[Anastasia's POV] HINDI ko pa rin mapagtanto kung paano ako nakawala sa lugar na 'yon pero nagpapasalamat ako dahil nagawa kong ingatan ang aking sarili. Siguro tumagos ako sa pader o sadyang naawa lang siya sa'kin. Pakiramdam ko tuloy isa akong maamong rabbit na nakawala mula sa kamay ng isang mabangis na hunter. "Konti nalang mukhang magiging labanos ka na, besh. Ang putla mo, girl!" sambit ni Dylan saka pinaharap sa'kin ang salamin na hawak nito. Kinagat ko ang pang-ilalim kong labi dahil alam kong totoo ang sinabi niya. Naalala ko na naman tuloy lahat ng nangyari sa unang meeting na dinaluhan ko sa De Luxe Luna. Kung alam lang sana ni Dylan na napunta ako sa hot seat dahil sa kanya, marahil iba ang magiging reaksyon nito at baka lalo pa siyang magwala kapag nalaman nitong iniligtas