BIANCA Makalipas ang apat na taon, heto ako, namumuhay na mag-isa. Naka-move on na rin naman ako sa nangyaring heartbreak noon, pero para itong multong kinatatakutan at iniwasan ko ngayon. Dahil sa pinagdaanan ko ay naging mas matatag ako. Hindi na ako basta na lang nagtitiwala sa kahit na sino dahil nahihirapan na akong muling magtiwala, lalo na sa ibang lalaki. Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang mga panahong lugmok ako at tanging ang suporta ng pamilya ko ang siyang nagpapalakas sa loob ko. Ang mga payo at gabay ng mga magulang ko ang naging sandalan ko habang mahina ako. Nagalit ang mga magulang ko, lalo na si Papa, na labis na nagtiwala kay Jake at itinuturing siyang sariling anak. Matapos ang masakit na mga pangyayaring iyon, pinutol ko ang kahit anong komunikasyon sa kaniya. I