CHAPTER 7

898 Words
REIN's POV Maaga akong bumango para bumili ng umagahan namin ni mama, sabado ngayon at walang pasok pero may trabaho pa kong dapat pasukan at mag start ‘yun ng 7am ‘to 8pm kaya bakbakan na naman ito. “Ma sure ka kaya mo mag-isa dito sa bahay?” Tumango siya at inayos ang balabal niya. “Oo naman nak, saka wala naman akong ibang gagawin dito promise hindi ako magiging makulit hehe.” pabiro ‘yang sabi sa’kin pero halata sa mukha niya ang hirap pa din ng dinadala niya. Kung titignan si mama mukhang normal lang naman siyang 48 years old na babae, pero sa loob loob nun alam kong hirap na din siya sa katawan niya at ayaw niyang nagiging pabigat siya sa anak niya. “Manood ka na lang ng TV at mag kape okAY?” sabi ko at inayos ko na ang jacket ko. “Oo sige mamaya naman eh nakakaiyak na ang mga susunod na mang-yayari sa forevermore.” biro niya. “Wag mong didibdibin masyado baka naman atakihin ka kakaiyak d’yan ma,” tumawa siya at tumayo na saka ako pinagtabuyan sa pinto. “Haha, dalian mo na lang bumili ng pandisal at mag aalasais na mamaya papasok ka pa.” ngumiti ako at kumaway na sa kaniya. Naglakad na ko at napatingin sa mga bakanteng kwarto na katabi namin, luma na kasi ang apartment na ‘to at kami na lang ang nag tyatyagang upahan ito. Sira-sira na ang bawat salamin sa bintana at ‘yung iba tanggal na ang mga pihitan ng pinto. Wala din naman kasi talagang tatagal sa lugar na ‘to kung ‘yung may-ari eh araw-araw ba naman kung maningil. Makapag-ipon ipon pa ko at aalis na din kami ni mama sa apartment na ‘to, maghahanap ako ng malapit lang siya hospital at sa pinagtatrabahuhan ko para naman pagbreak time eh masilip silip ko siya. Makulit din kasi ang ulo ni mama, hindi makatiis ‘yan ng walang ginagawa sa bahay. Gusto niya ‘yung siya ang nag sisilbi kesa siya ang pinagsisilbihan. Siguro naiisip isip niya dati prinsesa niya ko at inaalagaaan mabuti tapos ngayon ako na ang nagtatrabaho para sa amin. Bilang ina masakit isipin na wala siyang magawa kaya iyon bumabawi siya sa paglilinis at pagluluto na talaga namang ayaw kong ginagawa niya. Mahirap na baka atakihin pa siya, tuwing linggo naman ay day-off ko kaya iyon din ang araw ng paglilinis at paglalaba ko. Napabuntong hininga ako, hindi umuulan ng nyeba sa pinas pero pag ganitong panahon talagang malamig samin. Pag tag-init naman sobra sobra din ang init at pag tag-ulan unting ambon lang baha na. Iba na talaga ang klima ngayon. Tumigil ako sa isang bakery sa tapat ng isang apartment, may kalayuan na din pala ang nalalakad ko mula sa bahay namin pero dito lang ako nakakita ng bakery eh. Bumili agad ako ng tinapay at keso, may mga benta din silang ilang delata at mga pagkain kaya bumili na din ako. Ang init ng pandisal at ang bango bigla tuloy akong nagutom kaya hindi na ko nakapag intay at kinain na ang isa sa mga ito. “Pabili po.” napalingon ako sa lalaking papungas pungas pa. Magulo ang buhok niya na abot na hanggang batok niya at naka long sleeve lang siya na ang nipis nipis pa ng tela. Hindi ba nilalamig ang lalaki na ‘to samantalang ako balot na balot? “Ilan Knight?” tumingin siya sa tindera at inabot ang bente. “Knight?” napataas ang ulo niya at ngumiti sa’kin. Agad kong hinampas ang balikat niya. “Walang hiya ka nakita mo na siguro ako ayaw mo lang na mapansin kita!” Natawa ‘yung tindera at nagkamot lang ng batok si Knight. “Ganyan talaga ‘yan ija mahiyain kasing bata ‘yan.” napatingin ako sa tindera. “Kaya nga po sobrang hiyang hiya sa sarili kala mo ang laki ng kasalanan.” sabat ko naman at iyon si Knight nakatungo lang at naghihikab. Sanay na siguro siya sa mga ganitong senaryo ng buhay niya, ewan ko ba ba’t siya tahimik. “Dito ka lang pala nakatira ha!” Inabot niya ang paper bag na may lamang pandisal at kumaway sa’kin. “Una na ko,” sabi niya at ngumiti lang. “Tignan mo ‘yung lalaki na ‘yun.” nasabi ko na lang at natawa sa’kin ‘yung tindera. “Ganyan na talaga ‘yan, simula ng mamatay ang tiyahin niya lalo pang tumahimik at naging mailap ‘yan si Knight.” napahabol ako ng tingin sa kaniya, agad niyang kinain ang isa sa pandisal at naghikab. Dumaretsyo siya sa pangalawang palapag ng apartment at bago siya pumasok sa pinto ay kumaway siya sa’kin. Napanguso na lang ako at naglakad na pabalik sa bahay namin ng namamadali. Kaya siguro sobrang tahimik niya din dahil napaka dami na ding bagay na dinadala, isa pa mag-isa na lang pala siya sa buhay niya sa mura niya ding edad. Actually two years ang tanda niya sa’kin pero hindi ko maisip na tawagin siyang kuya, ang weird niya kasi saka wala akong nafefeel na kahit anong kuya thingy sa katawan niya. Napakamot tuloy ako ng ulo ko habang bitbit ko ang pandesal na bili ko. “Ang cute niya pagbagong gising.” napahawak agad ako sa mukha ko kaya nabitawan ko ang pandisal na dala ko pero buti na lang at nakabalot maige ‘to kaya hindi gumulong ang laman nito. “Ms. okay ka lang?” Tumango ako sa babaeng nakasalubong ko. “Ah opo hehe.” pinulot ko ang supot at agad na kumaripas ng takbo papasok sa apartment namin. Ano ba ‘to ng pinag-iisp ko? To Be Continued   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD