BIANCA Apat at kalahating oras ang mabilis na lumipas nang umalis ang grupo ni Jake nang may tumawag sa akin. Si Jake lang pala. Galing na siya dito sa bahay kanina. Ano na naman kaya ang kailangan ng lalaking ito at tinatawagan na naman ako? Malakas ang kabog ng dibdib nang sinagot ko ang tawag nito. "Hello, Jake, bakit ka tumawag?" bungad na tanong ko. "Bakit, hindi na ba ako pwedeng tumawag sa 'yo at kausapin ka? Bawal na ba?" walang paligoy-ligoy na tanong ni Jake sa akin. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya, dahil base naman sa tinig ni Jake sa kabilang linya ay seryoso siya. "Bakit tinatanong mo 'yan? Teka nga, bakit ba gan'yan ang tanong mo, ha, Jake? Mukhang may pinagdadaanan ka at may hugot ka ngayon," pabiro at mapang-asar na sabi ko. Gusto ko kasing gumaan ang atm