[Anastasia's POV] PINAGMASDAN kong mabuti ang mukha nito habang nagsusumamong sumama ako sa party ng kanyang kaibigan. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at naisip kong pahirapan muna siya ng konti bago pumayag sa kagustuhan nila nang malandi kong best friend. "Pupunta po kami ni Dylan but in one condition..." sabi ko at tiningnan siya ng makahulugan. Baliw na kung baliw pero alam kong worth it naman ang ipapagawa ko dito. Sabihin man nating siya ang CEO ng De Luxe Luna at nais lamang nitong tumulong sa pagpapalago ng connections ng Scarlet Roses, gusto ko pa ring gawin ito bilang pambawi man lang sa ilang linggo niyang panlalandi sa'kin at sinabi nitong isasama niya ang kanyang baby kahit wala naman kaming relasyon na dalawa. "What is it, Baby? You want another tub of your