JAKE HERRERA "Ano kayang problema ni Herrera kanina? Ayos naman kami at masayang nakikipag-asaran, pero sa itsura niya ngayon, para bang natalo sa sabong." Narinig kong tanong ni Camacho sa kausap na kasamahan namin. "Hayaan mo na. Bakit mo pa pinapansin ang isang 'yan? Kanina pa siya may topak at nakasimangot. Akala siguro niya ay pogi siya," pabirong sagot ni Alejandro na tinapik sa balikat si Camacho. Daig pa ng mga kasamahan ko ang nasa umpukan ng mga tsismosa dito sa barangay kung mag-tsismisan. Naririnig ko silang nag-uusap at pinag-uusapan ako, pero dahil sanay na ako sa ugali ng mga kasamahan ko sa trabaho, wala na akong pakialam. "Mukhang bad mood kasi, bok. Baka nag-away na naman sila ni Kiara. Alam n'yo naman kung ano ang ugali ng babaeng iyon," dagdag pa ni Private Alejand