[Anastasia's POV]
TALAGA namang kinilabutan ako sa ginawa niya sa'kin kanina kaya naman nanginginig pa rin ang mga daliri ko habang pinipindot ang elevator. Wala akong imik, sinunod ko nalang ang sinabi niyang pupunta kami sa 12th floor dahil may mahalaga siyang ipapakita sa'kin at sabi pa nito parte daw 'yon ng orientation ko.
Orientation tapos mismong company owner ang mag-iikot kasama ko? Hindi kaya bigla nalang akong dumugin ng mga tao dito?
Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng elevator pero pansin ko pa rin na paminsan-minsan ay pinagmamasdan niya ang mukha ko. Kapag humaharap naman ako dito nagiging neutral nalang bigla ang mukha niya at minsan naman mukha siyang galit.
"How was it? Nagustuhan mo ba?" tanong niya para basagin ang katahimikan sa pagitan namin.
Kaagad namang nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan. Ano bang tinutukoy nito, 'yong introduction niya sa'kin sa mga members ng Board of Directors o ang kamanyakan niya sa earlobe ko? Darn!
"Thank you so much, Mr. Fierro." Ginawa ko ang lahat upang iparamdam ditong walang epekto ang ginawa niya sa'kin.
Patay-malisya akong ngumiti sa kanya nang biglang tumunog ang elevator hudyat na narating na namin ang gusto nitong puntahan. Malalim akong bumuntong-hininga saka naunang naglakad pero bigla nalang nitong hinawakan ang kamay ko.
He pulled me closer to him and pressed the close and ground floor button.
"Let's stay here," baritono nitong sambit habang nakatitig sa aking mga mata.
Napasinghap ako at sinubukang kumawala sa pagkakahawak ni Lexus. Pero masyadong mabilis ang mga pangyayari na hindi ko na napansing mahigpit na ang pagkakahawak nito sa'king likuran. Magkadikit ang aming katawan at dama ko ang mabilis na pintig ng puso niya.
"Wala namang magagalit sa'kin, di'ba? Sinabi mo sa'kin last time that you are single."
Natigilan ako nang mas inilapit nito ang mukha sa'kin. Handa na akong sampalin siya ngunit pinigilan ko ang aking sarili.
Siya ang may-ari ng kompanyang tutulong upang makilala at mapabilang sa mga sikat na clothing line ang Scarlet Roses, kaya naman hindi maaring magkamali ako dahil lang sa kinakabahan ako sa mga aksyong ginagawa nito.
Kailangan kong mag-isip ng ibang plano upang makawala sa sitwasyon.
"Mr. Fierro? Excuse me po!" sabi ko habang nakatingala sa kanya. Masyado siyang matangkad kaya naman ingat na ingat ako dahil baka bigla nalang itong yumuko.
"Hmm?" anito.
Bumuga ako ng marahas na hangin dahil tama nga ang hula ko. Lumapat ang labi niya sa malapad kong noo. Gosh! That was close!
Napayuko na lamang ako at medyo hininaan ang aking boses. "Yung kamay niyo po nasa likuran ko? Pwede bang umusog kayo ng konti...hindi po kasi ako makahinga."
What a lame and weak excuse, Tasha!
Sino ba naman kasing makakahinga sa ganitong lagay?
Tumaas ang kilay nito at umangat ng bahagya ang labi. "You have asthma?" tanong niya gamit ang malambing na boses.
Mabilis akong tumango kahit ang totoo ay wala naman talaga akong sakit na asthma...pero baka bigla nalang akong magkaroon at atakihin pa sa puso dahil sa mga hirit nito.
Laking pasalamat ko nang binitawan niya ako at pormal na tumayo sa bandang gilid. Mabuti at marunong din palang makinig ang isang 'to.
"You look so beautiful and charming. I wanna eat you, Ms. Montenegro."
Napatunganga ako sa sinabi niya.
Hindi ako maaring magkamali ng dinig, iba talaga ang dating ng mga sinabi nito sa'kin. Nakadagdag pa dito ang makahulugan niyang titig at pilyong ngiti. It seems like he's planning something again.
Sinubukan kong kalimutan ang sinabi niya at huwag mag-react dito. Baka mamaya nagkulang lamang siya ng isang salita at I wanna eat with you talaga ang gusto nitong sabihin.
Nakita ko nalang na ipinikit nito ang kanyang mga mata habang nakasandal sa gilid. Mukhang tumahimik siya dahil hindi nito nakuha ang nais niyang reaksyon mula sa'kin.
Hindi ko alam kung nagalit ba ito o sumama ang loob. Bahala na.
Kabado naman akong nakatayo sa harapan niya at sa bawat bukas ng pintuan nakita ko kung paano natameme ang mga tao nang masilayan ang CEO na nakapikit sa aking likuran. Wala man lang pumasok kahit isa sa kanila hanggang marating namin ulit ang 12th floor.
"Mr. Fierro?" mahina kong sambit habang nakatingin sa kanya.
Hindi naman ito sumagot.
Totoo bang nakaidlip siya habang magkasama kami sa elevator? Is he that type of person?
Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Siguro nga, dahil tao lang din naman siya at may karapatan itong mapagod. He looks like a hardworking person when he's asleep at sadya namang hindi kapani-paniwala na ang isang tulad nito ang nagpapatakbo ng isang kompanyang nakasentro sa fashion at textile industry na karamihan ay babaeng CEO lamang ang nagpapatakbo.
Lumapit ako dito at sinubukang hawakan ang balikat niya. Marahan kong pinagmasdan ang mukha nito, he looks like a gentle person kahit may pagkamanyak ito.
"Stop it, Ms. Tasha. I might melt," sambit niya habang dahan-dahang iminumulat ang mga mata.
Napalunok ako at mabilis na umatras. Baka mamaya may gawin na naman siyang masama sa'kin.
Minabuti kong maglakad na lamang palabas ng elevator at napansin ko namang nakasunod lang siya sa aking likuran.
"Anong ginagawa dito ni sir? Gosh! May kasama pa itong babae and she looks pretty!" Kinikilig na bulong ng isang marites na nasa gilid pagkatapos nito kaming batiin sa pormal na paraan.
Ipinagpatuloy ko naman ang paglalakad habang panay ang bati ng mga tao sa aming dalawa. Gusto kong malaman kung anong dahilan at dinala niya ako sa lugar na ito kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad.
"Ms. Anastasia? Where are you going?" May pagtatakang tanong nito sa'kin.
Para naman akong binuhusan ng malamig na yelo at napalingon sa kanya. Pakiramdam ko napahiya ako dahil naglalakad ako kahit hindi ko naman alam kung saan talaga kami pupunta.
"Mr. Fierro..." kabadong boses ko at pinagmasdan ang daliri nitong nakaturo sa isang malawak na tinted glass door. Ngumuso pa ito na para bang sinasabing doon dapat ang punta namin.
Nilingon ko ang mga taong nakatingin sa aming dalawa at patay-malisyang naglakad pabalik sa kinatatayuan nito.
"Sorry, Mr. Fierro. Masyado po yata akong na-excite."
Halos manghina ang tuhod ko dahil sa labis na kahihiyan. Minsan talaga masamang maging bida-bida.
Wala itong tugon sa sinabi ko. Pero itinapat niya ang daliri sa biometric kaya mabilis na bumukas ang pintuan. May galak ang mga mata niya nang magkatitigan kaming dalawa.
Ilang segundo yata akong natahimik sa kinatatayuan ko bago narinig ang boses nito.
"Let's go?" aniya.
Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa silid pero natulala na ako sa ganda ng mga telang nasa harapan namin. Kumpleto ang mga swatches, maayos ang pagkakarolyo at sadya namang napakabango ng mga tela. Mamahaling tingnan ang mga nasa kalagitnaan ng racks at mukhang galing pa ng ibang bansa ang mga ito.
Halatang ginagamit lamang 'yon para sa mga espesyal na kliyente ng De Luxe Luna.
"Bakit mo po ako dinala dito, Mr. Fierro?" nahihiya kong tanong habang hindi pa rin inaalis ang mga mata sa paraisong nasa harapan ko.
The view is breathtaking.
Mas natutuwa pa akong pagmasdan ang makukulay at malalambot na tela kesa magkipag-blind date sa kung kani-kanino noon.
"I want to impress you."
Pakiramdam ko ay binalot ng boses niya ang buong silid. Umatras ako ng konti pero naramdaman ko nalang ang simpleng paghaplos nito sa buhok ko. Hindi ko maipaliwanag ang kuryenteng dulot niyon.
Nakakapaghina talaga ang lalaking ito to the point na parang nahihirapan akong huminga.
Napapikit na lamang ako ng maramdaman ang mainit niyang hininga sa batok ko. Wala pa rin itong tigil sa ginagawa sa buhok ko pero nakakatakot dahil tumatangos ang sensasyong dulot ng hininga niya sa balat ko.
"Mr. Fierro...baka makita tayo ng mga nasa labas." Sabi ko habang pinipigilan ang takot na namumuo sa dibdib ko.
Alam kong konting-konti nalang at tutulo na ang luhang namumuo sa aking mga mata.
Pansin kong huminga siya ng malalim at pabagsak na inilapat ang isang kamay nito sa dingding. Inangat ko ang aking paningin at nakita ang isang pulang button doon.
"Do want me to press this button and show everyone what we're doing?"