Chapter 4 : Bunch of Devils

1391 Words
[Anastasia's POV] "Gosh! This is the worst day ever!" Gusto kong sabunutan ang sarili ko habang mabilis na naglalakad papunta ng elevator. Nakakahiya mang sabihin pero mukhang late na ako sa unang araw ko sa De Luxe Luna. Napakarami ng tao sa lobby kanina at kaliwa't kanan naman ang lumalapit sa front desk. Para akong sinabunutan ng pitong pato sa sobrang gulo ng buhok ko. This day really sucks! Hindi ko din tuloy nagawang makapaglagay ng make-up dahil sa sobrang pagmamadali. Hayaan na. Ang mahalaga ay makahabol pa rin ako, I don't want Mr. Fierro to be disappointed with me. I don't want to lose this life sucking investment. Kahit pa ang message niya naman ang dahilan kung bakit ako nahuli ng ganito. 'Please wear your best collection. You're the proprietor, better look good.' Tapos na akong nakapagbihis nang matanggap ko ang mensahe mula sa kaniya. Napilitan tuloy akong maghanap sa line up ng Maria Clara at magbihis. Ako pa naman iyong tipo ng taong may time frame. Kaya kapag naulit or na-postpone ang isang activity, nagkakagulo na ang lahat ng plano ko. Nagiging kulang ang oras, mga galaw ko at kadalasan nauunahan na ako ng kaba. So, I always ended up in a messy way. Sakto namang bumukas ang elevator pagdating ko. May naunang pumasok na isang lalaki sa'kin, he's wearing some dark sunglasses while holding a newspaper. I draw a deep breath when I pressed the 15th floor button. Bahagya pa akong napangiti sa aking sarili. "15th floor. Here I come!" Medyo nabawasan ng konti ang tensyon kaya napasandal na lamang ako sa sulok. Ganon din ang lalaking kasama ko. Napasandal din ito sa kabilang sulok habang natatakpan pa rin ng newspaper ang mukha nito. Minsan nahuhuli kong sumisilip siya sa gilid ng newspaper nito. Ako ba ang tinitingnan niya o nagiging paranoid lang ako dahil sa pagiging late? He's kinda weird. Hindi ko na ito pinansin kahit medyo pamilyar sa’kin ang height and body frame niya. Ang mahalaga makahabol ako sa unang araw ko dito. "You look good without make up, Miss Anastasia..." bumilis ang kabog ng dibdib ko nang marinig ang baritono nitong boses. Shocks! That's a familiar voice, alam ko si Mr. Fierro ang nasa tabi ko. "But you're still late. First day late ka kaagad." Madiin nitong sambit. Hindi ko maintindihan ang ekpresyon ng labi nito kaya naman kinabahan ako ng sobra. Pakiramdam ko tuloy bigla nalang akong lumiit kaya mas napasiksik ako sa gilid. "Sorry, Mr. Fierro.” Malungkot kong sagot. Inalis nito ang suot na sunglasses saka bumuntong-hininga. He stared at me intently and headed straight to my direction. Mas lalo tuloy kumapal ang kilay nito ngayong nakatingin siya sa'kin. Sunod sunod na paglunok ng laway ang nagawa ko habang unti-unti itong lumalapit sa kinatatayuan ko. Hindi ako makaatras dahil nasa sulok na ako. Gusto kong pumikit dahil sa sobrang takot. Ang inakala kong pressure na nawala ay napalitan ngayon ng triple. "Sorry for being late or sorry dahil pinaghintay mo ako?" inis nitong sabi. Pinaghintay ko ba siya? That's not true. Hindi ko naman sinabing maghintay siya sa'kin. "You're late because of this, right?" Napahawak ito sa white dress na suot ko. It's fabricated with an 18k gold ribbon string. Habang white furred boots naman sa pambaba ko. Humugot ako ng malalim na hininga nang makitang hindi nito inaalis ang mga tingin sa'kin. Bakit niya ba ako hinintay? At bakit ganito kabigat ang pressure dahil lang sa naghintay siya? I'm about to ask him pero pinigilan niya ako. "Stop thinking too much. Naghihintay na ang makakasama ng Scarlet Roses sa catwalk." Muling bumalik sa isipan ko ang meeting namin ngayong araw. Sakto namang bumukas ang elevator at sabay kaming lumabas. I maintained the distance between us. Ayokong makisabay sa paglalakad niya dahil sa mga matang nakatingin sa’min. Siguro kung yelo ako, kanina pa ako natunaw dahil sa atensyon na nakukuha ko ngayon. Lalayo pa sana ako ng konti pero hinapit ako ni Lexus palapit sa kaniya. Umawang ang labi ko at tahimik na naglakad dahil sa munting haplos na binitawan nito sa bewang ko. "You're not wearing any make-up but you became the apple of their eyes. Sabi sa'yo, you look pretty." Nakatingin ito sa mga mata ko habang sinasabi ang mga salitang iyon. He moistened his lips. Napalunok naman ako. Hindi ko mabilang kung ilang beses na akong napalunok dahil sa mga titig niya. Napakasenswal kasi nito at talaga namang nakakakaba. "Ayaw mo kasing pumayag sa deal ko. Kaya dadahan-dahanin kita." Mahina ang pagkakasabi niya pero sapat lang para marinig ko. Sakto lang...to stun my nerves. Sakto lang...to leave me freezing. Ano bang pinagsasabi niya? I heard the door open. Bumungad sa'min ang isang mahabang conference table, nakaupo dito ang mga kilalang fashion designers, business owners at sadya namang maraming mga papel na nakalatag sa mesa. They're staring at us like celebrities. "Let's go inside?" Nakalatag ang kamay na paanyaya sa’kin ni Lexus. "Don't worry, you're safe with me." Aniya saka ngumiti. Wala akong nagawa kun'di tanggapin ang kamay nito. Kaliwa't kanang greetings ang natanggap namin mula sa lahat. I saw him smiled at them na ikinatuwa naman ng mga ito. Tahimik naman akong naupo sa left side niya while he's sitting on the center. Kung may mas malayo lang sanang upuan, doon na ako mauupo kaso occupied na lahat. "Sorry to keep you waiting. Hinintay ko din kasi si Miss Anastasia, she's the new member of the Board of Directors." Mainit na pagtanggap ang ibinigay nila sa’kin. Beso dito at beso doon. Daig ko pa ang may birthday dito. Ginantihan ko naman din sila ng ngiti at pasasalamat. Saka ako muling natahimik sa kinauupuan ko. "So, let's start?" Ibinaling ko ang aking paningin kay Lexus, he asked his secretary to read the minutes of the previous meeting. Sinundan ko naman kung saang page ang binabasa nito. Pagkatapos nito ay muling nagsalita si Lexus. "All of your designs were sexually explicit pero may kulang pa rin. It should be bolder and darker," sabi nito sa nakakatakot na boses. Sa bawat pahina na dinadaanan ko iba't ibang party and liberated theme dress ang nakikita ko. More ruffles, all sexy and revealing designs. Inaamin ko sa sarili kong magaganda itong lahat at halatang papatok sa mga millennials pero mukhang totoong mataas ang standards ni Lexus. Sa gitnang bahagi naman ay mga long sultry gown. Everything looks classy and elegant in my eyes. Nakaka-impress din ang mga detalye ng tabas at talagang mailalabas nito ang hubog ng katawan ng sino mang magsusuot. Madalas kong nakikita ang mga ganitong design sa mga awarding ceremonies abroad. And they're commonly designed for Hollywood celebrities. Sexy at bold ang mga design tulad ng gusto ni Lexus. Malayong malayo ito sa tema ng collection ko. "Turn your sheet to page 45." Napakagat-labi ako nang makita ang designs ko. I submitted this to him when we first talk. Hindi ako maaring magkamali na ito nga ang Maria Clara. "This collection will be our centerpiece. This will be the angelic part of our ramp. Out of all the darkness and boldness, doon natin ipapasok ang designs na ito." Napalingon ako nang may biglang nagsalita. He raised his hand to speak with Lexus. Inihanda ko naman ang sarili ko. Kilala ko ang lalaking 'yon, minsan nang na-feature ang designs nito sa Paris. At talaga namang hindi ko inaasahang makikita ko siya dito. "Will it not ruin the expose? Ang theme natin ay bold and wild,” he stated. May ilan din namang sumang-ayon na sinabi nito. Nakita kong nagbulungan ang lahat, ang iba naman ay napatingin sa’kin habang umiiling. Inis ang mga titig mula sa iba habang disappointed naman ang karamihan. Napatayo naman si Lexus. He stared at me. Nangangalit ang bagang nito na parang torong handang sumuwag ng tao. Umikot ang paningin nito sa lahat at bumuga ng marahas na hangin. "ALL OF YOU STAND UP!" galit na sigaw ni Lexus. Nabigla man pero nagsitayuan kaming lahat. Natigilan ang usap-usapan at napalitan ito ng mahabang katahimikan. Kitang-kita ang attitude ng mga damit ng lahat, most of them we're wearing black, red and brown. They're all in dark colors, except me. I saw Mr. Fierro smirked. Tumingin ito sa’kin at biglang ngumiti. Lahat tuloy sila ay napabaling nang tingin sa’kin. "Is it awesome to see an angel in a bunch of devils?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD