BIANCA Late na nang matapos kami ni Mavie sa shift namin ngayong araw. Nagkaroon kasi ng event at kailangan naming mag-extend ng working hours dahil sa ginanap na birthday celebration ng isang high-ranking immigration officer dito sa hotel. Past midnight na at nakatayo pa rin kaming dalawa ni Mavie habang naghihintay ng taxi. Pagod at inaantok na ako, tapos nakukulili pa ang tenga ko dahil ang kasama kong bruha ay panay ang reklamo. "Bakla, grabe, ang sakit ng legs ko. Alam mo namang ito ang ayaw ko. Nakakainis naman kasi at kailangan pa nating mag-overtime," nakangiwing reklamo ni Mavie. "May datung nga tayo, pero nakakabawas naman ng ganda ang nangyari sa atin. Look at me kung gaano ka-stress. Sure na kapag lagi tayong ganito, maaga tayong magkaka-wrinkles, plus varicose veins, and t