Akala ko'y smooth sailing ang magiging buhay naming mag-asawa dahil wala namang tutol sa side ng pamilya ko. Hindi ko akalaing may tututol pa rin pero sa side ng unang asawa ni Benj. Mahirap din talaga kapag may kasamang usapang pera at mana. Narito kami ngayon ni Wilma sa guest room. Doon kami natulog pareho para makapag-usap, pero tinulugan din ako agad ng bruha. Napagod siguro sa pagmamaneho at sa nangyari sa restaurant kanina. Hindi ako dinadalaw ng antok. Nakakabagabag pala kapag may taong ayaw na makikitang masaya ka dahil may inggit sa puso. Wala naman sa akin kung ibigay ni Benj ang hacienda sa mga kamag-anak ni Leya. Pwede naman kaming bumili ng ibang hacienda, kahit mas malaki pa rito. Ayoko lang isipin ng ibang tao na mukha