SAM:
INAANTOK AKONG nakayuko sa mesa ko at hinihintay ang professor namin ng biglang nagtilian ang mga classmates ko.
Nanatiling nakayuko ako na nakapikit ng makaramdam ang pamilyar na prehensya at pabango ng lalake sa harap ko. Panay pa rin ang tilian ng mga classmates ko kaya't napaangat ako ng paningin na ikinamilog ng mga mata ko! Napaatras ako sa upuan ng bumungad sa akin ang nakangising bwisēt ng buhay ko!
Napaka-gwapo nito sa itsura lalo't ang sosyal ng dating ng kanilang uniform. Maayos ang pagkakasuklay ng buhok nito at nakapamulsang nakatayo sa harap ko na parang modelong kambing na ngumunguya ng chewing gum. Tinaasan ko ito ng kilay na lalong nagpangisi ditong kinindatan akong ikinainit ng pisngi ko.
Maya pa'y pumasok na ang professor namin at natigilan na makita ang pinagkakaguluhan dito sa class niya. Napaiwas ako ng tingin dito nang mapatitig sa akin na nakataas ang kilay. Pumihit naman ito paharap sa professor naming halos malaglag ang panga sa pagkakatulala na mapagsino ang pinagkakaguluhan ng mga estudyante nito.
"Hello Ma'am. Sorry for entering your class without your permission. I'm here to fetch my girlfriend," walang kahiya-hiyang saad nito na ikinamilog ng mga mata ko!
Napasinghap ang lahat at napatango na lang ang professor ko na pilit ngumiti dito.
"It's okay, Mr Montereal," malambing sagot nitong ikinangiti lalo ng kambing kong kaharap!
"Let's go babe?" baling nito na humawak sa kamay kong ikinasinghap ko.
Para akong nakuryente sa paglapat ng palad nito sa kamay kong mas malambot pa ang palad sa akin! Kainis.
Para akong nahihipnotismo ng hilahin na ako nito palabas ng classroom namin na napapasunod na lamang dito.
Panay din ang tilian ng mga kapwa ko estudyante na naligaw ito sa University namin na ikinangingiti nito sa lahat at napapakaway pa! tsk! Ang playboy talaga. Nakakabanas. Akala ko pa naman nagbibiro lang siya dahil ilang araw na ang nakakalipas magmula ng magkaharap kami sa harap ng University. Pero heto at bigla na lamang siyang lumitaw. Tulala akong pinasakay nito sa sportcar nito na nakabusangot.
"You okay babe?" napapitlag ako ng bumulong ito sa punong-tainga ko.
Napalinga-linga ako sa paligid at nasa tabing dagat na pala kami nang 'di ko namamalayan!
Napalingon ako dito at nanlaki ang mata ko ng salubungin ako nito ng halik sa labi!
"Umpt- Khiranz!" napakapit ako sa braso nito at pilit nilalayo ang mukha pero hawak ako nito sa batok at lalo pang pinalalim ang pangaangkin sa mga labi ko.
Naluha ako at mariing napapikit at hinayaan na lamang ito. Unti-unti akong nagdilat nang tumigil ito at ramdam ko pa rin ang mainit at mabangong hininga nitong tumatama sa mukha ko.
Taimtim itong nakatitig sa akin habang magkadikit ang noo namin na kapwa naghahabol hininga. Malakas ko itong itinulak at pabalang na lumabas ng kanyang kotse. Napahikbi akong malalaki ang hakbang na lumakad palayo dito.
"Sammy, wait!" habol nito.
Natigilan ako nang may matigas na brasong yumapos sa tyan ko mula sa likuran kaya lalo akong napaiyak ng mas humigpit ang yakap nito. Nanghihina ang mga tuhod ko na panay ang kurot sa braso nito.
"Bitawan mo nga ako!" singhal ko na pilit binaklas ang mga braso nitong nakapulupot sa tyan ko.
"Why are you avoiding me? I thought this is what you want?" iritadong tanong nito.
Pagak akong natawa at binaklas ang mga braso nito sa tyan ko sabay harap dito na malakas itong sinampal! Napatagilid ang mukha nito na kitang nanigas sa ginawa ko!
Nagmarka din sa pisngi nito ang palad ko sa kinis at puti niyang lalake. Nagtataka itong tumitig sa akin at napahaplos sa namumulang pisngi.
"Para 'yan sa paghila mo sa akin sa class ko, pagdala dito at paghalik sa akin! Bakit, hah?! Dahil ba mayaman ka at mahirap lang ako kaya mo ito ginagawa!" singhal ko at muling umagos ang luha kong napailing dito.
"I hate you! I really do!" humihikbing saad ko.
Kita kong nabahala ito at tangkang pahirin ang luha ko kaya mabilis kong tinabig ang kamay nito.
"Why?" kunotnoong tanong nito.
"Is it because I'm not Khiro, huh? Pero kung ako siya, nagdidiwang ka na ngayon sa tuwa dahil finally napansin din kita?" mapang-uyam nitong saad na napapangisi.
Nag-iwas tingin ako na mahina nitong ikinatawa maya pa'y bigla akong kinabig sa batok at muling siniil ng mapag-angking halik sa mga labi!
"Umpt-! Khiranz!" napapatili kong asik!
Pilit ko itong tinutulak pero yinapos ako nito sa baywang at mas pinalalim ang paghahalik sa aking halos higupin ang buong bibig ko!
Bahagya nitong kinagat ang pang-ibabang labi ko kaya't napaawang ako ng labi.
Mariin akong napapikit at napakapit sa braso nito na malayang pumasok ang dila sa loob ng bibig ko at ginalugad ang loob ko at makailang beses sinipsip ang dila ko.
Pinagsusuntok ko ito sa dibdib para patigilin pero lalo lang itong nanggigigil sa pagsipsip ng dila kong ikinahihina ko! Napasandal ako at nanghihina nang bitawan nito ang mga labi ko. Hinihingal akong napasubsob sa kanyang dibdib na ikinatawa nito. Dinig ko pa ang mabilis na t***k ng kanyang puso. Napapikit akong panay ang paghinga ng malalim habang kinakalma ang puso kong parang naisalang sa karerahan sa lakas ng kabog nito!
Nang makabawi ako ay umayos na ako ng tayo at tumingala dito. Napangisi lang naman itong kumindat na ikinahulog ng puso ko! Imbes na maiinis ay parang kinilig pa ako sa inaasta nitong pakindat-kindat! Nanggigigil akong sinabunutan ang buhok nitong ikinatawa nitong hinuli ang kamay ko. Natigilan akong sunod-sunod na napalunok dahil para na namang may kuryenteng nanggagaling sa palad nito na lumukob sa buong pagkatao ko. Napasinghap akong nanigas nang dalhin nito ang mga kamay ko sa kanyang bibig at pinaghahalikan ito habang matiim ang mga matang nakatutok sa aking pinamumulaan!
"Hwag ka ng magalit babe, first day natin oh," nakangusong saad nito na napakalambing ng dating sa pandinig ko.
"Hindi ako pumayag maging girlfriend mo, at para sabihin ko sayo....si Khiro ang gusto ko hindi ikaw," ismid kong tinaasan ito ng kilay.
Unti-unting nabura ang matamis nitong ngiti at napalitan ng ngising aso na ikinatigil kong napapalunok. Heto na naman siya sa pangisi-ngisi niyang nakakataranta at kaba!
"If I were you? I'll grab this opportunity to become a girlfriend of this famous Montereal Heirs" paanas nitong dahan-dahang kinagat ang ibabang labi.
Napatitig ako sa mga 'yon na parang nagpapaanyaya na naman ng isang masuyong halikan! Sheet. Bakit parang naaaadik na ako sa mga halik niya!?
"Ako na ang lumalapit sayo, Sammy. Magkamukha naman kami ni Khiro, ano pang pino-problema mo?" anito.
Napailing akong sinalubong ang mga mata nitong matiim na nakatitig sa akin. Kahit nakakatunaw at ang lakas makalaglag pānty ang kagwapuhan niyang taglay ay hindi ako dapat madala sa kanya. Hindi ako pwedeng magpadala sa kanya. Hindi siya ang gusto at habol ko. Ayoko nga sa kanya. Kaliwa't kanan ang girlfriend niya. Makikiagaw pa ba ako? Mamaya niyan mabuntis niya ako at talbuhan lang.
"Yeah, magkamukha kayo pero magkaiba ng ugali," ngising saad ko.
Natigilan naman itong bahagyang pinamulaan. Lalo akong napangisi at iling dito na pinasadaan ng tingin mula ulo hanggang paa na napapailing.
"Tsk. Sinong babae ang pipiliin ang playboy, against goodboy, huh? Khiranz Montereal?" pang-uuyam kong saad dito.
Namilog ang mga mata kong nagkarambulan muli ang t***k ng puso kk nang kabigin ako nito sa baywang at yumuko para mapantayan ako. Para akong maduduling sa sobrang lapit nitong nagkakasagian na ang tongki ng aming mga ilong!
"Look, babe, ako na lang ang gustuhin mo. Dahil si Khiro? May mahal na 'yun kaya mababalewala ka lang," paanas nito na nakamata sa mga mata kong ikinalunok ko.
Nakaramdam ako ng kirot sa tinuran nito na may mahal na ang mahal ko. 'Di ko alam kung totoo o pinagti-trip-an niya lang ako pero nasaktan pa rin ako.
Napabuntonghininga ito at niyakap ako ng mahigpit na parang paslit lang na nakakulong sa mainit nitong bisig. Naluha ako at sinubsob ang mukha sa dibdib nitong nakakahumaling ang bango! Ang sarap samyuhin na kahit manly ang dating ay hindi masyadong matapang at masansang sa ilong!
"Hindi ako naniniwala sayo, isa pa wala akong planong makipaglaro sayo," aniko at bumalik na ng kotse nito.
Sumunod din naman ito na pinagbuksan pa ako ng pinto bago umikot sa driver side. Tahimik akong sumandal matapos maikabit ang seatbelt ko. Napapikit akong pinakiramdaman lang ito na ramdam kong nakatitig na naman. Makailang beses pa itong napabuga ng hangin bago in-start ang engine.
"Give me a chance to proved my words, babe. Be my girlfriend, ng sa ganun? Makalapit ka sa kanya," pambabasag nito sa katahimikan namin.
Napaisip ako sa sinaad nito na napapangisi sa isip-isip.
"Tama...chance ko na itong makalapit kay Khiro, bahala na," piping usal ko. Napahinga ako ng malalim.
"Fine" napipilitang pagpayag ko dito.
"Ayt! Konting ingat naman bubukulan mo ba ako!?" inis kong singhal na muntik akong mapasubsob sa biglaang pagpreno nito.
Natutulala pa itong napalingon sa akin at nagniningning ang mga matang may munting ngiti sa mga labi!
"Really, pumapayag ka na?" saad nito na hindi makapaniwala ang tono! Napairap ako dito na sinimangutan.
Napayakap ito sa akin ng tumango ako na bakas ang saya sa aura nitong pumayag ko.
"Para kang baliw, pumayag lang ako para makalapit kay Khiro," natatawang ismid ko na mahinang pinitik ito sa noo dahil napakalapad ng ngiti nitong titig na titig sa mga mata ko.
"It's okay, babe, pasasaan ba't... mapapaibig din kita," paanas nito.
Kinilabutan pa ako ng kumindat ito at muling nagmaneho na pinag-intertwined ang mga daliri namin. Tumuloy kami sa isa sa kanilang exclusive restaurant at dito nag-lunch. Napaka-gentleman nitong panay ang alalay sa aking akala mo naman madadapa ako tss.
Naiilang ako dahil ito ang unang beses kong pumasok dito. Naka VIP treat pa kami dahil kanila ang restaurant na ito.
'Di tuloy maiwasang magtilian ang mga babae dito at parang mga kitikiting 'di makapirmi pagkakita dito na nginingitian ang lahat sabay kaway! Nakakabanas. Ang landi talaga. Girlfriend niya daw ako pero heto at nagagawa pa ring magpa-cute sa iba. Ang playboy talaga.
MATAPOS NAMING kumain ay bumalik na kami ng University.
Hinatid pa ako sa room ko at ninakawan ng smack kiss sa lips bago nangingiting iniwan ako. Tulala akong napaupo sa desk ko na parang tinatangay sa kaulapan ang diwa sa mga nangyari sa pagitan namin ni Khiranz. Napapitlag ako ng biglang may humampas sa mesa kong ikinabalik ng ulirat ko. Nangunotnoo ako na mabungaran ang galit na galit na mukha nila Audrey at grupo nitong pinaniningkitan ako. Sila ang mga bully dito sa class namin na mga feeling dyosa pero 'di naman mawari kung saan banda. tsk.
"Hoy bruha! Totoo bang girlfriend ka ni Khiranz Montereal hah?!" singhal nito.
Napataas ako ng kilay at napaismid na lang ako sa hangin sa paninita nito. Ano ngayon kung girlfriend ako ni Khiranz? Hindi naman sila pero kung maka-react akala mo kung sinong inaagawan haist. Napapailing na lamang ako sa isip na hindi ito pinansin.
"Ang yabang huh?" nagngitngit ang mga ngipin nitong ikinatingala ko dito.
Mariin akong napapikit sa akmang pananampal nito ng may sumalo sa kamay nito na ikinatigil naming lahat! Napatayo ako ng marinig ang baritonong boses nito.
"Don't you dare to slap my girl, I'm telling you... I won't hesitate to slap you too once you hurt her. Mark my words," madiing banta nito at pabalang iwinaksi ang kamay ni Audrey.
Namutla ang mga ito dahil nanlilisik na ang mata ng kaharap sa kanilang grupo.
"Khiranz," napabaling itong inakay akong palabas na yumapos sa baywang ko at panay ang halik sa ulo ko.
Napalabi akong napayakap tuloy dito na hindi ko namalayan. Boyfriend na boyfriend ang datingan nitong niligtas ang girlfriend na inaapi! Hindi ko tuloy mapigilang kiligin sa mga oras na 'to! Sheet! Bakit parang ang sarap naman niyang maging boyfie!?