[Anastasia's POV] Tahimik ako sa buong byahe tulad ng pagkatulala nito nang sinundo niya kami kanina sa Scarlet Roses. Hindi ako pumunta ng salon upang magpaayos man lang ng aking sarili. I decided to stay simple and natural para hindi na ako muling landiin ni Mr. Fierro sa party na pupuntahan namin. Si Dylan lamang ang nagpumilit na ayusan ako dahil nakakahiya naman daw sa mga bisita kung may sisa na pupunta sa party o baka mapagkamalan pa daw akong naliligaw na white lady sa loob ng venue. "Besh? You okay?" tanong nito nang nakitang nakakagat-labi lamang ako at nilalasahan ang cherry flavored lipstick na inilagay niya sa mga labi ko. I just smiled at him at napasandal na lamang sa upuan. Nagmamadaling tumabi si Dylan kanina kay Lexus kung kaya naman nasa likuran nila akong dalawa. Sa