Unti-unti ang pagkilos ni Benj; ilang ulit na mahihinang paggalaw ng balakang ang ginawa niya bago siya bumilis. Sinasagad niya ang bawat ulos sa kaloob-looban ko na nagpapasinghap sa akin. Habol ko ang hininga ko habang mas lalong bumibilis ang pag-indayog niya sa pagitan ng mga hita ko.
"Benj, hon..." Napaliyad ako nang husto dahil naramdaman ko ang pagtama ng sandata niya sa bungad matris ko. "Ah! Make it faster, hon!"
Napangisi si Benj, bakas din sa mukha niya ang pagnanasa at pagkahibang sa akin. Binilisan nito ang pagkilos at paggalaw ng balakang habang nakatayo ito sa gilid ng kitchen counter.
Kaya niya akong ihatid sa alapaap. "I'm c*****g, hon!"
"Not yet," panunukso ni Benj. Hinugot niya ang sandata niya. Para akong mababaliw sa pagkabitin dahil sa ginawa niya.
"Hon, why?" reklamo ko. Napakagat-labi ako dahil gusto ko siyang bumalik sa paglusong sa akin. "Huwag mo akong bitinin, hon..."
Hinila niya ako patayo, itinalikod saka itinaas ang isang binti ko sa counter saka ako pinasok mula sa likuran. Halos mapasigaw ako sa kiliti at sarap ng ginagawa niya.
Ah... Benj..." halinghing kong sambit sa pangalan ng asawa ko habang patuloy sa pagbayo mula sa likuran.
"Masarap ba, hon?" bulong niya sa tainga ko habang patuloy siya sa pag-ulos. Hindi ako nakasagot agad kaya itinigil niya ang pagkilos na ikinabitin ko ulit.
"Hon..." reklamo ko ulit. Ako na ang kusang gumalaw para maglabas-pasok ang sandata niya sa akin. Napanganga ako sa kasabikan at kiliting hatid ng asawa ko sa akin.
"That's right, hon. Shake your hip slowly," bulong niya. Hindi pa rin siya gumagalaw kaya ako na ang kusang gumiling. Nasapo ko ang magkabilang dibdib ko at hinagod iyon.
"You're learning, hon." Nakailang paggalaw pa ang ginawa ko bago muling kumilos si Benj. Ilang ulit na malalakas na hugot-baon ang ginawa niya na nagpanginig sa buong kalamnan ko at nagpalambot ng tuhod ko. Naramdaman ko ang masaganang katas na tumutulo sa hita ko.
"Hon... you're so good..." sambit ko.
Humihingal ako habang sapo ang dibdib ko. Napanaginipan ko ang ginawa namin ng asawa ko sa kusina, at hindi ko alam na nakapasok pala ang isang kamay ko sa nighties ko at salat ang p********e ko.
Our love-making in the kitchen was intense. He made me feel horny, dirty and satisfied that moment kaya hanggang sa panaginip ay pantasya ko siya, heto nga at nagsasarili pa ako kahit natutulog. Napangiti ako dahil sa kakaibang sarap na pinadama niya sa akin.
Napatingin ako sa wall clock. Six o'clock na ng hapon. Hindi na ako nakakain ng tanghalian, ni hindi nakapag-snack nang dahil sa sobrang pagod. Nagmuni-muni na lang ulit ako hanggang sa muling dalawin ng antok.
***
Naalimpungatan ako dahil bigla na lang sumagi sa isip ko ang naiwan kong niluluto sa kalan kanina. "Nakakain kaya si Benj? Hindi ko na natapos ang niluluto ko kanina." Bumangon ako at tumayo mula sa kama.
Kinuha ko ang pulang roba mula sa sa sabitan na malapit sa kama saka ko ibinalabal sa katawan ko. Lumabas ako ng kwarto at bumaba ng bahay para hanapin si Benj, pero tahimik ang buong villa.
"Manang," tawag ko sa mayordoma ni Benj. "Manang?"
"Senyorita," sagot nito habang lumalabas mula sa gawi ng dining area.
"Si Benj po?" tanong ko.
"Umalis ho siya, Senyorita. Baka bukas na ang balik niya," tugon nito habang ikinukumpas ang hawak na sandok. "Pumunta sila sa maisan, may problema raw sa mga pananim. Aasikasuhin daw nila magdamag."
Napayakap ako sa sarili. Matutulog pala ako nang mag-isa sa villa ngayong gabi.
"Nagluluto ho pala kami ng hapunan, baka nagugutom na ho kayo. Iyong naiwan sa kalan na nakasalang kanina, ipinakain na lang ho sa mga baboy."
"Sige, salamat, Manang." Sumunod na ako sa mayordoma patungong kusina.
Doon na lang din ako kakain kasabay nila. Malungkot kumain sa malaking hapag-kainan nang mag-isa.
"Adobong manok at nilagang baka ho ang niluluto ko," sagot ni Manang habang naglalakad papasok ng kusina.
"Sabayan n'yo na ho ako sa pagkain, Manang. Hindi ako sanay kumain nang mag-isa." Dumiretso ako sa long stool na nasa kitchen counter saka naupo.
"Hindi ho ba nakakahiya? Amo ho namin kayo," tugon nito. Inangat nito ang takip ng kaldero na nasa kalan saka hinalo ang laman no'n.
"Wala hong kaso sa akin 'yon, Manang. Basta samahan ninyo akong kumain." Pinagmasdan ko rin ang kasambahay na naghuhugas ng mga pinaggamitan sa pagluluto. "Maari ho bang magtanong, Elsa?"
"Ano 'yon?" Lumingon sa akin ang kasambahay namin.
"Kailan pa ho kayo rito?" tanong ko.
"Bago lang ho, wala pang isang taon," sagot nito.
"Kayo ho, Manang Delia?" tanong ko sa mayordoma.
"Magkasunod lang kami ni Elsa. Nauna lanb ako ng isang linggo."
Napakunot ang noo ko. Bakit kaya halos lahat ng kasambahay, tauhan at katiwala rito sa hacienda ay puro wala pang isang taong namamasukan dito?
"Hindi n'yo na ho naabutan si Leya, iyong dating asawa ni Benj?"
Sabay na umiling ang mga kasambahay. "Hindi na ho," sagot ni Manang Delia.
Ipinilig ko na lang ang ulo ko. Kung ano-anong tanong at imahinasyon ang pumapasok sa isip ko. Wala lang siguro 'yon, o baka kusang umalis ang mga trabahador ng hacienda nang mamatay ang may-ari.
Inihanda ni Manang Delia ang mga plato at kubyertos sa ibabaw ng kitchen counter.
Tumulong na rin si Elsa sa paglalagay ng kanin at ulam. "Ma'am, huwag na lang hong makarating kay Senyorito Benj na sumabay kami sa inyo sa pagkain. Hindi niya kami pinapayagang gawin 'yon kapag siya lang nandito."
"Sige, ako ang bahala. Kumain na tayo." Dinampot ko na ang kubyertos saka sumandok ng kanina. "May isa pa ho pala akong tanong."
"Ano 'yon?" kunot-noong sagot ni Aling Delia
"M-may multo ho ba rito?" nag-aalagnang tanong ko. Alam kong hindi lahat ng tao eh naniniwala sa multo.
Nagkatinginan ang dalawang kasalo ko sa hapunan at natigil sa pagsubo. Napansin ko ang paglunok ni Elsa at ang paglikot ng tingin ni Manang Delia.
"B-bakit ho hindi kayo makasagot?" habol na tanong ko.
"Senyorita, kasi ho..." Muling bumaling ang tingin ni Elsa sa mayordoma. "B-baka ho kasi matakot ho kayo o hindi kayo maniwala."
"Ano no iyon? M-may multo ba rito?" ulit na tanong ko. Ako ang kinakabahan sa katulong namin dahil sa pambibitin.
"H-hindi ko pa naman ho nakikita, pero alam n'yo ho 'yung pakiramdam na may kasama kayo sa paligid at feeling n'yo may nakatingin sa inyo pero wala namang ibang tao?" tanong ni Elsa. Bata pa ito, nasa bente singko lang yata, mukha ring madaling matakot.
"Pareho kami ng nararamdaman, Senyorita. Pakiramdam ko may nakamasid sa akin habang nagliligpit ako ng gamit sa sala, sa bodega, lalo na sa mga silid dito. Minsan may malamig ding hangin," segunda ng mayordoma. "Natanong ko na minsan si Senyorito Benj tungkol sa bagay na 'yon pero wala raw siyang ibang napapansin sa bahay. Guni-guni ko lang daw kaya hindi ko na ulit binaggit pa sa kaniya."
Napatigil ako sa pagsubo. Hindi lang pala ako ang nakakaramdam ng ganoon, maging ang ibang kasambahay namin.
Paano ko naman sasabihin kay Benj ang bagay na 'yon kung hindi pala nito pinansin ang sumbong ng mayordoma?
"Bakit, Senyorita, may ganoon din ba kayong nararamdaman dito?" pagkukumpirma ni Elsa dahil sa pananahimik ko.
Marahan akong tumango. "Huwag n'yo na lang mababanggit kay Benj, baka isipin pa niyang nababaliw na tayo."
"Oo nga ho, Senyorita, nasabihan pa nga akong baka kulang ako sa ligo eh," natatawang sang-ayon ni Manang Delia.
Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Ang inaalala ko ay ang pagtulog nang mag-isa mamaya sa kwarto. Baka bangungutin na naman ako o may kung anong magparamdam sa akin.
Iniwan ko na sila sa kusina matapos kong kumain. Gusto kong magbawi nang tulog habang maaga pa, pero alam kong hindi ako makakatulog agad.
Naisipan kong magtungo sa hardin at magpahangin, baka sakaling makatulong ang klima ng hatinggabi para ma-relax ako. Malamig ang simoy ng hangin sa probinsya lalo na sa gabi. Sariwa at malamig, hindi gaanong polluted.
Naupo ako sa swing saka nagmasid sa ilang trabahador di kalayuan sa pwesto ko. May mga buhat silang kaing ng mangga papalabas ng hacienda. Gabi na pero nagtratrabaho pa rin sila. Hindi naman nila ako inaabala, dahil din siguro sa mahigpit na bilin ni Benj na bawal silang lumapit sa villa o kahit sa garden.
Pinaplano pala niyang bakuran at lagyan ng extrang gate ang palibot ng villa para daw magkaroon kami ng privacy.
May point naman siya, nakakailang din kasing nagpaphinga ako sa hardin tapos ay may mga lalaking parito't paroon sa hacienda.
Overprotective siya pagdating sa safety ko. Naalala ko pa nang minsang muntik na akong bastusin ng tatlong lalaki sa theme park na pinuntahan namin, pinagtanggol niya ako noon at kinasuhan pa niya ang mga ito pagkatapos para madala raw.
Napangiti ako. Maalala ko lang ang asawa ko'y napapangiti ako agad. Na-miss ko siya tuloy bigla.
"Makaakyat na nga. Lalo lang akong nakakaramdam ng pagka-miss kay Benj kapag ganitong tahimik at naiisip ko ang moments namin." Tumayo na ako saka pumasok sa villa. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko.