Chapter 5 - Asset and Spotlight

1537 Words
[Anastasia's POV] GUSTO ko nalang maglaho na parang bula nang marinig ko ang sinabi ni Lexus. Halo-halo ang mga reaksyon na natanggap ko mula sa mga taong nakatingin sa'kin dahil alam kong minasama nila ang sinabi ng kanilang CEO. Laylay ang balikat akong naupo pabalik sa aking kinauupuan, mukhang hindi lamang sa pamilya ng ama ko may gyera kun'di pati na rin pala sa industriyang pinasok ko. Hanggad ko lang namang makakuha ng investment at boost mula sa kompanya ni Mr. Fierro pero hindi ko maintindihan kung bakit nakaupo ako ngayon kasama ang mga top fashion designers at may-ari ng mga sikat na textile company sa bansa. Gusto kong manliit sa harapan ng mga ito dahil alam kong hindi ako nararapat na umupo kasama nila. Nasa baba pa ng tatsulok ang Scarlet Roses habang nasa tuktok naman ang De Luxe Luna, malayo pa ang tatahakin namin para maabot ang lebel na kinabibilangan ng mga taong nakapalibot sa akin. I gasped when I caught Lexus staring at me. Matiim at makahulugan ang titig nito na para bang may masama na naman siyang binabalak. "Isn't she beautiful? Ms. Anastasia Montenegro looks genuine and pure, right?" anito habang nakatingin lamang sa'kin. Heto na naman ang kakaibang pakiramdam na nadama ko habang sabay kaming naglalakad kanina. Hindi ko maintindihan kung nanghihina lang ba ako o may mali na sa puso ko. Pakiramdam ko tuloy may mga kabayo nang nag-u-unahan at nakikipagkarerahan dito. I tried my best to control the surge of emotions but I can't. Konti nalang at matutunaw na ako sa mga titig ni Lexus habang para naman akong sinusunog ng buhay ng ibang nakatingin sa'kin sa loob ng silid. Sanay na sanay na ako sa ganitong treatment dahil outcast lang kami sa pamilya ng aking ama. Kahit sabihin mang nagawa akong tanggapin ng aking lola at may narating na kaming magkakapatid sa buhay pero hindi pa rin sapat ang mga 'yon upang linisin ang imaheng pilit nilang isinasampal sa mga magulang namin. Masakit para sa'king marinig ang mga akusasyong sinasabi nila dahil mahal na mahal ko ang aking mga magulang. Kahit pumanaw na ang mga ito hangad ko pa ring malinis ang kanilang mga pangalan at mapatunayan sa lahat na mabuti silang tao. "Ms. Montenegro? Please stand beside me." Kinabahan ako sa aking narinig. Bakit? Bakit kailangan kong tumabi sa kanya? Nahihiyang tumayo ako sa aking kinauupuan at lumapit kay Lexus. Wala akong nagawa kun'di sundin pa rin siya. Laking gulat ko nang pinagsiklop nito ang aming mga kamay sa harapan ng lahat. Anong ginagawa niya? Ilang araw palang kaming magkakilala pero ilang beses na nitong pinakaba ng sobra ang puso ko. Konti nalang at pakiramdam ko may sasabog na sa'kin dahil sa ginagawa niya. He's generous and he loves to give sweet compliments, but he's possessive and tempting at the same time. Hindi ko na alam kung saan ako lulugar sa larong nais nitong umpisahan. Pilit kong pinakalma ang aking sarili at pinakinggan ang mga sinasabi nito. Inintindi ko ang proposal na sinabi niya sa lahat at hinayaan na lamang ang malakas na t***k ng puso ko. Habang tumatagal mas lalo kong naiintindihan ang industriyang ito dahil sa angking katalinuhan ni Mr. Fierro. Binalewala ko ang mga daliri nitong naglulumikot sa aking palad. Ayokong mag-isip ng masama tungkol sa kanya dahil trabaho at pangarap para sa Scarlet Roses ang nag-iisang rason kung bakit pinili kong manatili. "I know Scarlet Roses will climb up the ranks after this exposure but it doesn't mean that you will lose something. You will gain the best spotlight when it comes to the modern and next-gen fashion styles." Saksi ako kung paano lumiwanag ang mga mukha ng mga taong nakikinig dito, parang kuminang ang mga mata nito sa ideyang narinig mula sa CEO. Ayokong maniwala pero parang may magic ang boses niya kaya nagagawa nitong haplusin at palambutin ang puso ng ibang tao. Kahit sinong nakikinig dito ay maniniwala at magtitiwala sa kanyang mga adhikain. Maganda ang pagkakalatag ng plano nito kaya naman hindi din ako nagdalawang-isip na isugal ang lahat para sa magandang plano mula sa De Luxe Luna. Masyadong malaki ang 65% na alok nito sa akin at malaking tulong 'yon. Gusto kong maniwala sa mga sinasabi niya. Gusto kong abutin ang tuktok para maabot ko ang kinaroroonan ng kompanyang kinatatayuan ko ngayon. "Will you grant another request from me, Ms. Anastasia?" Nilingon niya ako at pinagmasdan ang aking katawan. Mabilis na namula ang magkabilang pisngi ko dahil ito ang unang beses na taas-baba akong tinititigan ng isang lalaki sa harapan ng maraming tao. Malagkit ang mga titig nito na para bang hinihubaran ako sa kanyang isipan. Hindi ko alam kung hanggang saan umabot ang mga tingin niya pero napasinghap na lamang ako nang itinaas nito ang kanyang kamay palapit sa aking dibdib. "I knew from the beginning that you'll notice that spot," sambit ng hinahangaan kong fashion designer na si Evans. Madalas kong nakikita ang mga gawa nitong suot sa front cover ng international V magazine. Ngumiti naman sa'kin ang isang babaeng nakasuot ng dark red one-sided dress. Kung hindi ako nagkakamali may-ari ito ng hindi mabilang na boutique sa Annex. Napalunok na lamang ako dahil nakatingin na naman silang lahat sa'kin pati na din si Lexus. Para akong ginigisa ng mga titig nila ngayon. "Are you familiar with Dylan Ferrer, hija?" tanong nito na nagpabilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko alam ang isasagot dahil ayokong madamay pa ang best friend ko sa gulong pinasok ko. Bumuga ako ng marahas na hangin at napailing. She looked disappointed and surprised with my answer. "Ginaya lang ba ng collection mo ang signature spot ni Dylan Ferrer?" usisa naman ng isang company owner sa may bandang dulo. Pumintig ng malakas ang tenga ko sa aking narinig. Sinasabi ba nito sa'king nagnakaw ako ng disenyo mula sa isang international fashion designer? 'Yun ba ang gusto nitong palabasin sa lahat? Ibinaba ko ang tingin kay Mr. Fierro nang maramdaman kong pinisil nito ng mahina ang isang daliri ko na para bang binibigyan niya akong ng karapatang depensahan ang aking sarili. Pasimple kong binasa ang mga labi ko dahil mukhang mauubos yata lahat ng tubig ko sa katawan dahil sa sobrang inis at stress. "Dylan Ferrer is my best friend and he's working for my company," sambit ko habang nakatingin sa lalaking may hawak ng aking kamay saka ibaling ang tingin sa ibang myembro ng Board of Directors. Nakita ko namang umangat ng bahagya ang labi nito, mukhang natuwa siya sa nangyari. Sinadya niya bang gawin 'yon para gulatin ang lahat na nagtratrabaho sa isang simpleng kompanya ang isang sikat na fashion designer na katulad ni Dylan? Ano nalang ang sasabihin ng best friend ko kapag nalaman niyang naibunyag ko sa lahat ang koneksyon naming dalawa? Gosh! Umawang ang labi nilang lahat habang hindi naman makapaniwala ang karamihan. Hindi ko alam kung ilang minuto silang natahimik bago binasag ni Lexus ang katahimikang 'yon. Tumayo ito sa aking tabi at sensual na pinihit ang katawan ko papalapit sa kanya. "Meeting adjourned. Excuse us, everyone." Hinawakan nito ang aking bewang kaya napilitan tuloy akong maglakad kasabay niya. Alam ko namang sinusundan kami ng sekretarya nito kaya medyo naging panatag ang loob ko na wala itong gagawing masama si Lexus. Tahimik kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa opisina nito. Ito ang mahiwagang lugar kung saan nag-umpisa ang confusion at kaba ko dahil sa naghuhumindig niyang alaga. "Thanks for everything, Mr. Fierro!" magiliw kong sambit habang nakatayo sa kanyang harapan. Hinintay ko lang talagang makapasok ito sa kanyang opisina kaya minabuti kong tumayo lamang sa labas at pagmasdan ang mga yapak nito. Ayoko nang pumasok sa loob dahil pinapa-alala lang nito sa'kin ang gabing nadungisan ang birhen kong mga mata. Laking gulat ko nang hinawakan nito ang aking kamay at malakas akong hinila papasok. He just grinned at me as he immediately locked the door. Mabilis ko namang inalis ang mga kamay kong nakapatong sa kanyang matipunong dibdib. Muntik na akong mawalan ng balanse dahil sa ginawa niya. "Ms. Anastasia," He sweetly chanted my name as he pinned me against the wall. Iniwas ko naman ang mga mata dito dahil alam kong tutuksuhin lamang ako nito. Kinakabahan pa naman ako dahil amoy na amoy ko ang mabango nitong perfume at hininga niyang amoy mint strawberry mouthwash na mukhang galing pa ng ibang bansa. Ngumiti siya sa'kin at inilapit ang kanyang sarili malapit sa aking tainga. Gusto na yatang huminto ng puso ko dahil sa sobrang kaba ngayong ilang pulgada lamang ang layo ng mukha nito habang sobrang lapit naman ng kanyang katawan sa'kin. Hindi ako makahinga sa init na pinaparamdam nito sa'kin kahit malamig naman masyado ang aircon ng kanyang opisina. "Take care of Mr. Dylan Ferrer, he's your biggest asset." Mahinahon nitong sambit habang pinaparamdam sa batok ko ang mainit niyang hininga. Kinilabutan ako sa ginawa nito. Hindi ko alam kung nagkaroon lang ba siya ng lakas ng loob dahil inalis niya ang makapal na salamin. Humugot siya ng malalim na hininga, at masyadong mabilis ang naging pangyayari dahil naramdaman ko nalang ang dila niya sa aking tainga. He's licking my earlobe while groaning! Hindi yata nagkamali ang kutob ko dito. He's trying to seduce me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD