Pagkikita

1658 Words
"Listen everyone, Samantha Alcantara is my girlfriend. Try to touch her, and I'll make your life miserable. Mark my words," madiing banta nito sa lahat na sinamaan ng tingin ang grupo nila Aubrey na natahimik sa gilid. PARA AKONG MAIIHI dala ng kilig na nagpatianod dito. Hindi ko tuloy mapigilang mapayakap sa tagiliran nitong ikinatunghay nito na mahinang natawang inakay ako palabas ng classroom ko habang akbay akong panay ang halik sa ulo ko. Sheet bakit ang sarap naman niyang maging boyfie?? Hindi ko tuloy mapigilan ang puso kong kinikilig maging pempem ko sa kanya! "Why are you allowing them to hurt you, Sammy? Can't you fight for yourself?" panenermon nito na salubong ang kilay habang nakapamewang sa harap ko. Napanguso akong ikinalamlam ng mga mata nitong napabuntonghininga. "Sanay na ako sa mga 'yun, okay lang. Pero salamat....pinagtanggol mo ako," nakangiting kindat ko ditong napatikom ng labing pinamulaan. "Tsk sanay? Kaya hinahayaan mo na lang?" ismid nito na napabuga ng hangin. "Isumbong mo sa akin kung sinong mga nangbu-bully saiyo dito, babe. Ipapatapon ko sila sa ibang planeta," anito. Natawa akong kinurot ito sa tagiliran na nanatawa na ring hinuli ang kamay ko. Napalunok ako ng masuyo nitong hinalikan ang mga daliri ko habang matamang nakatitig sa mga mata ko. "Khiranz," mahinang saway ko dahil nasulyapan ko na ang professor naming pumasok ng classroom. Napangiti lang ito na nagawa pang kumindat! Para tuloy nagsisisipa na naman ang puso ko sa ribcage nito at nakuryente sa ginawa nitong dahan-dahang pagsubo isa-isa sa mga daliri ko! Nag-iinit ang mukha kong hindi masalubong ang mga mata nito na napakalagkit ng tinging ginagawad! Napakaganda pa naman ng mga mata nitong chinito, kulay abo na mahahaba at malalantik ang mga pilikmatang ikinabagay nito! 'Di hamak na mas maganda ng sampung ulit ang mga mata nito sa akin! Haist. Nakaka-insecure. "You're blushing, babe," nakangising tudyo nito na ikina-init lalo ng mukha ko. Natatawa itong muli akong niyakap na pinaghahalikan sa ulo. Lihim akong napangiti ng maamoy ang manly perfume nito at mas sumiksik pa sa dibdib nitong dama ang kabog ng kanyang puso. "Ms Alcantara, our class will start now," napabitaw ako dito ng marinig ang boses ng professor namin na tinatawag na ako. "Yes, Sir," tumango ito at nahagip ng paningin kong sinenyasan pa ito ni Khiranz. "Ahm sige na alis --umpt-" namilog ang mga mata ko na paglingon dito ay sinalubong ang mga labi ko ng malalim at masuyong halik!? Napakurot ako ditong ngingiti-ngiti lang na marahang pinahid ang ibabang labi ko ng kanyang hinlalaki sabay subong ikinasamid ko. Natawa naman itong hinagod ako sa likod na mariing humalik sa noo kong ikinakagat ko sa ibabang labi. Para akong matutunaw sa pagpapakilig nito. "Don't forget my goodbye kiss, babe. See you later. Wait for me, I'll fetch you after my class," paanas nitong muling napa-smack-kiss sa mga labi ko. Natulala ako sa ginawa nito at 'di agad nakakilos! Natatawa itong yumakap sa likuran ko at marahang tinulak ako papasok ng room. Muli itong humalik sa ulo ko bago ako pakawalan, kumindat pa ito at kumaway bago tumalikod na at naglakad ng hallway 'di ko mapigilang mapangiti at mapakagat ng ibabang labi habang patungo sa upuan ko. "Gosh, haba ng hair, girl!" "Ang swerte naman, Khiranz Montereal ang boyfriend!" "OMG hwag mo na 'yan pakawalan, Sammy!" "Kainis, nakakainggit ka Sam. Long time crush ko kaya ang Montereal brothers!" Impit na tilian ng mga classmates kong nadaraanan ko. Napapailing na lang ako sa mga itong kilig na kilig masilayan sa malapitan si Khiranz. Identical twins sila ni Khiro kaya para mo na ring nakita si Khiro na makita mo si Khiranz. Hindi ko naman sila masisisi dahil isa din naman ako sa mga die hard fan ni Khiro 'yon nga lang ay sa kakambal niya ako napunta. PAGKATAPOS NG klase ko ay nagtungo na ako ng parking lot. Impit namang nagtitili ang mga kaibigan ko pagkakita sa akin na ikinasalubong ng kilay ko sa mga ito. "Bakit?" takang tanong ko ng makalapit na ako sa mga ito. Ngumuso si Benj sa likuran ko kaya napapihit ako at napanganga ako na bumungad si Khiranz na nakasandal sa kanyang red sportcar. Para itong model sa pagkakasandal nito sa bumber ng harapan ng kotse na nakapamulsa ang isang kamay nito at may dalang bouquet of red roses sa kabilang kamay. Naka-shadespa ang kambing na ngumunguya na naman ng chewing gum na lalong nagpagwapo dito! Naagaw na rin namin ang attention ng ibang students at pinapanuod na kami dito. Nagtitilian ang mga ito at kinikilig habang ang isa'y pangiti-ngiti na dahan-dahang inalis ang shades kaya nagtilian ang lahat. Lumapit na ako dito na 'di mapigilang mapangiti sa pakulo nito. "Ano 'to--uhmm.... Khiranz," namilog ang mga mata ko na sinalubong ako ng halik sa mga labi kaya halos mangisay na ang mga witness namin sa ginawa nito! "Flowers for my girl, how's your class babe?" malambing saad nito at inabot sa akin ang bouquet. Napangiti ako at tinanggap ito na nasamyo. "Hmm..." napapikit akong naamoy ang bango nitong mahinang ikinatawa nito na napahalik sa noo ko. "Okay lang, hindi ka na sana nag-abala baka masanay ako nito hahanap-hanapin ko," aniko na niyakap ang bouquet ko. Nangingiti lang naman itong umakbay sa akin. "It's okay with me, babe, as long as ang mga bigay ko lang ang tinatanggap mong bulaklak. Handa naman akong bumili niyan araw-araw para sayo," malambing sagot nito na inalalayan akong papasok ng kotse nito. Napakaway na lamang ako sa mga kaibigan ko nang lisanin namin ang parking lot. "Tss baka naman madaig ko pa ang may flowershop nito," natatawang saad ko. Kinuha naman nito ang kamay ko at pinag-intertwined ang mga itong masuyong hinalikan ang palad ko. Napalunok ako at napatitig sa kamay naming magkahawak. Nagmukhang kamay ng bata ang palad ko sa laki ng palad nito. "Ang laki ng kamay mo," wala sa sariling saad kong ikinatawa at iling nito na sinulyapan saglit ang mga kamay namin. "Do you know what that means, babe?" anito. Nangingiti at makahulugan nitong tanong na napasulyap at kita ang pagningning ng kulay abong mga mata nito habang may ngiting naglalaro sa kanyang mga labi. Ngiti na hindi mapagkakatiwalaan haist. "Alin? Na nagmukhang kamay ng paslit ang kamay ko kumpara sa kamay mo?" ismid ko. Natawa ito at napailing. "Tsk bitawan mo na nga," hinila ko ang kamay ko pero hinigpitan naman nito ang pagkakahawak at marahang pinipisil-pisil iyon. Napanguso ako at binaling sa labas ng bintana ang paningin para itago ang ngiti ko. "No, it's not like that, babe. Soon you'll discover it," napalingon ako dito na kumindat lang na napapangisi at muling bumaling sa daan 'di ko mapigilang kiligin sa inaasta nitong swabeng galawan. "Kalma self, malamang expert na siya sa pambobola sa mga babae..Hwag kang pauuto, si Khiro ang mahal mo, ang pakay mo. Hindi ang playboy na Khiranz na 'to," piping singhal ng isip ko. Nagulat ako ng huminto kami sa napakataas at garang gate kaya 'di ko maiwasang napalinga-linga sa paligid! Maya pa'y bumukas ito at bumungad sa akin ang mala-palasyong bahay! Napakaganda at napakagara ng itsura na sa mga royal series ko lang napapanood! Para tuloy akong dinala sa ibang bansa at nakakita ng totoong palace!! "Teka nasaan tayo?" alarmang tanong ko dito. Nag-park na ito bago nangingiting bumaling sa akin. "In my palace, babe. I want to tour you around. Let's go? But get ready yourself, babe, ngayon pa lang kasi ako.....nagdala ng babae dito," saad nitong ikinalunok ko. Dama ko pa ang pagbilis ng t***k ng puso ko at parang maiihi dala ng nerbyos na dinala ako nito dito sa kanilang mansion!!! Pinagbuksan ako nito ng pinto at yumapos sa baywang kong marahang pinipisil-pisil iyon na ikinaiiktad ko. Napapalinga ako sa paligid lalo na ng pumasok na kami sa double door nilang pinto! Para akong mahihilo sa pagkamangha sa ganda ng loob ng bahay nila! Daig pa nito ang exclusive five star hotel sa gara ng interior design, naglalakihan ang mga chandelier at fully carpeted ang hallway patungo sa napakalawak at gara nilang sala. Napahigpit ang hawak ko sa laylayan ng polo nito ng masulyapan ko ang lalakeng matagal ko ng minamahal at prenteng nakaupo sa magara nilang sofa katabi ang isang babaeng napakaganda. Matangkad ito at slim ang pangangatawan. Napakakinis nito at parang naliligo ng gluta sa kaputian. Mahaba din ang kulay blonde nitong unat na buhok, lalo itong gumanda ng mapalingon sa amin at matamis na ngumiti. Para siyang totoong prinsesa kung susumain. Napalunok ako ng napalingon na rin si Khiro sa amin at tumayo. Nangangatog ang tuhod ko nang igiya ako ni Khiranz palapit sa mga ito. "Hi, who is she? New girlfriend of the week again?" ani ng mala-barbie na babae sa amin. Ngumiti din si Khiro at naglahad ng kamay na ikinalunok ko. "Hi, I'm Khiro, as you can see, we are twins," nakangiting pagpapakilala nito. Kakamayan ko na sana ito nang tabigin ni Khiranz ang kamay nito na ikinatawa ng kamukha. "You don't need to touch her," napatingala ako dito at inirapan na ngumiti at kindat lang. "Ohh....so your possessive now, huh? naiiling saad ni Khiro ditong ikinangisi lang nito sa kakambal. "What's your name pretty?" ngiting baling nito sa akin. 'Di ko mapigilang masaktan dahil hindi na nga niya ako maalala. Sino ba naman ako para matandaan niya? "Ahmm.....Samantha.. Alcantara," mahinang pagpapakilala ko. Napatangu-tango ito na matamis ngumiting halos ikasara na ng mga singkit nitong mata. "Hmm.. Sounds familiar but, it suits you you, sweetie," kindat nito. "Tsk you don't know her," napasimangot ako sa pag-singit ni Khiranz na ikinataas ng kilay nito sa akin. "I'm Steffi, Khiranz and Khiro's bestfriend. Nice to met you," ani ng babaeng kaharap namin. Nahihiya kong tinanggap ang kamay nito na napakalambot ng palad at napakahinhin ng boses. 'Di ko tuloy mapigilang manliit sa sarili, walang-wala ako kumpara sa minamahal ng lalakeng mahal ko. Para akong sinampal at nagising sa masakit na katotohanan na kailanma'y hindi si sa akin....nababagay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD