CHAPTER 6: UNKNOWN VISITOR

3007 Words
Nakatulog rin ako agad dahil sa pagod at pag-iisip kay Benj. Hindi ko na inintindi ang kakaibang nararamdaman ko sa villa, pero kahit pagod ay naalimpungatan ako dahil maalinsangan ang panahon. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Pawisan ako nang magising. Pakiramdam ko ay nag-jogging ako maghapon. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Nilinga ko ang paligid. May lamig naman ang aircon pero maalinsangan pa rin ang pakiramdam ko. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Bumangon ako saka nagtungo sa banyo para makapag-shower. Hindi ako makakatulog nito dahil nanlalagkit ang pakiramdam ko. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Nakatulong ang malamig na tubig ng shower para maginhawahan ako. Nagbabad ako ng ilang minuto at ninamnam ang tubig sa katawan ko. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Bakit kaya biglang umalinsangan?" ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Kinuha ko ang tuwalyang nakasabit sa hook na nasa pader saka ako nagpunas ng katawan at buhok. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Hindi ko na gagamitan ng dryer at baka makabulahaw ako ng mga natutulog na kasambahay namin." ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Nagtyaga na lang ako sa pagpapatuyo ng buhok ko gamit ang tuwalya. Pinagmasdan ko ang hubad na katawan ko sa salamin habang nagpapatuyo. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Kailangang ingatan ko ang sarili ko para hindi ako ipagpalit ng asawa ko." ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Tinungo ko ang walk-in closet na karugtong ng banyo. Namili ako ng komportableng pantulog, wala naman ang asawa ko kaya okay lang magdamit ng pyjamas. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Lumabas ako ng banyo saka nilakasan ang aircon. Muli akong nahiga pero hindi ako makabalik sa pagtulog. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Nagmumuni-muni na lang ako ng mga nangyari sa amin nang makaramdam ko ng presensya ng tao sa labas ng silid naming mag-asawa. Walang kaluskos o ano akong narinig, pero iyong pakiramdam na may ibang tao sa paligid ang nagpabangon sa akin para bumangon sa kama. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Sino 'yan?" Naghintay ako ng sagot mula sa labas ng silid pero walang sumagot. "Benj?" ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Napatingin ako sa siwang ng pinto sa baba. May tila anino akong nakita roon kaya tiyak akong may tao nga. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Who's there?" kunot-noong tanong ko. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Napansin ko ang tila paggalaw ng anino at pag-alis sa tapat ng pinto. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Ang weird. Katulong ba namin 'yon?" Tumayo ako mula sa kama saka nagtungo sa pinto. Binuksan ko iyon saka sinilip ang kabuuan ng second floor ng bahay. Walang ibang taong naroon at tahimik ang paligid. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Guni-guni ko lang ba 'yon?" Isang beses ko pang sinipat ang paligid bago ko muling isinara ang pinto. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Nagkibit-balikat na lang ako at baka napagod lang talaga ako kaya't kung ano-ano ang nakikita at naiisip ko. Nagbalik ako sa kama saka muling nahiga. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Nagbalik-tanaw ako sa mga naganap bago ako naging Mrs. Elaine Almonte. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Saan ba talaga tayo pupunta?" tanong sa akin ni Wilma. "Hindi mo sinasagot ang tanong ko tapos wala kang imik diyan. Basta mo na lang ako kinaladkad." ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Sa Hacienda Leya. Gusto ko lang makasiguro na doon nga nakatira si Benj," sagot ko. Iniliko ang kotse sa highway palabas ng Maynila. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Ah, gusto mong makatiyak na hindi siya fake?" natatawang tanong ni Wilma. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Medyo. Alam mo naman sa panahon ngayon, 'di ba, maraming scammer. Baka drawing lang 'yung mga kuwento niya." Binilisan ko pa nang kaunti ang pagpapatakbo ng kotse. "Gusto ko lang makasigurong totoong may Hacienda Leya." ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "May balak ka na ba talagang seryosohin siya?" tanong ulit ni Wilma. "Biyudo ika mo siya, hindi ba? Okay lang sa 'yong maging second wife?" ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Patay na naman ang una niyang asawa kaya hindi ako second wife. Original pa rin kung sakali," natatawang sagot ko. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Sabagay, pero hindi ka kaya multuhin ng asawa no'n? Wala pang isang taon nang mamatay siya." ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Hindi ko naman inagawa ang asawa niya habang nabubuhay siya. Wala na siya nang magkakilala kami, isa pa, gusto ba niyang tumandang mag-isa si Benj?" ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Nagkibit-balikat si Wilma. "Ipanalangin mo na lang na positive ang sagot sa tanong mo." ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Anyway, wala pa namang formal na proposal si Benj sa akin, nagtanong lang naman siya minsan kung sakali raw ba na magpakasal kami eh papayag akong tumira sa hacienda niya." ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Inihinto ko ang kotse sa pila sa tollgate. Medyo mahaba ang pila ng mga sasakyan at iilan lang ang open nang mga oras na 'yon. "Mukhang matatagalan tayo rito." ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Saglit pa lang kayong nagkakakilala, saglit pa lang nagkasagutan ng oo, kasal agad?!" manghang tanong ni Wilma. "Last month lang naging official na kayo after ng 14-day cruise natin ah." ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Na-inove ako eh," maikling tugon ko. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Yes, I believe it was love at first sight. The moment I saw him standing beside the pool on that cruise line, I already fell for him. He's the epitome of a handsome, gorgeous, perfect-looking immortal Greek god. I couldn't take off my eyes from him. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ It took us four hours to reach Hacienda Leya. The gate was enormous and we could see the villa sitting in the middle of huge fenced lot. Hindi lang yata sampung ektarya ang lupain na iyon. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Nakasara ang gate at may ilang taong nasa loob ng hacienda, abala sa paglilinis at pag-aayos ng malawak na bakuran. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Wow, ang lawak ng lupain!" hangang sambit ni Wilma. "Kaniya 'to?" ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "I think sa nasirang asawa niya." Itinuro ko ang signage sa itaas ng mataas na gate na gawa rin sa bakal. "Hacienda Leya." ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Ipinamana sa kaniya ng asawa niya?" Napakaswerte naman. Wala silang pre-nuptial agreement?" nagtatakang tanong ni Wilma. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Wala siguro. Saka mukha namang hindi kailangan ni Benj no'n dahil may sarili siyang kumpanya bago pa niya mapangasawa si Leya." Inilabas ko ang phone ko saka ipinakita ang screen kay Wilma. "Nakita ko 'to sa website kahapon. B. Almonte Realty. Nakapangalan din sa kaniya ang business. Matagal nang nag-o-operate. Mukhang hindi kalakihan pero may sarili siyang negosyo." ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Talagang nagba-background check ka sa kaniya ah," biro ni Wilma. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Hindi naman background check. Siniguro ko lang na totoo mga kinukuwento niya, na sa Hacienda Leya siya nakatira at may sarili siyang negosyo. It means totoo lahat ng nga sinasabi niya sa akin." ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Mukhang naka-jackpot ka sa boyfriend mo ah. Minalas ka man kay Felix, sinuwerte ka naman sa pumalit." Itinuro ni Wilma ang loob ng hacienda. "Ayun ang jowa mo, oh!" ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Natanaw ko si Benj habang nakatayo malapit sa gate kausap ang isang lalaki na may dalang kabayo. Mukhang masaya si Benj habang kausap ito. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Ang gwapo talaga ng boyfriend ko," sambit ko habang nangangarap na naglalakad patungong altar at naghihintay siya sa akin. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Hoy, hindi ba tayo magpapakita sa kaniya? Ang layo ng byahe natin ah," reklamo ni Wilma. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Hindi na muna. sa bayan tayo tumuloy para makapagpahinga ro'n. May hotel akong nakita roon." ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Bakit ayaw mong magpakita sa jowa mo?" kunot-noong tanong ni Wilma. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Ayokong isipin niya na iniimbestigahan ko siya. Hindi nga niya kilala 'tong kotseng gamit natin." Kay Mama ang kotse na ginamit namin sa pagtungo sa Hacienda Leya. "Hihintayin ko si Benj na ayain ako rito nang kusa niya. Halika na." ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Pinaandar ko na ang sasakyan patungo sa kabihasnan para makapagpahinga kami. Ililibre ko na lang si Wilma para sa abalang ginawa ko. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Ang weird mo, girl. Ganyan ba talaga 'pag in love?" ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ "Siguro. Malalaman mo rin kapag na-in love ka rin," tugon ko. Sigurado na ako, si Benj ang gusto kong makasama habambuhay kaya oras na magtanong ulit siya kung papayag akong magpakasal sa kaniya at titira kami sa Hacienda Leya, isang malaking oo ang isasagot ko."ㅤㅤㅤㅤㅤ ㅤㅤㅤㅤㅤㅤ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎ Nagbalik sa kasalukuyan ang isip ko. Heto, Mrs. Elaine Almonte na ako. Hindi ako nagpatumpik-tumpik pa nang tanungin niya ako ulit kung papayag akong maging asawa niya. Nakaramdam ako ulit ng antok habang nagmumuni-muni ng masasayang alaala namin ni Benj. ‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎‎
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD