BIANCA Monday na naman, heto at naghihintay ako sa reply ni Sheng sa text message ko. Nasa Maynila siya ngayon at ang huling sabi niya nang makausap ko ay nasa agency na siya at naghihintay na lang ng mag-i-interview sa kanya. Ang babaeng iyon, isang buwan pa lang kaming nakakauwi dito sa Pilipinas ay gusto na naman niyang umalis ng bansa, samantalang noong nasa abroad pa lang kami, daig pa niya ang hindi mapakaling pusa sa sulok at gusto ng umuwi. Alas-singko ng hapon, muling tumawag sa akin ang kaibigan ko. Selected daw siya at inaasahang mag-medical agad bukas. "Bessy, huwag ka na munang tumuloy dito sa Maynila. Hindi ako sure kung kaya ng schedule ko na magkita tayo," agad na sabi ng kaibigan ko nang sagutin ko ang tawag niya. "Bakit naman, Bessy? Busy ka ba?" nagtatakang tanong