero hindi ba’t may karapatan din naman siyang mabuhay? Bakit naman ganoon kaagad ang naging risponde ng pulisya sa pang-yayari. O malas lang talaga siya dahil na huli siya sa akto ng pag nakakaw at pagpapalit ng anyo. Bakit kaya hindi pwedeng maging normal at pantay ang lahat? Bakit kaya may mga bagay na wala dapat sa kinalulugaran at natural na ginagawa nila? Bakit hindi kami pwedeng maging malaya? Bakit sila lang mga tao ang pwedeng humawak sa mundong ‘to? Bakit kailangn namin magtago at mag pigil ng mga natural naming gawain? Ang daming tanong sa utak ko na napakatagal ng tumatakbo dito. Gusto kong maging malaya sa sarili ko mismo. To Be Continued
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD