CHAPTER 6

1371 Words
KNIGHT's POV Alas kwatro na ng madaling araw nang magising ako, napakamot ako sa batok ko at inilibot ang mata ko. Anong oras ba ko na tulog?  Tumayo ako at pumunta sa kusina, nakita ko ang pinamili kong karne kagabi sa ibabaw ng lamesa at walang bawas. Nakatulog ako nung hapon at kakagising ko lang ngayong alas kwatro ng madaling araw?  Napailing na lang ako at naghilamos na, agad akong nagpakulo ng tubig at inilagay ang mga karne doon. Papakuluan ko lang ang mga ito saka kakainin. Nagtimpla ako ng kape habang nag iintay na kumulo ang tubig, napatitig ako sa bahay ko ang lungkot pala tignan nito. Kung andito pa sana si tiya Laura medyo maingay pa at puno ng halakhak niya. O kaya kung andito si mama at papa siguro malinis at maaliwalas tignan ito dahil malinis si mama sa bahay at si papa naman ay mitikoloso din sa mga gamit. Magiging masaya siguro kung kumpleto kami at magkakasama tumira sa bahay na ito. Napayuko na lang ako inayos ang ibang hibla ng buhok ko na tumutusok sa batok ko, nakapa ko ang buhok ko at napansin na mahaba at makapal na pala ito. Nung nakaraang buwan pa ito ginupitan ni Sir Francis at unting tabas lang ang ginawa niya dito at ito na naman siya humahaba na naman. Napabuntong hininga na lang ako, ano kayang pwedeng gawin ngayong araw na ‘to? Pagtapos kong pumasok ay daretsyo uwi na lang ba ako? Paulit-ulit na lang nakakasawa na. Tumayo na lang ako at hinango na ang karne saka ito pinalamig kaunti at kinain na lang ng ganoon, hindi ako marunong magluto ng ano mang putahe kung hindi prito at laga dahil nung bata naman ako ay si tita Laura na ang nagluluto ng pagkain namin at madalas mas gusto pa namin ang hilaw na pagkain kesa sa luto. Mas ramdam namin ang sarap paghilaw na karne ang kinakain namin. Nang matapos akong kumain ay na ligo na ko at lumabas para tignan ang mga halaman ko sa labas. Kumuha ako ng gunting at inalis ang mga tuyong dahon dito. “Knight ang aga mo naman ata,” bati sa’kin ni aling Ising, isang matandang nangungupahan sa apartment na ito. Kasama niya ang anak niya na kasalukuyang nagbubuntis. “Napaaga po ang gising.” tugon ko sa kaniya at ngumiti lang siya sa’kin. Lumapit siya para makita ang ginagawa ko. “Ang galing mo talaga mag alaga ng mga halaman, tignan mo ang ganda ng bulaklak na ‘yan parang bulaklak na Daisy kaso kulay dilaw iyan.” natitig ako sa bulaklak, hindi ko alam ang pangalan nito pero hawig nga ito sa bulaklak na Daisy isang uri ng iba’t ibang kulay ng bulaklak na tumutubo sa malalamig na lugar. “Kaya nga po.” diniligan ko ang mga bulaklak. “O’sya sige pasok na ko ijo masyado pang malamig eh, hindi ka ba nilalamig?” Umiling ako at ngumiti. “O’sige mauna na ko sayo Knight.” tumango ako at sinundan ng tingin ang matanda. Matagal na silang nangungupahan dito at napanood niya na din ang paglaki ko, siya minsan ang tumitingin sa’kin sa bahay pag ginagabi ng uwi si tiya at natatandaan ko pa nga dati na sabi niya sana apo niya na lang ako. Pero ngayon magkakaroon na siya ng apo ang nais niya na sa’kin ngayon ay intayin ko daw ang apo niya at pakasalanan ko.  Natatawa na lang ako sa kaniya at hinahayaan na lang siya kung saan siya masaya isa pa hindi ko pa na iisip ang mga ganung bagay. Baka mahirapan lang ako pag may minahal ako at hindi pa niya matanggap kung ano ako, kaya mananatili na lang ako sa ganitong buhay paulit ulit lang ang nangyayari. Napatingin ako sa bulaklak na nasa harap ko, bila kong na alala si Daisy. ❦❦❦ "Knight!” Napalingon ako sa babaeng tumatakbo papalapit sa’kin. “Alam mo ba may ichichika ako sayo, dapat kanina pa ‘to sa loob ng room kaso masyado kang seryoso sa pag-aaral kaya sabi ko mamaya na lang tutal sabay naman tayo kakain eh,” may kinuha siya sa bag niya. “Bumili na din ako ng baon ko tapos may isa pang sardinas dito bayad ko sayo.” umupo siya sa tabi ko, napatingin naman ako sa kaniya at sabay iwas din agad ng mata. Suot niya na kasi ang uniform ng unibersidad na ‘to at may kaiklian ang palda ng mga Educ student. Tapos umupo pa siya sa tabi ko kita ko tuloy ang tuhod at kalahati ng binti niya. “Ah oo nga pala bagay ba sa’kin ang uniform ko? Nakuha ko na kahapon ano bagay ba?” tumayo siya at umikot sa harap ko na parang bata. Kulay white ang uniform nila na may linyang kulay itim, may maikling necktie din ito na pula at ‘yung palda nila na hanggang tuhod na kulay pula din at itim na lining. Bagay sa kaniya iyon kasabay ng slim niyang pangangatawa at hindi kahabaang buhok na hanggang balikat. Kulay brown ito pero pag natatamaan ng sinag ng araw ay parang may humahalong kulay pula. Matangos at maganda din ang tabas ng ilong at labi niya, tapos ang bilugan niyang mata ang nag dadala ng lahat sa mukha niya. “Knight?” napapikit ako at agad na tumalikod sa kaniya. “Hindi ba bagay? Masyado bang feminine?” Umiling ako. “So bagay?” Tumango na lang ako ng hindi humaharap sa kaniya. “Salamat!” mahinhin niyang tugon at umupo ulit sa tabi ko, tinutulungan niya kong magbunot ng d**o. “Sabi pala ni Sir Francis intayin daw natin siya para makasabay natin siyang kumain, mamaya ko na din pala sasabihin ‘yung good news ko sa inyo.” masigla niyang kwento, isang linggo na ang nakakaraan ng makilala ko siya, madaldal siya, masigla at hindi nauubusan ng kwento. Para siyang walang problema at lagi nakangiti. Mahihirapan ka ding makahanap sa kaniya ng kalungkutan at lagi niyang sinasabi na tiwala lang may panginoon tayo kahit sa maliliit na bagay katulad ng quiz, recitation at mga assignment. Lagi na din siya dito kumakain pagkatapos ay mamadali siyang tumakbo sa faculty para naman sa pagiging S.A niya. “Baka madumihan ang uniform mo,” sabi ko dahil kinakamay niya lang ang mga d**o. “Hindi ‘yan tiwala lang may panginoon tayo.” Wala naman connect ‘yung pagbubunot niya sa tiwala sa panginoon kaya hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Maya-maya pa natapos na kami at naghugas ng kamay dumating na din si Sir Francis at sabay-sabay kaming kumain. “O kamusta naman ang trabaho mo sa cake shop?” Tanong ni Sir. “Ayos naman po, pag wala syadong costumer inaayos ko naman ‘yung mga homework ko.” tumango tango si Sir. “Eh ikaw Knight kamusta naman?” Nagkamot lang ako ng batok. “Ano ganoon pa din?” tanong ni Sir. “Sir wala naman siyang responce sa sinabi mo eh, naintindihan mo ‘yun?” Tumawa siya. “Eh malamang iyon pa din naman ang isasagot sa’kin ni Knight tama ba ko Knight?” Tumango na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain. “Ay ikukwento ko na!” Sabi ni Daisy at tumango na lang kami ni Sir. “Hindi ba nakwento ko sa inyo na nasa hospital si mama? Mamaya na po ang labas niya at sabi ng doctor okay na daw siya wag lang daw mabibigla at mapapagod ang katawan niya.” tumango tango si Sir Francis. “Mabuti naman, maari na namin siyang dalawin sa bahay niyo kung ganoon." “Opo naman Sir pero sabihin niyo muna kung kailan ah, para makapaglinis linis ako.” tumawa lang si Sir at pinagpatuloy na ang pagkain. Habang kumakain kami napatingin ako sa kanilang dalawa, ang saya nila na nagbibigay aliwalas sa lugar na ‘to, dati ako lang ang nandito at napakatahimik ngayon kasama ko na sila sumaya saya naman ang kapaligiran ko. Madadagdagan pa kaya ang tao na magbabago sa araw-araw ko? Dati kasi pag maaga kong natapos ang mga trabaho ko ay uupo na lang ako dito sa harap ng mesa at magbabasa ng mga libro na hiniram ko kay sir, tapos nun ay iintayin ko lang na dumating sila ate Mercy at mang Ding na pumalit sa trabaho ko. Pero ngayon pagkatapos ng gawain ko mag dadaldalan silang dalawa at masaya naman akong nakikinig sa mga kwento nila. Unti-unti nag babago ang tahimik kong mundo Unti-unti dumadami ang taong nakakapasok dito. Handa ba ko sa responsibilidad na baka sa sususnod pati buong pagkatao ko ay mapasok na din nila?  Ano kaya ang dapat kong gawin?  Siguro magtatayo na lang ako ng malaking pader para hindi nila malaman ang mga bagay na ‘yun, kasi baka pag nalaman nila ang katotohanan kung sino ako sabay-sabay din silang mawala sa’kin. Akon na hindi naman nila kauri, ako na isang werewolf. To Be Continued
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD