Pilit niyang binabalot ang sarili ng mga mamahalin kagamitan ngunit sinusuka naman ito ng kaniyang pagkatao. She couldn't explain why her body developed resistance to luxurious brands.
It felt like her mind and body were adjusting to her new culture. Napakahirap palang maging myembro ng isang mayaman at kilalang pamilya lalo na't lumaki ito sa isang tahanang sanay sa simple at payak na pamumuhay.
"Okay ka lang ba, Tasha?" nagaalalang tanong ni Elizabeth sa kaniyang anak.
Napatango ito habang hawak-hawak ang kamay ng ina. Hindi man nito masabi pero ramdam niya ang matinding takot na namumuo sa kaniyang puso. Pinaghalong pasmo at pawis ang nararamdaman nito sa kaniyang kamay.
Ito ang unang beses na makikita niya ang kaniyang lola, unang beses na makakasakay ito ng eroplano, sasabak sa mahabang trapiko at makakita ng mga matataas na gusali. Gulat at sigaw ang naging reaksyon nito dahil sa kaliwa’t kanang busina na naririnig mula sa mga sasakyan. Kakaibang-kakaiba ito sa bukid na kinalakihan niya. Maingay, mausok at matao ang paligid.
Pagkatapos mamatay ng kaniyang ama ay nakatanggap ito ng liham mula sa kaniyang lola. Humihingi ito ng kapatawaran sa ginawa ng kaniyang asawa at mga kapatid nito na naging dahilan upang itakwil ng pamilya ang kanyang ama.
Nang mabasa ito ni Tasha ay walang pasubaling ibinigay nito ang liham sa kaniyang ina lalo na ng mabasa ang sinabi ng matanda sa huling bahagi nito.
Pumayag naman ang ina nitong makipagkita si Tasha sa kaniyang lola pero sa isang kundisyon, kailangan ay kasama nito ang ina sa pagpunta ng Maynila. Nakasaad kasi sa sulat na bibigyan nito ng marangal na trabaho si Tasha upang makaahon ito sa kahirapan at sabi pa nito babawi ang pamilya ng ama sa mga nakababatang kapatid nito basta makita lamang ang panganay na apo.
Sinamantala naman ito ng kaniyang ina. Alam nitong mahirap na malayo ang anak sa kaniyang piling pero hindi niya kayang ipagdamot dito ang isang maganda at masaganang buhay. Alam niyang tulad ng ama nito ay matalino ang anak at may malayong mararating sa buhay.
"Tasha? Are you okay?" Bumalik sa kaniyang katinuan si Tasha nang marinig ang boses ni Dylan.
Ngumiti lamang ito sa katabi, "Oo naman! Naalala ko lang ang inay."
Napatingin siya sa malayo, hindi nito mawari kung bakit bumalik sa isipan niya ang pinakamalaking sakripisyo ng ina bago ito namatay.
Her mother died eight years ago because of breast cancer. Habang ang mga kapatid naman ito ay may kani-kaniya ng buhay at trabaho. Eve is 23 and Lawrence is 24. Siya naman ay 26 na.
"I'm sure she's happy now. Tingnan mo oh!" pilit nitong pinatayo si Tasha. "Ang ganda at successful na ng anak niya. Matalino, mayaman, mabait, at mapagkumbaba. Lahat yata ng M wannabes na sa'yo na girl! May tatalo pa ba sa isang Anastasia Montenegro?" masayang wika ni Dylan sa kaibigan nito.
Hindi napigilan ni Tasha ang sarili at natawa sa reaksyon ng kaibigan. Hanggang ngayon ay hindi siya mapaniwalang magiging matalik silang magkaibigan ng isang Dylan Ferrer—ang pinakasikat na fashion designer sa buong bansa.
Pinagmasdan na lamang ni Tasha ang sarili sa salamin. "Sa tingin mo magugustuhan ito ng magiging investor ng kompanya natin?" Hinarap niya ang kaibigan at ang mga damit na laman ng kanilang wardrobe.
"Yes, my dear! That's the best and the most elegant piece in our Maria Clara Collection,” proud na wika ni Dylan.
Nawala ang pangamba nito sa narinig. She requested this dress from him para sa appointment niya with the CEO of De Luxe Luna. Gusto niya kasing magmukhang simple at elegante sa harapan nito, at syempre para maiwasan ang mga diamante at ibang accessories na pilit pinapasuot sa kaniya ni Dylan. Kating-kati na kasi siya sa mga ito at pakiramdam niya'y sumisikip ang paghinga sa tuwing mabigat na tela ang pinapasuot nito sa kaniya. Kaya nga pati ang bag na pinili ni Tasha ay simple lang din ang disenyo, pearl white ang kulay nito at walang masyadong beads.
"My apology, Ma'am. The CEO's on leave kaya magre-reshedule nalang po ulit tayo ng appointment with him,” malungkot na sambit ng secretary ni Mr. Fierro sa dalagang nakatayo sa kaniyang harapan.
Napa-awang ang labi ni Tasha sa narinig. Pinaghandaan niya pa naman ang araw na ito tapos mapo-postpone lang?
"When is he coming back? May tentative date ba?" masuyong tanong ng dalaga sa babaeng kaharap nito.
She draw a deep breath. Hindi ito maaring mawalan ng pag-asa. Hindi siya pwedeng sumuko ng gan’on kadali.
Umiling naman ang kausap ni Tasha. Wala itong alam sa schedule ng boss because he's an unpredictable type. Kaya nga nakaupo lang ito sa kaniyang mesa kasama ang appointment book nitong walang laman. "Pinakansel po lahat ni sir ang meetings and appointments nito hanggang biyernes."
Napasimangot ang dalaga sa narinig nito. Hindi siya papayag na mabalewala ang planong inihanda niya. Lalo pa't mahalaga sa kaniya ang deal na ito upang mapatunayan sa mga kamag-anak nilang she deserves the position of being the CEO of Scarlet Roses. Kahit pa sabihing bags and textile company ito dati, ginawa niya ang lahat to bring her grandmother's company back to life.
Kaya nga gusto niyang mapasama ito sa launching ng 2022 Collection ng De Luxe Luna. Handa itong gawin ang lahat mapasama lang ang pangalan ng Scarlet Roses dito.
She gasped.
"Can I wait for him? Baka kasi dumaan siya dito ng hindi inaasahan, please..." malambing na sambit ng dalaga habang nakangiti sa sekretarya.
Nakita niya kung paano binalot nang pangamba ang mga mata ng sekretarya ni Mr. Fierro.
Napakagat-labi na lamang ito habang iniisip na mukhang hindi naman bibisita ang kaniyang boss ngayong gabi. Kahit pa sabihing tinuturing na nitong bahay ang kanyang opisina.
"Baka hindi po kasi pumunta si sir, Ma'am. Masasayang lang po ang oras at pagod niyo,” paliwanag nito kay Tasha.
Napabuntong-hininga naman ang dalaga dahil sa pangalawang beses ay tinanggihan na naman nito ang kanyang request.
Gusto niyang magpumilit, kulang nalang ay lumuhod siya sa harapan nito.
Napatingin si Tasha sa paligid niya, nakatingin sa kaniya lahat ng tao at bakas ang pangamba sa mga mukha nito. Huminto din ang mga ito sa kani-kaniyang mga trabaho. Parang tumigil ang mundo niya.
'Maybe they're listening to my desperate measures. Gosh! I look so pathetic!' aniya sa kanyang sarili.
"Pumayag ka na please. I'll wait for him until 6:00 in the evening. Kapag hindi siya dumating, I'll leave this place together with my documents," pagsusumamo nito sa kausap.
Nilunok niya ang pride. Wala na itong pakialam sa kahihiyang nakukuha. Wala namang nagawa ang sekretarya ni Mr. Fierro kaya napilitan itong pumayag sa kaniyang hiling.
She waited patiently inside the guest room of the CEO's office. Malayo man ito sa nakalock nitong opisina, pero okay lang. Mabuti nalang at maganda ang view sa likod ng building, may snacks at coffee ding nakahanda kaya natiis ni Tasha ang gutom mula sa ilang oras na paghihintay.
Inabot na siya ng alas-cinco ng hapon, nagpaalam na rin sa kaniya ang sekretarya at ipinagbilin siya sa guwardiyang nasa baba.
She just smiled at her and strengthen her will to wait for the CEO.
Hindi nito namalayan na nakatulog na pala siya sa malawak na red velvet sofa dahil sa tagal ng kaniyang paghihintay. Laman ng panaginip nito na nakauwi siyang may ngiti sa labi dahil nagtagumpay siya at hawak na ang signed papers sa kaniyang mga kamay.
Nagising na lamang si Tasha dahil sa sobrang lamig ng paligid. Napalingon ito ng may marinig na ingay mula sa opisina ng CEO.
Hindi kaya dumating na ang taong kanina pa niya hinihintay?
She tried to check her watch at nagulat itong saktong alas-otso na pala ng gabi.
Impossible! sambit nito sa kaniyang sarili. Wala namang baliw na empleyado ang mag-o-overtime hanggang alas-otso ng gabi.
Maliban nalang kung nagro-roving na ang guwardiya at sinisigurado na nitong naka-lock ang mga opisina. May edad na pa naman ito at mukhang medyo makakalimutin na. Isinulat nalang nga nito ang sa isang pirasong papel ang reminder na may naiwang client para hindi nito makalimutan.
Baka nakalimutan na nitong nandito pa ako sa loob. Gosh!
Napatutop si Tasha sa kaniyang bibig at bumilis ang kabog ng dibdib nito. She rattled as she tried to open the door.
Hindi na ito mabuksan!
Hindi pa naman ito tulad ng typical doorknobs. Electronic na ang mga ito.
Kung minamalas nga naman!
Mas lalo pang umigting ang takot sa dibdib ni Tasha nang may marinig itong boses mula sa kabilang kwarto. Bye lang ang naintindihan niya.
Halos sumabog sa sobrang takot ang puso ni Tasha. Dali-dali itong tumakbo at kumapit sa salamin na nasa gawing kanan.
Muntik na siyang madapa nang bigla itong bumukas. Pero mas nagimbal ang sistema nito nang makakita siya ng isang imahe.
Imahe ng isang lalaking walang saplot!
"AHHH!"
Napamura ito sa kaniyang isipan.
"Gosh! Gosh! Gosh!" Tinakpan nito ng unan ang kaniyang mukha pero mahahalata pa rin ang labis na pamumula nito dahil sa kaniyang tenga. Hindi nito lubos maisip na totoo ang kaniyang nakita.
Ito ang unang beses na makakita siya ng totoong sandata at lalaking hubo't hubad. Hindi man niya nakilala ang ginoo sa likod ng imahe pero natatakot pa rin siya. Alam niyang maaring isa itong malapit na kamag-anak ng CEO o baka naman pinagkakatiwalaang kaibigan nito. Pilit niyang pinapaniwala ang sarili na impossibleng ang CEO ang kaniyang nakita. Napakayaman nito at alam niyang pormal itong lalaki.
When he first saw his picture, hindi siya nagduda kung bakit napaka-successful nito. Mukha naman kasi itong hardworking at halatang mataas ang maaabot nito sa buhay. He admired the handsome CEO dahil sa napakabatang arua nito, mukha pa itong mabait dahil sa suot nitong eyeglasses.
"Natuwa ka ba sa nakita mo?" Taas-kilay na tanong ng kaibigang si Dylan. Pilit nitong inilalabas ang pagiging millennial ni Tasha.
Umiling naman ang dalaga. Mas nagsumiksik ito sa gilid ng kinauupuan.
"Kumaripas kaya ako nang takbo! Para akong nakakita ng multo. Jusko! Ayoko nang maulit 'yun!" she exclaimed.
"Ang sabihin mo nakakita ka ng heaven," humagalpak sa tawa ang kaibigan.
Natigilan lamang si Dylan nang tinamaan ito ng unan na hinagis ni Tasha.
Akala niya matatahimik na ito pero nabigla siya ng may ginuhit ito sa kapirasong papel at biglang ipinakita sa kaniyang harapan. "Ganito ba siya ka-sexy, Besh?" pilyong tanong nito sa dalaga.
"Ganito ba ang nakita mo?" ani ni Dylan sabay turo sa kalagitnaang parte ng drawing nito.
Arrrgh!
Napasabunot si Tasha sa kaniyang sarili.
“Kung hindi lang talaga nakasalalay ang pangarap ko sa deal na 'yon. Hinding hindi na ako babalik uli sa De Luxe Luna. As in!” aniya sa kaibigan.
Hanggang sa natahimik na ang paligid at nagumpisa na sila sa trabaho, maliban sa deal ay marami pang pinaghahandaang ramp and collection ang brand nito. Isa na rito ang damit na isusuot ng isang sikat na international model— ang kapatid ni Lexus Fierro na si Sasha Feliz Fierro.
Minsan niya na itong nakilala sa isang ramp for a cause ceremony at doon ay nakagaanan niya ito ng loob. Ginanap ito sa Shiza Hotel na tinaguriang pinakamahal at pinakasikat na five star hotel sa Pilipinas.
The hotel owner made the venue free for Ms. Fierro, yan ang sabi ng mga staff. Siya din ang nagbigay ng referral sa brand na pagmamay-ari ni Tasha upang makapasok sa listahan ng iba pang international brands under De Luxe Luna.
"Please check our next schedule with Mr. Fierro. We need to fast track the deal. Mahirap na baka makuha pa ng iba." Nabigla ang kaibigan sa inasal ni Tasha.
Pero nang makita nitong may naiwang bukas na email si Tasha mula sa kanyang pinsan ay naintindihan agad ni Dylan ang dahilan.
He took a deep breath.
"Hanggang kailan mo ba dapat patunayan ang iyong sarili sa pamilya mo? Tanggapin mo na kasi na kahit anong ganda ng isang bagay, hahanapan at hahanapan pa rin nila ng diperensya. Tumigil ka na kung pagod ka na Tasha," malungkot na pangaral ng kaibigan nito.
Ngumiti lamang si Tasha kay Dylan. Her eyes was filled with too much motivation.
"Hindi pa ako pagod, Besh. Ginusto ko 'tong gawin para matauhan sila sa ginawa nila sa’min. I want to show them kung sino ang totoong talunan," wika nito bago muling napabuntong-hininga.
Hindi mawala sa isipan ni Tasha ang liham na nabasa nito mula sa kaniyang pinsan. Kinumusta siya nito at ang low-class niyang patahian.
Alam ni Dylan na 'yon ang ikinagalit ng kaibigan. Ayaw nitong tinatawag na low-class ang pinaghirapan dahil para sa kaniya ito ang pinakamagandang pamana na natanggap niya mula sa yumaong lola. Dahil dito nagkaroon siya ng lakas ng loob na tumayo gamit ang sariling mga paa. Kung wala ang low-class company na ito, hindi maabot ni Tasha ang status na mayron siya ngayon.
"I'm done with the naked man. I need to do this. Ayts!" Lakas-loob na wika ng dalaga. Sinubukan nitong muling pasiglahin ang sarili habang hawak-hawak muli nito ang mga papel na balak niyang ipakita noon sa CEO.
Hindi nito alam kung sadyang malakas lang ba ang hangin dala ng paparating na bagyo o dahil ito sa pressure na dala ng paligid. Ayaw niyang maalala ang mga sigaw na ginawa para lamang mabuksan ng taong nasa kaniyang harapan ang silid. Naiinis din siya sa tuwing naaalala kung gaano kabilis ang takbo niya upang makalabas ng building.
Patay malisya itong dumaan sa guwardiyang saksi sa kabaliwan niya noong nakaraang gabi.
Tahimik lang itong yumuko habang naglalakad. Magbubukas na sana ang elevator na nasa kaniyang harapan nang may tumayong lalaki sa kaniyang tabi.
Napatingin siya dito mula paa, hita, dibdib, biceps at balikat. Kahugis na kahugis nito ang lalaking nakita niya sa office ng CEO. Napalunok ito nang dumako ang mga mata niya sa iba pang parte ng katawan nito. Kasalukuyang nag-aayos ang lalaki ng kaniyang polo and maingat na sinisuot ang eyeglasses.
Biglang tumigil ang mundo ni Tasha sa kaniyang nakita.
Hindi siya maaring magkamali.
She's standing with the CEO of De Luxe Luna.
It's no other than the great, Lexus Fierro.
She formally greeted him but heard nothing in return. Brusko pala ang isang to! Medyo mayabang din! Hindi nito mapigilan ang masamang impresyong namumuo sa kaniyang isipan. Tahimik lang ang lahat nang makapasok na ang mga ito sa loob ng elevator. Kasabay nila ang ibang mga empleyado na wala ring imik.
Pakiramdam niya ay mas lalong sumisikip ang damit na suot nito dahil sa pressure na dala ng kaniyang katabi. Konting tulak nalang ay magdidikit na ang kanilang mga balat ni Mr. Fierro.
"Napaka-down to Earth niya talaga. Sa elevator pa ito sumakay." Narinig niyang bulong ng isang babaeng nasa likuran.
Napabulong din tuloy siya sa kaniyang sarili. "Down to earth daw! Hindi nga marunong magsabi ng good morning." Lihim niyang inirapan ang katabi.
Napaubo naman ito bigla, medyo tumabingi pa ang eyeglasses na suot kaya saglit itong inayos. Napaiwas bigla si Tasha nang makita niya itong nakatingin sa kaniya.
Ipinagwalang bahala niya ito hanggang napansin na lamang ng dalaga na silang dalawa nalang ang naiwan sa elevator. Hindi niya naisip na sa bawat tigil ng elevator ay umaalis ang mga kasama nito hanggang silang dalawa nalang ang natira papunta sa CEO's office which is located in the 15th floor.
"Miss Natasha, right?"
Natigilan ang dalaga nang marinig ang baritono at malamig na boses mula sa lalaking katabi.
Napalunok si Tasha dahil napagtanto nitong hindi panaginip ang lahat, totoong kinakausap siya ng isang Lexus Fierro.
Sumagot siya ng "oo" dito kahit gusto niyang sabihing Anastasia ang tamang pronunciation ng pangalan niya. Hindi nito mawari kung saan huhugot ng hangin dahil may halong kaba at bigla nalang naging garalgal ang boses niya.
Kinilabutan siya nang makitang napangiti ang katabi. Napasinghap ang dalaga nang bigla nitong hinapit ang kanyang bewang.
"I heard you stayed in my guest room last night," makahulugang sambit nito.
"You saw me naked right?"