BIANCA Nang makaalis si Jake, pumasok na ako sa loob ng bahay. Wala pang sampung minuto nang may tumawag sa akin. Alam kong hindi si Sheng ang tumatawag base na rin sa ringtone. Tama nga ang hinala ko, dahil ibang numero ang nakita kong nag-register na caller sa screen ng cellphone ko. Hindi ko kilala kung sino dahil hindi naman naka-save sa phonebook ko. "Hello," sabi ko nang sagutin ang tawag. "Hi, Bianca." Narinig kong sabi ng isang lalaki mula sa kabilang linya. Malakas na kumalabog ang dibdib ko. Palagi na lang ganito, basta malapit siya o kaya marinig ko lang ang kanyang tinig. Natakot ako sa bagay na na-realize ko. Mukhang nagsisimula na akong magkagusto sa lalaking tumawag sa akin. "Hello, Bianca? Andyan ka pa ba?" tanong ulit ni Jake dahil hindi agad ako nakasagot. "Yeah.