Nanlilisik ang mga mata ng lalaki habang nakatinging sa akin. Parang gusto akong kasalin nito. Ngunit hindi ako natatakot dito. Dahil ito ang nagsimula. Gumanti lamang ako.
"Huwag mo akong ma-f**k-f**k diyan. Mr. Puti. dahil ikaw ang nagsimula!" pasinghal na sabi ko sa lalaki. Kaya ayon lalong nagsalimbayan ang kilay nito sa pagtaas.
Malakas din akong humalakhak. Kasi mukha na itong unggoy, dahil sa putik na pinahid ko sa mukha nito. Hanggang sa makita kong balak nitong buksan ang pinto ng kotse niya. Nagmamadali tuloy akong tumakbo papalayo sa lalaki.
Aba! Mahirap nang maabutan nito. Naku! Baka ibugsok ako sa kanal. Walang lingon-lingon at matulin akong tumakbo. Hanggang sa makarating ako sa aking bahay. Inilock ko muna ang pinto bago ako tuluyang pumanhik sa aking silid at nagtuloy na sa banyo.
Nagmamadali naman akong nag-shower. Pagkatapos ay muling nagbihis. Isang black na t-shirt at pantalong maong ang suot ko. Pinatuyo ko muna ang aking buhok. At nang alam kong tuyo na ay muli akong lumabas ng gate.
Hindi ako natakot kung makakasalubong ko Mr. White. Tuloy pa rin ang balak ko na maghanap ng trabaho. May dumaan sa aking harapan na tricycle. Laking tuwa ko dahil pinasakay ako ng driver.
Pagdating sa aking pupuntahan ay agad akong nagbayad at bumaba ng tricycle. Tuloy-tuloy lang ang aking paglalakad. Hanggang sa matanaw ko ang malaking groceries. Naghahanap yata sila ng magiging casher. Kaya naman malalaki ang mga hakbang ko para lang makalapit doon.
"Miss, mag-apply sana akong bilang casher. Available pa ba?" tanong ko sa babae.
Hindi muna ito nagsalita. Ngunit tintigan ako sa mukha ko.
"Sorry, Miss Alcose. Nakakuha na po kami ng bagong casher rito," anas ng babae. Kumunot naman ang aking noo.
"Kilala mo ako? Teka lang. Hindi pa nga ako nagpapakilala sa 'yo," anas ko sa babae at may pagtataka sa aking mukha.
"Hindi po kita kilala, Miss. Baka namali ka lang nang dinig," sagot nito. Subalit ramdam kong kinakabahan ito.
Hindi na lamang ako nagsalita. Pero hindi ako puwedeng magkamali nang dinig. Tinawag nito ang aking apilyedo. Walang imik na lamang akong tumalikod para muling naghanap nang puwede kong mapasukan ng trabaho.
Sa patuloy kong paglalakad ay natawan ko naman ang isang groceries ulit. Kaya naman malalaki ang mga hakbang ko para lang makalapit dito. Subalit katulad nang una ay hindi rin ako natanggap.
Peste! Dahil malas yata ako ngayon. Ngunit hindi pa rin ako sumusuko. At naghanap pa rin ng puwede kong pamasukan. Hanggang sa matanaw ko ang hindi kalakihang karinderya. Puwede na siguro iyon kahit taga hugas ng plato. Agad naman akong nagtanong. Laking tuwan ko dahil agad akong natanggap.
Subalit--- hahawakan ko pa lang ang plato na huhugasan ko'y lumapit na sa akin ang may-ari ng karinderya.
"Hija, pasensya. Ngunit kailanga na kitang alisin dito," anas ng may-ari.
"Pero bakit po?" nagtataka na tanong ko.
Hinawakan naman nito ang aking kamay. "May isang lalaking pumunta rito. At nagbanta na oras na kuhanin kita ay sisirain niya ang aking karinderya. Ayaw kong madamay sa away ninyong magnobyo. Saka, huwag ka nang magtrabaho, mukhang billioniare ang nobyo mo..." pabulong na sabi ng babae.
Dahil sa sinabi nito ay--- bigla kong naisip si Mr. Alexis. Hindi kaya siya ang lalaking iyon? Peste! Dahil ito lamang ang aking kaaway. Baka gumaganti ito dahil sa ginawa kong paghilamos ng putik sa mukha niya.
"Mr. White. Humanda ka sa akin! Gusto mo ng gulo, ha..." galit na bulong ko pa. Pagkatapos ay nagmamadaling umali sa harap ng babae. Hindi ko na nga nakuhang magpaalam dito.
Para akong susugod sa laban dahil sa bilis nang mga hakbang. Ngunit bago pumunta sa teritoryo nito ay bibili muna ako nang puwede kong ipanglaban sa lalaki. Hanggang sa mapatingin ako sa aking kaliwa.
Bigla akong napangisi. Hmmm! Bakit hindi? Iwan ko lang kung hindi ito maihi sa takot. Aba! Kahit ako'y babae ay marunong yata akong makipaglaban. Naalala kong bago mamatay si Itay ay ito ang nagturo sa akin kung papaano makipaglaban. Pinaaalala rin nitong huwag akong magpapaapi kahit isa akong babae.
Iyon nga lang. Maaga silang kinuha sa akin. Kasalukuyan kasing nasa dagat sina inay at itay. Nang biglang lumakit ang alon. Dahilan para silan ay malunod. Nakita naman ka agad ang kawatan nila. Ngunit wala nang buhay.
Para akong isang sisiw nang mga panahon na iyon. Mabuti na lang palaging nasa aking tabi si July. Hindi ako pinabayaan nito, kahit nga hanggang ngayon ay palagi pa rin akong kinakamusta nito.
Marahas na lang akong napabuntong. Pagkatapos ay pumasok sa tindahan ng blacksmith shop. Tuloy ako sa loob. Hanggang sa mapatingin ako sa isang mahabang patalim.
"Magkano po itong itak?" tanong ko.
"700 pesos ang presyo ng itak, hija," anas ng lalaki sa akin
Walang pagdadalawang isip na kinuha at binayaran ko ang itak. Inayos naman nito nang pagkakabalot ang itak. Pagkatapos ay binigay sa akin. Hanggang sa lumabas na ako ng blacksmith shop.
Hindi ko kailangan sumakay ng taxi dahil hindi naman kalayuan ang Mall na kung saan ako dati nagtatrabaho. Nakita naman ako ng guard. Ngumiti lamang siya sa akin. Hindi na nga nito tiningnan ang aking dala-dala.
Alam kong nasa loob ng opisina si Puti. Narinig ko kasi ang mga bulungan ng ibang mga staff dito. Bago pumunta sa lalaking pakay ko ay hinanap muna ng mga mata ko si Andak. Na saan kaya ang babaeng iyon?
Ngunit--- wala akong makita kahit bulto ng aking kaibigan. Baka busy ito ngayon? Kaya naman, nagdesisyon na lang akong pumunta sa opisina ng lalaking animal na 'yun.
Tuloy-tuloy akong pumasok sa elevator. Napataas ang kilay ko nang makita ko si Jen Jen. Pairap naman akong tiningnan nito.
"Ano'ng ginagawa mo rito? Akala ko ba'y pinatalsik ka na sa Mall na ito? Ano'ng dahilan at bumalik ka pa?!" pasinghal na tanong sa akin ng babae.
"Nagbalik ako dahil mayroon akong puputulan ng dila. Masyado kasing matabil, kahit wala namang katutuhan ang mga pinagsasabi!" anas ko. Sabay labas nag itak na dala-dala ko. Inalis ko rin ito kaluban.
Bigla akong tumingin kay Jen Jen. "Ang sabi nila kapag bagong bili raw ang itak. Hindi raw matalim. Hmmm! Puwede ko bang subukan sa 'yo, Jen Jen?" seryosong tanong ko.
Nakita ko namang namutla ito sakot. Kaya nang bumukas ang elevator ay nagmamadali itong lumabas kasama ng mga babaeng kasama nito. Ako naman ay lumabas na rin.
Halos liparin ko makarating lang sa opisina ng lalaking iyon. Napansin ko naman ang secretary nitong si Miss Kim. Nakatalikod ito habang may kausap sa telephone. Kaya sinamantala ko ang pagkakataon habang busy pa ito.
Malakas kong sinipa ang pinto ng opisina ni Puti. Pagkatapos ay itinaas ko rin ang hawak kong itak.
"Mr. Alexis Puti. Ngayon mo ako harapin!" malakas na sigaw ko. Habang papalapit sa lalaki.
"s**t!" bulalas nito at maliksing umalis sa kinauupuan nito. Dahil tatamaan ito ng hawak kong itak.
"Tatagpasin ko ang ulo mo, Puti!"