Chapter 3 : Angel and Devils

2539 Words
Kinaumagahan ay maagang nagpatawag ng isang urgent meeting ulit si Mr. Fierro. Hindi naman lingid sa kaalaman ng dalaga na ang deal nila ang balak nitong pag-usapan. Humingi kasi siya ng oras para makapag-isip lalo na't kinakabahan itong baka galit pa rin ang lalaki sa nakita niya noong nakaraang araw. She tried her best to look good in front of him. She entertained him with her words hanggang sa tuwang-tuwa na ito habang kausap si Tasha. Mahaba na rin ang kanilang usapan when she interrupted the topic and tried to get him straight to the point. “Mr. Fierro, can I ask you something?” Napakagat si Tasha sa lower lip nito dala nang hiyang nararamdaman. Excited ito sa benefits na makukuha ng kanyang kompanya kahit pa kapalit nito ang palaging pagpunta niya sa pugad ni Lexus. Ibinaling lamang ng lalaki ang mga mata sa kaniya habang sinisimsim ang brewed coffee. Mukhang coffee is life din talaga ito tulad niya. “Okay.” Tipid siyang sinagot nito. Nahihiya man, she took the courage to ask him about the benefits and royalties. Alam niyang turn-off ito sa side ng lalaki pero ito ang tamang paraan bago niya pirmahan ang kontratang nasa kaniyang harapan. Hindi kasi nakalagay dito ang incentives na makukuha ng kompanya ni Tasha. It’s a win-win bet pero baka sa isang pagkakamali ay mauwi ito sa bankruptcy. Nakita niyang hinagilap ng lalaki ang pen na nasa gilid nito. Inagaw ni Mr. Fierro ang kontrata mula sa pagkakahawak ni Tasha at nagsulat ng note dito. Sinilip niya ito, hindi naman naging madamot si Lexus na ipakita ito sa dalaga. Nakasaad sa sinulat ng binata ang katagang 65-35. 65-35? Bulalas nito sa kaniyang isipan. “65% for Scarlet Roses and 35% for De Luxe Luna,” seryoso nitong sambit. Napangiti ang dalaga dahil sa sinabi nito. Alam niyang hindi siya lugi sa deal na ito mula sa De Luxe Luna. Ngunit mabilis din itong napawi nang biglang magsalita si Lexus. “Just don’t tell others about my secret or else your part will go the other way.” “What secret, Mr. Fierro?” She saw him clenched his jaw. Biglang umapaw ang madilim na aura mula sa kinauupuan ng binata. Pinagmasdan naman ito ni Tasha. He looked so tempting and very possessive. She's not sure if seductive or possessive was the right word to describe him. Pinagana ni Tasha ang kaniyang common sense at muling binalikan sa kaniyang isipan ang nakitang hubad na imahe ng lalaki. “I know you saw me naked last night.” Umalpas sa mga mata ng CEO ang pagnanasa nito. Tiim bagang itong napakapit nang mahigpit sa hawak-hawak na pluma, gusto niyang kunin ito ng babae. Ngunit bakas ang pagdadalawang-isip sa mukha ni Tasha. Napabuntong-hininga ang dalaga at ibinaling ang tingin sa CEO. Alam niyang may iba pa itong gustong mangyari. “Hindi ka ba kinilabutan o nag-init man lang sa nakita mo?” Lalong nanikip ang dibdib ni Tasha sa narinig. Ayaw man nito pero he’s making her jump into conclusions. Binasa nito ang nanunuyong labi as she took the courage to utter some words. “You want me and my body?” Napahalinghing ang lalaki, isa ito sa mannerism ni Lexus. Hindi inaasahan ni Tasha na maririnig niya ang ganong mga salita mula sa pinakamayamang bachelor ng bansa. Ngumisi ito. Ngayon ay naipit si Tasha sa magiging kinabukasan ng kaniyang kompanya at sa babagsakan ng kaniyang katawan. “I’ll let you think about my question. Bumalik ka nalang ulit dito if you’re ready.” She gasped. Halos masira naman ang salamin ng pintuan ng opisina ng CEO nang nagmamadaling lumabas si Tasha. Nanatiling nakaupo ang binata ng may baong ngiti sa labi. She’s a challenge to him. At susukatin niya kung hanggang saan aabot ang kagustuhan ng babaeng umangat ang status ng Scarlet Roses. Tikom ang bibig ni Tasha nang magtungo ng mag-isa sa isang sinehan. Dito niya balak ilabas ang frustration at disappointment na nararamdaman. “Hindi talaga lahat ng good-looking guy ay may mabuting kalooban. Yung iba, ginagamit lang itong front,” sabi nito sa sarili bago napabuntong-hininga. She tried to weigh everything. Kahit saang angulo tingnan ay alam niyang hindi siya mahuhulog sa patibong na ihinanda ng isang Lexus Fierro. Alam niyang makapangyarihan ang lalaki at lahat ng gusto nito ay nakukuha niya ngunit he is a… Maniac… Idiot… Yan ang CEO sa paningin niya ngayon. Naghahalo ang pagkamuhi at takot na nararamdaman niya dito. Isa ito sa rason kung bakit malayo ang loob niya sa mga kalalakihan, takot siyang masaktan tulad ng kaniyang ina. Takot siyang maging madumi ang paningin sa kaniya ng ibang tao. At takot siyang magkaroon ng commitment na siya rin ang magiging talo sa huli. She always hated commitment and failures, and it’s clear to her mind that loving is failing. It’s the type of game she knew she’ll never win. Natapos ang palabas at natapos din ang kaniyang pag-iisip. It’s four in the afternoon when she left the mall at piniling maglakad na muna. She dialed someone, sumagot naman ito agad. “Hi, Besh! Ikaw na ang kumuha ng kotse ko sa De Luxe. You have my duplicate right? Bukas na ako papasok. Bye.” Pinatay nito ang tawag at nagpatuloy sa paglalakad. Kung pwede niya lang sanang balikan ang buhay na nakasanayan niya sa bukid noon. Walang kotse ang mga tao maliban nalang sa mga anak mayaman at nagmamay-ari ng malalawak na hacienda. Walang maayos na uniporme ang mga bata kung walang ani ng palay at mais na pananim ang kanilang mga magulang. Kung hindi mangungutang ang mga nanay nila sa tindahan ay walang silang sasaingin sa panahon ng tag-tuyot. Namulat siya sa hirap ng buhay at sakripisyo ng bawat isa para lamang maka-survive. Napakahirap ng buhay para sa mga mahihirap habang napakasarap naman ng buhay para sa mga mayayaman. They could have everything they want habang ipinagkakait naman ito ng tadhana sa mga walang kaya. Malalakas ang may pera at mahihina naman ang wala. Napakalupit talaga ng mundo sa mga ipinanganak na walang-wala. Ganon ang sitwasyong kinahantungan niya ngayon. She needs his investment at ginamit naman ng CEO ang kapangyarihan nito upang hilingin ang kagustuhan sa kaniya. “What about the launching? You messaged me that you closed the deal with Mr. Fierro. Don’t tell me…” pinagana nito ang lakas ng pandinig kaya alam niyang tumatawa ang kapatid ng kaniyang ama sa kabilang linya. “Wala ka talagang pinagkaiba sa ama mo na makitid ang utak!” Napayukom na lamang ito sa kaniyang narinig. Pilit pinipigilan ang sariling huwag maging bastos tulad nang kausap. “So maybe it’s time for my daughter to take away the crown from you?” Napapikit ito dala nang pandidilim ng kanyang paningin. Naihagis nito ang hawak na cellphone. She’s struggling from the family of his Dad, walang katapusan ang pagmamaliit ng mga ito sa kanya. Hanggang kailan ba mangyayari ito? Paano ba niya mapapatunayan ang sarili sa kanila? Kailan ba matatahimik ang mundo niya? Dahil sa sobrang inis ay naikalat nito ang mga telang nasa harapan. Wala na siyang pakialam sa laki ng investment na ibinigay niya dito. She’s trying her best to do better pero pilit naman siyang hinihila pababa ng mga ito. Sa ngayon ay kulang pa ang kapangyarihang mayron siya pero alam niyang darating ang araw na mapapabagsak niya ang mga ito. She wanted to bring her Dad’s legacy back. At linisin ang pangalan ng ina nitong sinira ng pamilya Montenegro. Hindi hypokrita ang ina niya, minahal lang nito ang kaniyang amo. Kung sana ay mayroon lang itong mahihingan ng tulong… She took a deep breath when an image of Lexus returned to her senses. *** 'Hi! This is Anastasia from Scarlet Roses. Can I invite you for a coffee, Mr. Fierro?' Lihim na napangiti si Lexus nang mabasa ang mensahe mula kay Tasha. Alam nitong nakapag-isip na ang dalaga about the deal he presented last time. Totoo ngang katulad din ito ng mga babaeng nakilala niya. Lihim na nagtatago sa isang mala-anghel na imahe pero ang totoo ay malandi ito at handang ipagpalit ang katawan kapalit ng pera. His excitement filled the air as he grabbed the contract and asked her about the details. Mabilis naman itong sinagot ni Tasha kaya nag-umapaw ang bugso ng pang-aalipin sa mga mata ni Lexus. He's right! She's not that perfect. Napangiti nalang ito sa kaniyang sarili. Using his power, he will start his revenge. Sasaktan at pababagsakin nito ang lahat ng mga babaeng nagbabalak na gamitin siya. Hindi pa man nakakalapit si Lexus sa meet-up place nila ay nalanghap na nito ang kakaibang aromang nagmumula mula sa lugar. This is heaven, wika pa nito sa kaniyang isipan. Nakakabighani ang amoy ng kape sa paligid at mga crema. Iba't ibang flavor ng cakes at matatamis na desserts naman ang nasa estante. Nakadagdag pa sa ganda nito ang countryside theme na talaga namang nakaka-relax sa pakiramdam. Ito ang unang beses na napadpad si Lexus sa ganitong lugar. Nasanay kasi itong sa opisina lang nagkakape ng mga imported coffee na pinapadala ng mga babaeng naghahangad ng pansin niya. Matalino ka Anastasia, sabi nito sa kaniyang sarili nang makapasok na ito sa lugar. Nadatnan niya itong nakaupo sa isang round table malapit sa sulok. Nakayuko ito at umiinom ng tubig habang ang lahat ng tao sa paligid ay umiinom ng kape. Nakasuot lang si Tasha ng simpleng white top, faded blue jeans at white sneakers habang naka-ponytail naman ang mahaba nitong buhok. Napangisi ang binata dahil ibang iba ito sa Anastasiang una niyang nakausap. Papalapit palang si Lexus nang mapansin agad ito ni Tasha. Ibinaba nito ang basong hawak and she slowly beamed at him. Daig pa nito ang isang modelo sa ganda ng kanyang ngiti. Kakaibang tama naman ang ibinigay nito kay Lexus, nahumaling ito sa simpleng ganda ng dalaga. "Hindi naman ako late, right?" She nodded at him saka nito kinuha ang menu. Pinili ng dalaga ang pinakamahal na kape para kay Lexus at coffee with chocolate frost naman ang kaniya. Hindi nawala sa order nito ang ice cream cake na naging dahilan kaya binabalik-balikan ng dalaga ang café. Nawala ang kagustuhan ni Lexus na ilatag agad ang dokumento, lihim niya itong itinago sa kaniyang likuran nang makitang sobrang saya ng kaharap habang umo-order. "Sorry ha! Paborito ko kasi talaga ang ice cream cake nila dito. Noong bata kasi kami ng mga kapatid ko, minsan lang kami nakakatikim ng cake. Nakakakain lang kami sa tuwing may birthday ang mga kapitbahay namin. Kapag kaarawan naman namin, ilang buwan pang pinag-iipunan ng tatay ko ang pinambibili niya ng maliit na cake." Inosente itong napakwento na ikinabigla ng diwa ni Lexus. Saglit siyang napasilip dito. Tinitigan niya ng mabuti ang kutis at pag-aayos ni Tasha sa sarili. Napansin ng babae ang mga titig na iyon. Medyo na-conscious na nga ito kay Lexus. Tipid na ngumiti si Tasha nang maihatid na ng waiter ang order nila. Pilit nitong hinuli ang mga mata ni Lexus kung sa kape ba o sa kaniya ito nakatingin. Nahihiya man pero alam ni Tasha na ito ang tamang desisyon. "Uhm. Mr. Fierro, hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa." Napangiti si Lexus. Inaasahan nitong maririnig niya ang linyang inaasam mula sa dalaga. Mahuhulog na nga talaga ito sa plano niya. "Pasensya na po. Gusto ko sanang tanggihan ang offer niyo," mahina ang boses na sambit nito. "Why?!" Lexus bit his lower lip in frustration. Hindi inaasahan ng binata na rejection ang makukuha nito mula sa dalaga. Napansin ni Tasha ang kamay nitong mukhang iritableng nakapatong sa mesa. Mabilis naman itong hinawakan ng dalaga upang pakalmahin. "I know you want to help Scarlet Roses pero gusto ko lang pong malaman niyong pinalaki ako ng mabuti ng aking mga magulang, hindi ko po kayang isugal ang puri ko para sa kasikatan o pera. Kung sakali mang I'll fail with my designs handa akong bumalik sa probinsya at mabuhay ng mapayapa doon." Hindi nakapag-react si Lexus sa narinig. Biglang nag-iba ang paningin niya sa babaeng nasa harapan. Hindi niya alam kung namamalikmata ba siya nang makakita ito ng mga puting bagay na nagmukhang pakpak sa likod ng dalaga. Inayos pa nito ang suot na salamin upang makasigurado. Ayaw nitong magpaloko na naman sa isang babae. "I know I saw your secret pero maasahan niyong itatago ko po itong isang mahalagang lihim. You can trust me," she showed Lexus a promise sign. Lalong nalito ang lalaki sa mga sinasabi nito. Muli na namang sumibol ang ngiti sa maninipis nitong labi. Nadagdagan pa ang kilabot sa pagkatao ni Lexus when she saw her get a spoonful of the ice cream cake. Hindi ito kasing arte ng mga babaeng nakilala niya. Hindi ito nahihiyang kumain ng makalat na pagkain sa harapan niya. Sa suot nitong simpleng damit napagtanto niyang hindi nga talaga laki sa layaw si Tasha. Ignorante ito sa cake at matatamis na pagkain. Mababaw din ang kaligayahan nito. Natigilan siya nang makita ang kalat na cream sa gilid ng labi ng dalaga. Kapwa sila napatitig sa isa't isa. Lexus draw a deep breath. Hindi nito napigilan ang kamay, kumuha siya ng tissue sa gilid upang punasan ang cream sa gilid ng labi ni Tasha. "Salamat," nahihiyang sambit ng dalaga. Pareho silang natahimik. Nakikiramdam sa reaksyon ng bawat isa. Walang may lakas ng loob na magsalita. "Why did you stay kahit I rejected your offer, Mr. Fierro?" Napaiwas lang nang tingin ang lalaki. "I just wanted to finish the ice cream cake,” madiing sabi nito. Napangiti si Tasha. Alam nitong nagustuhan ng lalaki ang pinili niyang ice cream cake lalo na't bagay 'yun sa kape at mukhang may iba pang rason kung bakit ito nanatili. Tulad ni Lexus ay alam din ni Tasha na naging sobrang judgmental ito sa lalaking kasama. Akala niya kasi pagkatapos nitong tanggihan ang offer ay babawiin na nito ang deal at galit na magwawalk-out. Ngunit hindi ito nagalit sa kaniya. Nagkwentuhan pa silang dalawa at nalaman ni Tashang ilang beses na itong nagkamali sa pagpili ng babae dahil sa paghahanap nito ng isang disente at may naninindigang babae or shall we say isang Maria Clara. Ngayon, alam na nito kung bakit may galit ang binata sa disenyong ipinakita niya. "Masyado kasing perfect ang standards mo sa babae, Mr. Fierro." Hindi niya napigilang sabihin ito sa harapan ng CEO. Natahimik ito. Nagalit yata. Suddenly, she saw him smile. Sumingkit ang mga mata nito at sumibol ang ngiti sa mga labi. "Hindi naman perfect ang hanap ko. Masyado lang akong seryoso magmahal, Ms. Natasha." "Anastasia, Mr. Fierro." Ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na itama ito dahil akala niya kabisado na nito ang kanyang pangalan. "Sorry, Anastasia." Namangha si Tasha sa kaniyang narinig. "I'm not joking, Ms. Anastasia." Napansin niyang naging seryoso ulit ang tono ng pananalita nito. Biglang umiba ang titig sa kanya ni Lexus. "Gusto mo bang patunayan ko sa'yo?" "No need Mr. Fierro. Ayoko ng commitment at ayoko din ng love. It's not my priority," mabilis ang naging sagot ni Tasha dito. That statement became a challenge to Lexus. Lihim itong napangiti nang makita ang babaeng napakagat-labi. "Alam ko kasing masyado ding mahirap hanapin ang tipo kong lalaki," dagdag pa nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD