KNIGHT's POV “Isinumpa ‘yung hari ng mga mangkukulam, ang tanong bakit siya sinumpa?” lumipat ang tingin ko kay Sir Francis. “Ibang kwento din ‘yun, sabi nila masama ang hari o kaya may inggit ang mga mangkukulam kaya ganoon. Maraming side story kung bakit naman sinumpa ‘yung hari.” “Lalabas din ba ‘yun sa long quiz Sir?” Nagbikit balikat siya bilang tugon kay Daisy at ngumuso ‘to ng parang bata. “Bakit ko naman sayo sasabihin? Mas maganda eh reviewhin mo lahat ng tinalakay natin sa loob ng tatlong linggo.” tumango na lang si Daisy at muling nagbasa-basa ng history book niya. Kakatapos lang namin kumain at pahinga muna kami, ilang araw na din lumipas nung insidenteng nakita niya ko nung umaga. Simula nun lagi ko na siyang nakikitang bumibili ng pandisal sa tapat namin pero iniinta