MABILIS na hinablot ni Iggy ang aking kamay at inilayo kay Mr. Genesis. Kalmado namang napatingin sa kanya si Sir at mukhang hindi naman nasindak sa matalim na paninitig ni Iggy sa kanya. Tumaas ang isang kilay ni Mr. Genesis nang hindi nagsasalita si Iggy. “What? Are you threatened?” ngising tanong niya kay Iggy. “Why would I? Di hamak na mas magaling ako sa’yo,” wika ni Iggy. Hinawakan ko ang kanyang balikat upang pigilan siya. Ngumisi naman si Genesis at umiling, “Sumusobra ka naman, Iggy.” bulong ko sa kanya. Hindi naman nagsalita si Genesis at bumaling sa akin. “We have different flavors in choosing who to court, Iggy” Malamig na sabi naman ni Mr. Genesis. Hindi ko naman maintindihan kung ano ang pinag-iinitan nila pero ang malinaw lang ay malalim ang kanilang hidwaan. Hindi ko