Eggplant Shake 11

1485 Words
"Hey! What's wrong with you, woman?!" galit na tanong ni Alexis. Lalo na nang kamuntik na itong mahigip ng hawak kong itak. Mabuti na lang at maliksi itong kumilos. Kung nagkataon ay tagpas ang braso ng lalaki. "Lintik ka! Huwag mo akong ma-what's wrong - what's wrong, Puti! Akala mo'y hindi ko alam na ikaw ang humaharang para hindi ako matanggap sa trabaho! Animal ka! Umalis na nga ako sa rito, panay pa rin ang panggugulo mo sa akin!" malakas na sigaw ko. Pagkatapos ay muling itinaas ang itak kong hawak. At balak patamaan ang lalaki. Iwan ko ba. Para nawala na yata ako sa katinuan o baka sa labis na inis ko rito. Sa ikalawang pagkakataon ay muling nakailag si Mr. Alexis. Kaya ang tanging natamaan lamang ay ang sofa. At dahil sa ginawa kong pagtaga sa sofa ay nasira iyon. Sobrang bilis din nang mga kilos nito. Hanggang sa mapunta na siya sa aking likuran. Nagulat pa nga ako nang sapilitang inagaw nito mula sa kamay ko ang hawak kong itak. Wala naman akong nagawa sa lakas ng lalaki. Hanggang sa tuluyan na nga nitong makuha sa aking kamay. Lalo namang kumulo ang aking dugo. Hindi ko ring matanggap na nakuha na lang nito nang walang kahirap-hirap ang aking itak na bagong pa lang. "Paano ba iyan? Hawak ko na ang itak mo. Wala ka nang puwedeng ipang-taga sa akin," nakakalokong sabi ni Mr. Alexis White. Naikuyom ko lang ang mga kamao ko. Pagktapos ay agad na tumalikod para umalis na sa opisina nito. "Ayaw mo ba akong maging bagong boss mo, Miss Maya? Malaki akong magpasahod," narinig kong anas ng lalaki. Napahinto naman ako sa paglalakad. "Ayaw ko!" mariing sabi ko rito. At tangka na sanang humakbang muli. "Okay. Pero ipapaalala ko lang sa 'yo. May utang ka sa akin." Kumunot ang noo mo sa mga pinagsasabi nito. "Utang? Nahihibang ka na ba, Mr. White?!" "Hindi ako nahihibang. Remember, winasak mo ang aking sofa. Hindi naman ako papayag na hindi mo iyon bayaran. Ang mahal pa naman ng sofa ko. Hmmm! Kung may pera ka naman, bayaran mo na lang," anas nito sa akin. Dahan-dahan naman akong tumingin sa sofa ng lalaki. Pagkatapos ay ngumiwi rin ako nang makita kong sira nga iyon. Paktay ako nito. Hindi puwedeng basta na lang akong gumastos ngayon lalo at wala pa akong trabaho. Ayaw kong pulutin sa kangkongan. "Ikaw ang may kasalanan kaya nasira ang sofa mo, Mr. White!" "Wala akong kasalanan sa 'yo. Mahilig ka lang maghinala. Hmmm! Kung wala kang pambayad si July na lang ang tatawagan ko, mapera naman ang iyong kaibigan." Mabilis pa sa alas-kwatrong bumaling ako sa lalaki. Nanlilisik ang mga mata ko ng tingnan ko ito. Parang gusto kong magbuga ng apoy para maluto na ang animal na lalaking ito. "Huwag mong idadamay ang aking kaibigan!" pasigaw na anas ko. "Okay, magtrabahao ka sa akin. Madali naman akong kausap, Miss Alcose," seryosong sabi ni Alexis. "Paano kung ayaw ko?!" sagot ko rito. "Hmmm! Bayaran mo ang sofa na nasira mo!" "Magkano ang sofa?" "One hundred thousand pesos, Miss Alcose." "One hundred thousand? Ang mahal naman noon?!" reklamo ko. "Hindi naman ako bibili ng mumurahing gamit lamang, Miss Alcose." Parang napipi yata ako sa halagang sinabi nito. Saang planeta ng mundo ko hahanapin ang perang one hundred thousand pesos. Peste! Mukhang nagkalintik-lintik na ang buhay ko. Naman! Lalo nang lumala. "K-kung hindi ko makakabayad sa 'yo, si July ba ang pupuntahan mo?" "Yes, dahil magkaibigan kayo. Hindi naman ako papayag na hindi mo mabayaran ang sofa na iyong nasira. Sa panahon ngayon ay wala ng libre," walang paligoy-ligoy na sabi ni Alexis. Nahilot ko ang aking ulo. Nakakahiya kung kay July pa akong manghihiram ng pera. Libre na nga akong pinatira nito sa bahay nila. Aba! Ang kapal na ng mukha ko noon. "Ano, Miss Alcose. Magtatrabaho ka ba sa akin? Kung ayaw mo naman, puwede ka nang umalis. Ako na lang ang bahalang kumausap kay July." "Okay, fine. You win!" naiinis na turan ko. "Mabuti kung ganoon. Sige na, magsimula ka na," utos nito, pagkatapos ay muling bumalik sa harap ng table nito at naupo. "Mr. Alexis. Baka naman puwede mong sabihin sa akin kung ano'ng magiging trabaho ko sa 'yo?" tanong ko rito. Pero ang ngiti ko'y talagang pilit lamang. Tumingin naman siya sa akin. "Simula ngayon--- magiging alalay na kita. Lahat nang ipag-uutos ko ay dapat mong sundin, Miss Alcose," seryosong sabi nito sa akin. "Okay, tatanggapin ko. Ano ang una mong ipag-uutos, kamahalang Puti?" labas sa ilong na tanong ko sa lalaking abnormal na yata. Hindi muna nagsalita ang lalaki. Bagkus ay nakatingin lamang siya sa akin. Parang kinakabisado ang aking mukha, ganoon din ang katawan ko. Parang nangilabot ako sa klase ng titig nito sa akin. "Make me some coffee, Miss Alcose." "Okay po, Mr. Alexis," sagot ko rito. Pagkatapos ay naglakad na ako papunta sa pantry. Hindi naman ako nagtagal sa loob. Agad kong ibinaba sa ibabaw table ang kape. "Sir, here's your coffee." Hindi naman nagsalita ang lalaki. Tiningnan lamang nito ang kape. Kumunot din ang noo noo. "Bakit ganiyan kaputla ang kape? Para na iyang bangkay sa putla. Palitan mo!" pagalit na utos sa akin ng lalaki. Marahas na lang akong nagbuntonghininga. Pagkatapos ay muling kinuha ang tasa na may nakalagay na kape. At muling dinala sa pantry. Pagdating sa loob ay halos itak-tak ko ang kape. Para hindi nito masabing maputla na parang bangkay. Pagkatapos ay muling bumalik sa boss kong sinto-sinto. Walang salitang ibinaba ko ang tasa na may kape sa ibabaw ng table. Hindi na naman nagreklamo ang lalaki. Nakita kong kinuha nito ang tasa, pagkatapos ay dinala sa labi nito. "Damn it, woman! Papatayin mo ba ako?!" pasigaw na tanong nito. Nakita ko ring binuga nito ang kapeng nasa bibig nito. "Hindi naman ako ganoon kasama. Grabe ka na mang magbintang, Sir. Kahit ako'y ganito lamang ay hindi ko naisip na patayin ka. May takot pa rin ako sa panginoon," salaysay ko. Ngunit ang mukha ko'y parang iiyak na. Pero ang totoo ay drama ko lang iyon. Hinding-hindi ako iiyak sa harap ng sinto-sintong lalaking ito. Never! "Huwag mo akong dramahan, hindi bagay sa 'yo, Miss Alcose!" paasik na sabi ng lalaki sa akin. Pairap tuloy akong tumingin dito. "Oh! I see! Tama nga ang hinala ko," anas nitong umiiling pa. Magsasalita pa sana ako. Nang bumukas ang pinto. Sabay kaming lumingon doon Mr. White. "Alexis, puwede mo ba akong samahan?" tuloy-tuloy na litanya ng babaeng pumasok dito. Hindi pa ako nakikita ni Jahaiza. Sapagkat kay Alexis lamang nakatutok ang mga mata nito. "No! Marami kong gagawin ngayon!" tanggi ng lalaki. Sabay upo. Muling lumapit si Jahaiza kay Alexis. Nakita ko ring kinuha ng babae ang tasa ng kape at basta na lang iyong ininom. "s**t! Sinong baliw ang nagtimpla nito?!" palatak ng babae, sabay buga ng kape mula sa ibig nito. Hanggang sa mapatingin sa akin si Jahaiza. Nanlilisik ang mga mata nito. "You! Ano na namang ginagawa mo rito?!" pasinghal na tanong nito. "Hmmm! Simula ngayon, ako na ang magiging kasama ni Mr. White," taas ang kilay na sabi ko. "Bakit, ikaw?!" "Aba! Malay ko. Itanong mo sa kanya. Kung bakit ako. At hindi ikaw, Miss Jahaiza Fronda." "Alexis, totoo ba ang sinabi ng babaeng ito?" "Yes, kung wala ka nang itatanong. Puwede ka nang umalis, Jahaiza," seryosong sabi ni Alexis. At binalik ang mga mata sa kanyang ginagawa. Nakita ko namang sumama ang mukha ng babae. Hindi yata nito nagustuhan ang pagtataboy ng lalaki rito. "Ayaw ko. Saka, nakakapagtampo ka naman, Alexis. Dapat ako na lang ang kinuha mo, kaysa ang babaeng iyan!" pasigaw na sabi ni Jahaiza. Ngunit walang tugon sa lalaki, tila nga wala itong naririnig. Bigla naman akong napangisi. So, gusto pala nitong maging alalay ni Alexis. Hmmmm! Kaya naman dali-dali kong kinuha ang spin mop. Pagkatapos ay binigay ko sa babae. "Miss Jahaiza, heto ang mop. Linisan mo ang tiles dahil sa kapeng ibinuga ninyo. Tapos--- muli mong ipagtimpla ng coffee si Mr. Alexis. Kapag natapos mo iyan. Ay ipagluto mo siya ng turtang talong. Bilisan mo nang kilos, kasi sayang ang oras," walang prenong sabi ko rito. Ako naman ay naupo sa sofa. At tila donya. Sabay tingin ulit kay Jahaiza. "Pinagloloko mo ba ka, Alcose?!" pasigaw na tanong sa akin ni Jahaiza. "Hindi! Di ba gusto mong ikaw ang kuhanin na alalay ni Mr. Alexis, right? So, ako na ang magpaparaya. Sige na, magtrabaho ka na, binabayaran ang oras mo rito!" pasinghal pa na turan ko. "Please, shut up!" dumagundong ang malakas na boses ni Alexis. Habang nakatingin sa amin ni Jahaiza. "Mr. Puti, siya naman ang..." Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang suminyas itong huwag akong magsalita. "Miss, Maya, igawa mo ako ng Eggplant shake!" Ano raw? Eggplant shake, mayroon bang ganoong shake? "Mr. Alexis, may Eggplant shake ba?" "Uutos ba kita kung wala, 'di ba?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD