BIANCA Mabilis na lumipas ang isang buwan at naging maayos ang naging takbo ng relasyon naming dalawa ni Jake. Mas lalong naging sweet sa akin ang boyfriend ko. Patuloy ang tawag niya sa gabi, lalo na kapag naka-duty siya, at ako naman ay matiyagang kinakausap siya. Usual routine na namin ang ganitong set-up. Mahabang oras na tawagan sa gabi at umabot pa ng madaling araw. Halos maghapon rin kaming magka-text sa araw at bisita ko siya dito sa bahay sa hapon. Sa ganito umiikot ang mundo ko sa ngayon. Aaminin ko, masaya ako. Pakiramdam ko ay lahat ng bagay sa paligid ko ay maganda. Sa maikling panahong lumipas, marami na ang nagbago. Si Jake na lang ang naging sentro ng atensyon ko. Hindi na rin gaya ng dati na malimit pumunta dito sa bahay ang mga kasamahan niya sa trabaho. Sa totoo lan