[Anastasia’s POV]
Hindi na ako dumaan pa sa sekretarya ni Mr. Fierro upang siguraduhing tama ang oras ng appointment ko dahil pinasunod ako nito sa loob ng kaniyang opisina.
Napalunok na lamang ako nang makita ko sa aking peripheral vision kung gaano katalim ang mga matang nakatingin sa’kin habang naglalakad kasama ang kanilang CEO. Kulang nalang ay lamunin ako ng buhay ng mga kababaihang nahuhumaling dito.
“There’s nothing to be proud of Anastasia,” bulong ko sa aking sarili. "Baka ikamatay mo ang follow-up questions nito mamaya."
Dapat nga matakot ako sa presensya niya at sa mga salitang binitawan nito habang nasa loob kami ng elevator kanina.
Tahimik lang akong nakatayo sa harapan nito. I’m observing his actions pati na rin ang pag-aayos nito ng tambak na papeles sa ibabaw ng mesa niya. Halatang inis na inis siya sa mga kalat, mukhang hindi ata ito nakuntento sa ginawa ng kaniyang sekretarya.
Gusto niyo bang makilala ang secretary ni Mr. Fierro?
I think nasa edad kwarenta na ito. True! Siguro kung buhay lang ang inay magka-edad silang dalawa. She’s pretending to be too strict when it comes to his boss' appointments kahit walang laman ang record book nito. I think someone hired her to be his secretary for security reasons, dahil hindi kapani-paniwalang hindi dalaga ang pinili ni Mr. Fierro upang maging sekretarya niya.
Come to think of it. He’s one of the hottest bachelor in the country, so you’ll assume that he’s a casanova just like the others. That's given.
"Ms. Natasha? Give me your proposal." Napakalamig ng boses nito. "Have a seat."
My heart fluttered when he asked me to lend him my documents. I bit my lower lip as I sit in front of him.
Gosh! Daig ko pa ang niluluto ng buhay dito. I don’t know how to react when he somehow tilted his head and smiled at me.
“Ma’am?”
Napalingon ako nang may kumalabit sa’kin. Si tita secretary pala. “Yes po? ” tanong ko rito.
She offered me something to drink, nakita ko namang may hawak siyang isang transparent cup na naglalaman ng brewed coffee. Aroma palang nito parang nanunuot na hanggang sa kaibuturan ng aking pagkatao. Nakakagising ng kaluluwa ang tapang nito.
Ngumiti nalang ako dito at nahihiyang humingi sa kaniya ng white coffee. Tahimik pa ring nagbabasa si Mr. Fierro nang bumalik ang ginang hawak ang cup and saucer na naglalaman ng request ko. Hindi ko napigilang huwag mapangiti nang makita ko ang heart shape chocolate syrup sa ibabaw nito.
“Ayokong sirain ang heart. Ang ganda naman.” I pouted my lips habang kinakausap ko na naman ang sarili ko.
Naisip ko nalang bigla na kunin ang cellphone ko at pasimpleng kunan ito ng litrato. Bakit? For remembrance.
Sinilip ko kung nahalata ni Mr. Fierro ang ginawa ko. Nahuli ko namang nakangiti ito pero hawak pa rin ang documents na ibinigay ko.
“What’s the name of your brand, Ms. Natasha...No, Anastasia Montenegro?” napasinghap ako sa aking narinig.
Maliban kay Dylan, siya ang pangalawang taong tinawag ako sa full name ko pagkatapos ng walong taong pamamalagi ko dito sa Maynila.
I tried to maintain my smile. “Our brand name is Scarlet Roses, Mr. Fierro,” napabuntong-hininga ako. “And we just tagged our new collection as Maria Clara.”
Lumipat ito sa ibang pahina nang hawak na dokumento, alam kong hinahanap nito ang koleksyong nabanggit ko. I managed to describe my brand and my best collection to him, puro tango naman ang naging sagot nito sa’kin.
“You’re wearing your Maria Clara design, right?” pang-uusisa nito.
Lumiwanag naman ang mukha ko dahil napansin niya ang purpose ng suot ko.
“Yes, this is the most elegant piece of our collection.” Napatango ito habang kinikilatis ang suot ko. Mukhang nakumbinsi naman ito dahil sinabihan niya ako nang malutong na okay.
Ngunit biglang nabalot ng katahimikan ang buong paligid. His presence turned dark and I don't know what's the cause.
He seriously stared at me.
Napaka-intimidating ng mga mata nito kaya ako na ang nag-iwas nang tingin sa kaniya. “Almost perfect, Ms. Anastasia. But…what if we’re looking for something bold and wild? Papalitan mo ba ang iyong collection?”
Nakaramdam ako ng labis na disappointment nang mapagtanto ko ang sinabi nito.
Binaling ko ang tingin sa kanya, I closed my fist and took a deep breath. “Maybe our current collection doesn’t fit your choice, Mr. Fierro.”
At this moment, gusto ko nang agawin ang papel na hawak niya.
“Sorry but we’ll stick with the theme and concept of our designs, hindi namin ito papalitan. Siguro hindi pa ito ang tamang oras,” dagdag ko pa rito.
I saw him grinned wickedly.
Lalong dumilim ang mukha nito.
Sobrang dilim.
He sighed heavily.
Muli itong napatingin sa iba pang pahina ng hawak nitong proposal. “Pastel colors?”
Muntik nang mapataas ang kilay ko sa aking narinig. May problema ba siya sa light colors o sadyang may galit lang siya sa salitang Maria Clara?
“Light colors usually shows the purity and decency of the person wearing the design. At the same time, pinapaganda po nito ang skin tone ng tao kaya nagmumukha silang blooming kapag pastel colors ang kulay ng damit na suot nito.”
I managed to pause as I sip on my coffee. Biglang nanuyo ang lalamunan ko sa inis.
“If you want something wild and naked, maybe you should look for a collection with brown, red, black and gray on it. Colors of seduction po ‘yon, Mr. Fierro.”
Biglang napalitan nang tuwa ang mga mata nito, I saw him looked for his pen and signed the last page of my document. Ibinalik niya ito agad sa’kin and lend his pen to me.
“Let’s close the deal,” aniya.
“Really, Sir? Akala ko ho ba…” hindi ko na natapos ang gusto kong sabihin dahil inilapit nito sa’kin ang hawak na pluma.
Dahil sa sobrang saya ko, napahawak ako sa kamay niya. Gusto kong makipag-shakehands pero hawak ang napuntahan dahil sa sobrang tuwa ko. Para akong nakuryente nang mapansin kong napakalambot ng kamay nito.
Sobra pa sa kamay ng nagmomodel ng alcohol at lotion dahil napakakinis at lambot talaga ng palad niya.
“Sign it and be mine.”
Hawak-hawak ko na ang pen nang matigilan ako sa aking narinig.
“Po?” gulat na tanong ko rito.
I heard him laugh at me. Lalo tuloy naglaho ang naniningkit nitong mga mata.
“I’m just joking. Welcome to De Luxe Luna, Ms. Anastasia Montenegro-Fierro.”
Lumala ang tawa nito. Parang baliw na hinihintay na pumirma ako. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip kung kontrata ba ito ng Scarlet Roses o kontrata ko, dahil mukhang palagi na akong babalik dito? Hindi kaya gumaganti siya dahil sa nakita ko?