JAKE HERRERA
As usual, duty ulit kami ngayon ni Private Perez. Kaming dalawa ang naatasan na mag-ronda at panggabing bantay. It's past midnight, at mukhang sa tingin ko ay malapit nang mag-ala-una ng madaling araw.
Tahimik ang paligid, at tanging huni ng ibon ang naririnig ko. Sinulyapan ko ang ka-buddy ko, pero parang wala ito sa sarili, na nakaupo at naninigarilyo habang hawak ang asawang M16 na baril.
Yeah, you heard it right, hawak lagi ang baril. Iyan ang kinokonsider naming asawa habang buhay, dahil kahit saan kami magpunta ay dapat lagi naming kasama.
Hindi p'wedeng mawala o kaya ay makalimutan kahit saan ang baril na isyu sa amin, dahil malamang sa alamang, eh, mahaba at maraming paperwork na paliwanag ang kailangan naming isulat, at worst scenario pa ay matanggal sa serbisyo dahil sa kapabayaan.
"Bok, may motor na paparating," napatayong sabi ni Perez sa akin.
"Saan kaya ang punta n'yan at madaling araw na umakyat dito sa bundok?" nagtatakang tanong ko.
"Hintayin natin, bok. Basta alerto na lang tayo," sagot ng kasama ko.
"Gisingin ko kaya ang tropa?" tanong pa nito.
"Huwag na, bok, tingnan muna natin ang sitwasyon," sagot ko.
Hindi nagtagal, narinig naming tumigil ang dumating na motor sa ibaba ng plaza.
"Bok, mukhang tumigil sa bahay ni Mang Daniel," sabi ng ka-buddy ko na si Perez.
"Ano kaya ang nangyari at madaling araw na ay gising pa sila? Baka may emergency sa kanila. Ano sa palagay mo, bok?" tanong pa ulit ng buddy ko sa akin.
Medyo suspicious kasi talaga ang biglang pagdating ng motor dito sa bundok dahil bihirang mangyari ito, lalo na kapag ganitong madaling araw at tulog na ang mga tao.
"Hindi ko alam, bok. Malalaman natin 'yan bukas 'pag nag-report tayo kay sir," balewalang sagot ko.
Nagkibit-balikat na lang ito at bumalik sa dating pwesto. Ilang saglit pa ay narinig namin na umalis rin agad ang sasakyang dumating, kaya sabay na tiningnan namin ni James ang relo para sa aktwal na report na sasabihin namin sa opisyal namin, tungkol sa napansin naming galaw ng mga tao dito sa barangay.
Nagtataka man kung sino ang sinundo o kaya ay ihinatid sa bahay ng isa sa mga respetadong tao na nakatira dito sa barangay, hinayaan ko muna at hindi na nagtanong pa.
Malinis at maayos naman kasi ang record ng pamilya Altamerano. Wala silang kahit anong link sa makabilang grupo ayon na rin sa report at detalye ng profile nito.
Tahimik na nagmamasid at ipinagpatuloy ang pagbabantay namin ni Perez sa paligid ng kampo. Sa ganitong pagkakataon, wala akong ibang magawa kundi ang igala ang mga mata ko sa madilim na lugar na naabot ng paningin ko.
Nasa mataas na bahagi ng bundok ang lugar na kinaroroonan namin ngayon, at malinaw na nakikita ko mula dito sa kampo, kapag maliwanag na ang sikat ng araw ang buong barangay.
Hindi typical na detachment ang lugar na tinutuluyan namin ngayon. Wala kaming mga maliit na kubo sa paligid na madalas makita sa karaniwang kampo ng mga sundalong gaya ko, dahil pansamantala lamang kaming nakabase dito, ayon na rin sa utos sa amin ng pinakamataas na opisyal sa headquarters.
Sa halip na kubo, nasa isang maliit na barangay day care center kami na pansamantala naming ginawang tuluyan at opisina ng opisyal na kasama namin.
Dalawang buwan na ang nakaraan simula nang na-assign kami dito sa barangay, dahil na rin sa ilalim na ito ng red zone.
Mataas ang kaso ng recruitment ng New People's Army dito, kaya maraming mga kabataan ang pumasok sa grupo ng mga rebelde at patuloy itong nanghihikayat upang maging miyembro.
Hindi ko tuloy maiwasang magalit sa mga taong sangkot dito, dahil sinasayang ng mga rebelde na ito ang kinabukasan ng maraming kabataan. Patuloy nilang sinisira ang lipunan.
Napakuyom ako ng kamao nang mag-ring ang cellphone na nasa bulsa ko. I know it's her again, my girlfriend, Kiara, na malimit tumawag kahit anong oras at nasaan ako.
Napaka-demanding ng babaeng ito at napaka-selosa rin, kaya lagi na lang akong napapraning. Nailing na lang ako at hindi na sinagot ang tawag, dahil naririndi na rin ako sa maya't mayang tawag ni Kiara.
Ang mga babae talaga, laging tamang hinala. Porke ba sundalo ay babaero agad ang nasa isip nila kahit hindi naman totoo.
Alas-sais pa lang, pero lahat sila ay nasa maliit na kusina at naghahanda para sa almusal, habang ang iba ay hawak ang baso ng kape.
"Sarap mag-kape ng ganito kaaga," komento ni Private Camacho.
Simpleng almusal lang ang pinagsaluhan namin, pero satisfied na kami. Matapos magligpit, pinatawag kami ni Perez sa opisina ng opisyal namin.
"Report," maikling saad ng aming team leader na si 2nd Lieutenant Macky Macatangay.
"Sir, around one o'clock in the morning, we heard a vehicle approaching our area of responsibility. It entered the red zone at 01:15 hours and left the premises at 01:22," magalang na paliwanag ko.
"Na-identify ba ninyo which house and people they engaged?" tanong ng opisyal na kaharap ko.
"Yes, sir," sagot agad ni Private Perez. "Sa bahay po ni Mang Daniel Altamerano."
"On what purpose?" tanong pa ng opisyal ko.
"We don't know yet, sir, because we just heard the tricycle entering the red zone and stopping in front of their house, then hurriedly leaving the premises," seryosong paliwanag ko.
"And no one bothers to check and see what's going on?" sumunod na tanong ulit ng opisyal namin kay Perez.
Pareho kaming hindi sumagot ng ka-buddy ko, hanggang sa ipinatawag ng opisyal na kaharap namin ang aming 2nd commanding officer na si Master Sergeant Joven.
"Reporting for duty, sir," naka-salute na sabi ni Master Sergeant Joven.
"Carry on," utos ng opisyal namin.
"Pumunta kayo sa bahay ni Mr. Daniel Altamerano. I-check ninyo kung ano ang kaganapan kagabi at i-report niyo sa akin agad," utos nito.
Agad na sumunod kami sa utos ng nakatataas sa amin. Nakarating kami sa bahay ng aming pakay, kalahating oras bago mag-alas-otso ng umaga.
"Tao po! Tao po!" malakas na sigaw ni Private Alejandro.
"Kumatok ka kaya, bok," sabi ko.
"Huwag na, bok, may lalabas diyan. Siguradong may tao sa loob," confident na sagot ng kasama ko.
Tama siya, dahil narinig ko ang kalansing na nanggaling sa kusina, katunayan na may tao nga sa loob ng bahay. Hindi rin nagtagal ay bumukas ang kawayang pintuan at bumungad ang anak ng taong pakay namin.
"Ano po ang kailangan ninyo, sir?" tanong agad nito.
Sa pagkakatanda ko, anak siya ng taong pakay namin. Bihira ko lang siyang makita at mukhang hindi mahilig lumabas ng bahay at magpagala-gala gaya ng ibang kabataan dito sa barangay na palaging tumatambay sa plaza.
Si Sir Joven na ang nagtanong kung nasaan ang mga magulang ng dalagitang kaharap namin. Tinawag rin nito ang ina, kaya hindi nagtagal ay lumabas rin ang asawa ni Mister Altamerano at hinarap kami.
"Good morning, mga sir. Ano po ang maipaglilingkod ko?" magalang na tanong ng asawa ng taong pakay namin.
Pinagbuksan niya kami ng pintuan at pinapasok sa bahay. Mabilis kaming umupo, ngunit naiwan sa labas si Ricky para magbantay habang naninigarilyo.
Umalis ang ginang para maghanda umano ng kape para sa amin. Hinanap ni Sir Joven si Mr. Altamerano, ngunit wala ito at nasa labas umano, kaya naghintay kami habang tinatawag siya ng isa sa kambal na anak.
Ilang minuto rin ang lumipas nang dumating ang taong pakay namin at inabutan kaming nasa sala ng kanilang bahay.
"Good morning, mga sir. Ano po ang sadya ninyo sa amin?" Magiliw na bati ni Mr. Altamerano sa grupo namin.
Sinabi ng kasama naming opisyal ang pakay namin habang tahimik akong nakikinig sa kanyang tabi. Nagpaliwanag naman si Mr. Altamerano na umuwi ang kanyang anak na galing sa abroad kaya sinundo nila sa highway kagabi.
Ang seryosong usapan ay nauwi sa tawanan at asaran nang bumanat ng kalokohan ang kasama ko at tinawag na tatay ni Private Alejandro si Mr. Altamerano, na sinakyan naman nito at sinabing ayos lang daw, basta magkasundo sila ng anak nito.
Hindi ko mapigilan ang mapa-iling. Kahit kailan talaga, pagdating sa babae, ang usapan ay mabilis si Private Alejandro.
Nagkukulitan ang tropa at masaya ang usapan nang lumabas sa sala galing sa kusina ang isang magandang dalaga. Lahat kami ay ipinakilala sa kanya at nalaman kong Bianca ang pangalan niya at anak siya ni Mr. Altamerano na kakauwi lang.
Napaka-aliwalas ng aura niya na hindi ko mapigilan ang sarili kong huwag titigan ang magandang mukha habang nakikipag-kamay at bahagyang pisilin ang kanang palad bago ko ito bitawan.
Nahihiyang hinatak ni Bianca ang kamay mula sa pagkakahawak ko nang marinig nito ang tikhim mula sa paligid namin. Maging ako ay nagtataka sa naging reaksyon ko. Hindi ako madaling ma-attract sa isang babae, ngunit sa pagkakataong ito ay nakuha niya ang atensyon ko.
Habang nakaupo si Bianca katabi ng ina, napapa-sulyap ako at napapa-titig sa direksyon niya. Simpleng babae lang ito at walang kahit anong burloloy sa katawan, maliban sa relong nasa kaliwang braso. Maputi at mamula-mula ang kutis, singkit ang mga mata, at may katangusan ang maliit na ilong. Hindi siya nakakasawang pagmasdan, kaya napangiti ako ng lihim sa sarili.
"Paano 'tay, aalis na po kami," biro ulit ni Private Alejandro, habang tahimik naman ako at ang mga kasama namin.
"Babalik na lang kami minsan at mag-roronda kami dito sa area ninyo ng mas madalas," wika ni Sir Joven.
"Sige po, mga sir. Welcome po kayo dito at p'wede kayong pumunta anytime," sagot ni Mr. Altamerano.
Pauwi na kami ng biglang kinalabit ako at may ibinulong sa akin ang buddy ko na si Private Perez.
"Bok, maganda 'yang bagong chicks dito sa barangay. Siguradong ma-e-enjoy natin ang pag-stay natin dito," pilyong sabi nito sabay kindat sa akin.
"Bakit, type mo ba, bok?" naka-ngising tanong ko.
"Oo, bok. Maghahanap muna ako ng tiempo para malapitan ko. Mukhang mahihirapan ako at hindi man lang tumingin sa akin. Napakatipid pa magsalita. Nakita mo naman, iniwan tayo kanina," napapa-iling na sagot ni James.
"Cool ka lang, bok. Malay mo naman, sa una lang gan'yan," payo ko sa kasama ko.
"Sana nga," sagot nito na nauna nang naglakad.
Agad na nag-report si Sir Joven sa opisyal namin, kaya naiwan kaming lahat sa labas.
Palibhasa'y duty ako kagabi, pinili ko ang matulog matapos maligo. Nakatulog ako habang laman ng isipan ko ang babaeng nakaharap ko kanina.
Sa tingin ko, may p'wede na akong ipalit kay Kiara.