CHAPTER 5

1373 Words
REIN's POV Pagkatapos na pagkatapos ng klase ay tumakbo agad ako sa sakayan ng jeep at dumaretsyo sa hospital. Ang saya ng araw ko ngayon dahil hindi masama ang unang pasok ko bilang college sa unibersidad na ‘yun at may maganda pang balita ang nag iintay sakin ngayon. Nagising na daw ang mama ko sa hospital, may sakit kasi siya sa puso at mahina na ito.  Kakalipat lang din namin dito dahil dito daw ay may magagaling na doktor at murang lang ang bayad hindi katulad sa isang pribadong hospital ay baka gumastos kami ng milyon at kahit habang buhay ko pa ‘tong pagtrabahuhan ay baka hindi ko pa din mabayaran. Isa pa, kami na lang dalawa ni mama ang magkasama, malayo ang mga kamag-anak namin at hirap din namin sila mahagilap, si papa naman ay namatay dahil na din sa subsob sa pagtatrabaho at katandaan. Ang perang naitabi niya ay hindi pa sapat sa gamot at pag-aaral ko kaya naman ngayon pipilitin kong pag sabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho para na din may pang-gastos kami ni mama. “Sa ngayon ija imomonitor lang muna namin siya, at kung okay na siya sa mga susunod na araw ay maari na siyang lumabas ng hospital.” napayakap ako sa doktor sa sobrang saya ko. “Salamat po Doc. Sobrang saya ko thank you po,” napatawa ang mga nurse at iba pa sa loob ng kwarto sa naging reaksyon ko. Nadala lang talaga ako ng sobrang saya dahil sa nalaman ko. “Kaya ngayon ma, ang goal natin ay maging okay kana sa susunod na araw para makalabas kana ditto.” nag thumbs up si mama sakin at ngumiti. Iniwan ko muna siya saglit sa pangangalaga ng mga nurse para kumuha ng ilang gamit sa apartment na inuupahan namin, isang linggo palang ang naitatagal namin dito pero naniningil na agad ng paunang bayad ang may-ari nito. Kaya lagi akong wala sa bahay para hindi niya ko maabutan at syempre para mabantayan ko din si mama. Inilagay ko ang unting damit ko sa bag at inayos ang mga pagkain. Napatingin ako sa lumang uniform ko, ito pa ‘yung suot ko kagabi ah. Inayos ko ‘to at nilagay sa marumihang damit. Naalala ko tuloy ‘yung gabi na iyon, nataranta ako nung byumahe ako galing sa dati kung school may kalayuan sa lugar na ‘to . Wala akong dalang kahit anong damit noon kaya iyon na lang din ang pinantulog ko at pinang dalaw ko sa hospital. Sa sobrang kakaisip ko sa mga pang-yayari samin ay bumigay na ang utak at puso ko sa hirap na hindi ko na napigilang umiyak, nagugutom na din ako ng mga oras na ‘yun at sobra pa ang lamig ng klima. Hindi ko alam bakit ako pumunta sa lugar na ‘yun pero doon ako dinala ng mga paa ko, tangging dala ko lang nun ay ang bag ko at sampung piso pamasahe pabalik ng hospital. Buti na lang talaga may lalaking pumunta sa lugar na ‘yun sa ganoon ding oras, buti hindi siya masamang tao at pinahiram niya pa ko ng pera. Tatanawin ko ‘yung utang na loob kasi kung wala siya doon baka hindi ko na kinaya ‘yung lamig at gutom at baka pati ako ay mahospital pa dagdag bayarin na naman kaya pangako ako pag nagkita ulit kami babawi ako sa kaniya. Kaso hindi ko nakita ang mukha niya, tanging tindig lang katawan niya ang naaninag ko dahil sa blurred na ang mata ko kakaiyak at madilim na ng oras na ‘yun. Mahahanap ko pa kaya siya?  *tok tok* “Rein? Tao po?” Naamoy ko na agad ang pakay ng babae sa likod ng pinto kaya dahan-dahan akong tumayo at binitbit ang bag ko. Isiniksik ko ang payatot kong katawan sa loob ng cabinet namin sa kwarto para hindi niya ko makita. Masyado naman kasi siyang abusado samantalang nag bayad naman ako ng paunang bayad na sa kaniya at ngayon eh maniningil agad siya.  “Pwede bang hingiin ko muna ang bayad mo para sa katapusan? kailangan ko lang talaga.” asus ang sabihin niya kailangan na ng makakati niyang kamay ang pera para pang-sugal. Hindi ako umimik at pinapakiramdaman lang siya kung aalis na siya o baka subukan niyang buksan ang pintuan. Sobrang inet na dito sa loob dahil kasama ko ang mga luma naming blanket at iba pang tambak na damit, ang alikabok parang kinikiliti ang ilong ko! Wag naman sana akong mabahing. “Rein! Tao po?” Nangangati na ang ilong ko, kaya agad kong tinakpan ito at nagpilit ng mahinang bahing. “letse! Makaalis na nga!” Rinig kong dabog niya at malalakas na yabang ang ginawa niya. Dahan-dahan akong lumabas ng kabinet namin at sinilip siya sa bintana habang nakatago ako sa kurtina. Umalis na din siya salamat naman. Agad ko nang sinuot ang sapatos ko at hindi na nagbihis pa saka binitbit ang mga damit at gamit ko sa school. Namadali akong bumababa ng hagdan at dahang-dahan dumaan sa harapan ng pintuan niya. Dahan-dahan Saka ako kumaripas ng takbo palabas ng lugar na ‘yun at agad na pumara ng jeep papuntang hospital. Mukha akong aakyat ng bundok dahil sa dami ng dala ko pero ayos lang para din naman kay mama ‘to. Pagkababa ng jeep ay walking distance pa bago makarating sa hospital, bawal daw kasi magbaba banda doon kaya ito ako naglalakad dala lahat ng ‘to. 'NEED HELPER: CONTACT #0906XXXXXXX' Nabasa ko bigla dahil sobrang laki ng sign board nila tapos may nakalagay pang lets talk inside parang ewan lang haha, napatingin naman ako. Isa itong cake shop mukhang bongga at mamahalin ang mga binebentang cake at iba pang pastry mag-apply kaya ako?  Kaya agad naman akong pumasok sa loob at dala-dala ko lahat ng gamit namin, halatang pinagtitinginan na ko ng mga tao pero dare-daretsyo lang ako sa pagpasok. “Yes miss?” Tanong ng isang chinitang babae. “Mag aapply po sana ako.“ ngumiti ‘to sakin at itinuro ang daan. “Roma si master?” Tanong nung babaeng chinita sa isa pang babae na maikli ang buhok. “Ah nasa loob, katukin mo na lang.“ tumango ito at nginitian ko naman ‘yung babae. *tok tok* “Pasok,” sabi ng tinig sa likod ng pintuan na ‘to . Kaagad naman niyang binuksan ang pintuan at tumambad sakin ang isang matandang lalaki na may katipunuan pa ang pangangatawan at kasalukayang nagkakape. “Pangalan?” Tanong niya agad kahit hindi pa namin sinasabing mag aapply ako. “Rein Daisy Sanchez po,” ngumiti siya sakin at tumayo. “Upo kayo, kape tayo.” umiling ako  “Wag na po salamat na lang po.” naglakad ‘yung matanda papuntang desk niya at umupo. “Ilang taon ka na ija?”  “17 po.“ isinulat niya iyon. "Gustong maging Working student?” Tumango ako. “Anong oras ang pasok at labas mo sa school? May iba ka pa bang pinagkakaabalahan?” Nangangalay na ko kaya naman pakapalan ko ng binababa ang gamit ko at umupo sa sofa na nasa harap ng table niya. “Ate penge ng isang kape,” sabi ko dun sa babaeng nagdala sakin dito. Nagugutom na kasi ako at hindi pa naman ako nagmamaryenda eh, alasais na. Nakita ko naman na tawa ‘yung babae at ngumiti lang ‘yung matanda. "7am po start ng klase namin hanggang 3pm straight po ‘yun pero may vacant kaming dalawang oras kaso po nag apply akong student assistant at ginagamit ko po ang vacant time ko sa pagtulong sa mga instructor namin. Puno na daw po kasi ang scholarship kaya iyon po ang inapplyan ko tapos po kailangan ko din po dumalaw sa hospital mga 3 days pa po para icheck ang kundisyon ng mama ko.” tumango tango siya. “monthly ang sahod dito pumapatak ang araw mo ng 200 so 6,000 ang sahod mo kada month. mula 4pm hanggang 12am ka magtatrabaho bali 8 hours a day lang, sagot ko ang pagkain so ano ija kukunin mo ba?” Para namang pumalakpak ang tenga ko sa tuwa, malaki na ‘yun para sakin kaya agad kong kinuha ang kamay ni manager. “Deal.“ nakipagshake hands din siya sakin at ngumiti. “Simula na ng trabaho mo bukas, bawal ang late at itanong mo na lang kay Jully ang iba pang detalye tungkol dito. Ako nga pala si Sam ang may-ari ng cake shop na ito.” nagbow ako sa kaniya. “Osige inumin mo muna ‘yang kape mo habang pini fill-up pan mo pa ‘yang form mo.” tumango ako at hinugop ang kape. Okay na ‘to, pagkagaling ko ng trabaho daretsyo hospital na ko at doon na lang ako matutulog. Magdadala pa pala ako ng ibang gamit para paggising ko daretsyo na din ako sa school menos pamasahe pa ‘yun. Nabuhayan naman ako ng loob dahil sa sunod-sunod na swerteng balitang dumadating sakin ngayon. GOD salamat po. To be Continued
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD