bc

[MONTEREAL SERIES3] Owned by the Playboy BILLIONAIRE (Khiranz Del Prado Montereal)

book_age18+
2.4K
FOLLOW
8.2K
READ
billionaire
HE
forced
dominant
sweet
bxg
campus
office/work place
assistant
like
intro-logo
Blurb

Lihim na minamahal ni Sam si Khiro Montereal. Kaya nang minsan niya itong natyempuhan, nagtapat siya dito ng kanyang pagmamahal. Sa kasamaang palad, ang binata ay hindi si Khiro kundi ang kakambal nitong dakilang womanizer. Si Khiranz Montereal. May kawala pa kaya si Sam sa binata, kung unang beses pa lang ay nahumaling na ito sa kanya.

chap-preview
Free preview
Girlfriend
SAMANTHA ALCANTARA: "Wala pa ba vakla? Magkakaugat na kami dito," reklamo ng beki kong kaibigang si Luke. Lima kaming magbabarkada. Si Luke, Wilfred, Benj at Ali. Ako lang ang babae sa amin dahil binabae ang apat kong kaibigan. Halos magdadalawang oras na kaming naghihintay dito sa harap ng gate ng Del Prado University at hinihintay ang prince charming ko. Ang panganay sa famous quadruplets ng pamilyang pinakamayaman ng bansa. My Khiro. "Wala pa eh, lumabas na yata lahat siya na lang ang hindi," matamlay kong sagot na napanguso at nagbabadyang tumulo ang luha. Tatlong taon na mula noong una ko siyang makita dito sa University. Nagkaroon kami ng emergency sa probinsya kaya't napa-transfer ako ng biglaan. Magmula noon ay lagi na akong nakasubaybay sa kanya. Updated ako lagi sa mga post niya sa social media. Masaya ang puso kong hanggang ngayo'y single pa rin ang status nito. Mag iisang buwan ko na itong inaabangan sa tuwing uwian para muling makausap pero sadyang mailap ang tadhana. Mahirap itong lapitan bukod sa maraming bodyguards ang nakapalibot sa kanya ay dagsa rin ang mga kababaihang nahuhumaling sa kanila ng kambal niya. "Naku vakla tara na, bukas na lang ulit. Baka sumabay na 'yun sa kambal niya o nauna ng umalis," pag-aya ni Benj na sinang-ayunan ng tatlo. Napabuntong-hininga ako at bagsak ang balikat na humarap sa mga ito. "Kung kailan naman ang lapit ko na sa kanya, saka naman ang hirap niyang tiyempuhan," matamlay kong sagot na nakanguso. Inakay na ako ng mga ito at sumakay sa SUV ni Luke. Naka-apartment ang mga ito kaya't sinasabay na akong hatid-sundo sa bahay dahil madadaanan naman nila ito. "Okay ka lang sissy? Hayaan mo na, may ilang buwan ka pa naman bago graduation. Malay mo bukas o sa makalawa matiyempuhan mo din siya," ani Ali sabay tapik sa balikat ko. Napahinga ako ng malalim na tumango at pilit ngumiti sa mga ito. "Ang tanong, maaalala ka pa kaya nun? Naku, vakla. Sa dami ng nakapila, tingin mo ba may pag-asa ka?" napangiwi ako sa sinaad ni Wilfred na napapangisi sa akin kaya napairap ako ditong napahalakhak lang. "Ouch, hwag naman ganun, ang harsh huh? Ang sakit sa dibdib," pagdadrama kong napahawak sa dibdib ko at nagkunwaring nasaktan sa sinaad ni Wilfred na binatukan naman ng dalawang katabi. "Aysus sis, hwag kami. Wala ka namang dibdib," muli niyang banat kaya napairap na naman akong ikinahagikhik nito kaya maging ang tatlo ay natatawa na rin. Sheet ang baklang 'to, nakapa-honest masyado at walang preno ang bibig! Hindi kasi kalakihan ang dibdib ko pero di naman kaliitan. Sakto lang sa akin at kuntento ako sa size kong 36. Sanay na ako sa asaran namin at biruhan. Kapag mga binabae talaga ang nakapalibot sayo ay masasanay ka na lang sa matatapat at matatabil nilang dila at pagkaprangka. Masaya kami sa grupo at deadma lang ang negative vibes sa paligid. Bagay na pinakagusto ko sa samahan namin. Malungkot akong kumaway sa mga ito pagkababa ko at pumasok na ng gate namin. Naabutan ko naman si Mama sa sala at abala sa kanyang mga plantyahin. Tumatanggap kasi siya ng labahin ng kapitbahay dahil halos mga bording house ang mga kalapit namin at pawang mga estudyante ang mga boarders. Maging ang ikalawang palapag nitong bahay ay pinaupahan niya para dagdag kita dahil kaming dalawa na lang ang nakatira dito. Pumanaw na kasi si Papa three years ago. Ayon sa mga kasamahang mangingisda nito ay pumalaot si Papa kahit maalon noon para sa allowance ko at sa kasamaang palad tumaob ang bangka nito at 'di na kaagad nahanap. 'Yun ang dahilan kaya kami bumalik ng probinsya namin sa Ilocos. Tanggap na namin ang nangyari kaya't bumalik na kami ng syudad at dito ipagpatuloy ang pakikipag-sapalaran. Hindi magkasundo si Mama at ang hipag at byenan nito sa bahay lalo na at nakikitira lang kami kaya napagpasyahan naming bumalik ng Manila. Sa weekend tinutulungan ko si Mama sa karinderya nito sa palengke at sa gabi naman labandera ito dahil tumatanggap ng labahin. Naaawa ako kay Mama dahil halos gawin na nitong araw ang gabi mairaos niya lang lahat ng kailangan ko kaya nagsusumikap akong makapag-tapos para maiahon ko siya sa hirap lalo at tumatanda na siya. Hindi ako nakikipag-boyfriend o ligawan dahil may hinihintay ako at 'yun si Khiro Montereal ang panganay na anak sa quadruplets ng pamilyang pinaka mayaman ng bansa. Alam kong suntok sa buwan ang makalapit dito pero gagawin ko ang lahat maagaw lang ang attention nito. Siya na lang ang pagasa kong makakuha ng maayos na trabaho pagka-graduate at kung mapaibig ko ito makakaahon na kami sa hirap ni Mama. Maga-alasdose na nang matapos naming tupihin at isilid sa plastic ang mga damit. Tumuloy na ako ng kwarto at ginawa ang night routine ko bago natulog. KINABUKASAN ALASYETE na ng magising ako kaya dalidali akong naligo at nagbihis! Sakto namang nasa tapat na ang mga kaibigan ko na nakaabang sa paglabas ko! Mabilis lumipas ang nakakabagot na oras sa maghapong pagsusunog kilay na naman naming magkakaibigan. Pagkatapos ng klase namin ay as usual nakatambay kaming muli sa harap ng Del Prado University para abangan si Khiro. Kakaiba ang kabang lumukob sa dibdib ko habang lumilipas ang oras! Magdidilim na ng mapagpasyahan naming umalis nang parang natuod ang mga kaibigan kong nanlalaki ang mga matang nakamata sa may likuran ko. "Oh my gosh, vakla! Nandiyan na siya, dali 'yung letter mo, nasaan na!?" "Huh?! Heto wait lang!" tarantang saad ko. Dali-dali kong binuklat ang bag ko at kinuha ang letter ko para kay Khiro! Hindi kasi nito nababasa ang mga messages ko, marahil sa dami ng nagme-message sa kanya kaya dine-deadma na lamang niya ang mga messages sa kanya. Napapihit ako at agad sinalubong ito ng makitang patawid ng pedestrian lane. Tanging bodyguards lang nito ang nakamasid sa paligid kaya malaya akong nakalapit na ikinadiwang ko! "Khiro Montereal, gusto kita! Gustung-gusto kita! Please accept my letter for you," napayuko ako at iniabot ang sulat dito. Ngayon lang ako tinablan ng hiya na nasa harapan na niya! Nangangatog ang mga tuhod ko dahil nakatayo lang ito. Mariin akong napapikit ng marinig ang mahinang tawa nito. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at nanlaki ang mga mata ng makumpirmang hindi siya ang hinihintay ko! Nakangising aso ito at taimtim na nakatitig sa akin na biglang hinablot ang sulat ko! "Ikaw?! Akin na 'yan!" inis kong hasik na tatatalon-talon para maabot ang sulat kong inagaw nito at itinaas sa ere! Nakangisi ito at parang tuwang-tuwa pa habang nakatunghay sa akin na pilit inaabot ang kamay nito. "Napakatangkad naman kasi ng nilalang na ito, kainis!" piping singhal ko. "Tired?" ngising asong tanong nito ng tumigil na ako sinamaan ko ito ng tingin na lalong nagpangisi dito. "Hindi 'yan para sayo! Akin na!" pagmamaldita kong ikinataas ng kilay nito. "Napagkamalhan mo nga ba ako? Or this is your agenda to capture my attention hmm?...." may halong panunudyo nito na ikinamilog ng mga mata ko. Napangisi itong yumuko na nilapit ang mukha sa tainga kong ikinasinghap ko! "Well if that's the case then....congratulations, from now on? You're officially my girlfriend. Gotcha?" paanas nito na napahalik pa sa pisngi kong ikinatuod ko at lakas ng kabog ng dibdib ko! Mahina itong natawa na tumuwid ng tayo at bahagyang ginulo ang buhok ko! Napanganga na lamang ako at namalayang akay ng mga kaibigan ko dahil nagkandabuhol-buhol na ang trapik sa pagkakatulala ko sa gitna ng kalsada. "Ang gwapo, vakla! Grabe 'di ako maka-getover! Finally napansin ka din, nagbunga na rin ang pagtityaga mong hintayin siya," tili ni Wilfred. Kanina pa sila nagtititilian at naghahampasan dito sa kotse habang ako'y napapailing at napapabuga ng hangin. "May problema ba? 'Di ba dapat masaya ka? Nakausap mo na siya at tinanggap ang sulat mo," ani Luke na katabi ko. Natigilan naman ang tatlo na napalingon sa amin "Hindi naman siya 'yun eh," mahina kong sagot. Nagkatinginan ang mga ito na nagkakatanungan sa kanilang mga mata. "Si Khiranz 'yun. 'Yung tinaguriang playboy heirs ng campus nila," napalabing saad kong ikinamilog ng mga mata ng mga ito. "Patay!" sabay-sabay pang napasapo sa noo ang mga ito. Napatangu-tango na lang akong natutulala sa mga nangyari. "Tama.... patay na nga ako. Ang sabi niya...girlfriend na niya ako," "Ano!?"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
140.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
184.4K
bc

His Obsession

read
92.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook