Ang Hagdan 12

1223 Words
Kamot-kamot akong umalis sa harap nito. Nag-iisip kung may Eggplant shake ba? Pagdating naman sa loob ng pantry ay agad akong lumapit sa refrigerator at binuksan ko ito. Bumungad ka agad sa akin ang mga talong. Bigla kong nahilot ang aking noo. Paano ba naman. Nakaramdam na naman ako ng pagka-umay. Hanggang sa bigla akong mapangisi. Dahil mayroon akong naisip na kalokohan. Lahat ng talong sa loob ng refrigerator ay kinuha ko. Inilagay ko sa isang plastic bag. Pagkatapos ay naghanap ako ng lugar na puwede ko roong itago. Saka, hindi pa ako nahihibang para gumawa ng eggplant shake. Nang alam kong hindi na ito makikita ay saka naman akong lumabas ng pantry. Para sabihin sa boss kong sinto-sinto na wala ng stock na talong sa loob ng refrigerator. Paglabas ko ng pantry ay nakita ko agad ang boss ko. Ganoon din si Jahaiza. Hindi naman nag-uusap ang dalawa dahil busy ang lalaki. Ang babae naman ay nakasimangot dahil hindi ito kinakausap ng binata. "Excuse me, Mr. White. Ipapaalam ko lang po na wala ng stock na mga eggplant sa loob ng refrigerator," sabi ko pa. Lumingon naman sa akin ang lalaki. Ngunit nakakunot ang noo. Hindi yata nito nagustuhan ang aking sinabi. "Paano nangyari na wala ng talong sa loob ng refrigerator? Eh, kalalagay ko pa lang kanina roon," nagtatakang turan nito. "Aba! Hindi ko rin alam kung bakit walang talong sa loob ng refrigerator," pa-ingos na sabi ko. Hindi naman nagsalita ang lalaki. Bagkus ay nakatingin lamang siya sa akin. Mayamaya pa'y kinuha nito ang cellphone. Parang mayroon yatang i-text ang lalaki. Bigla naman akong kinutuban sa ginagawa ng lalaki. Hanggang sa muling ibaba nito ang phone at nagpatuloy sa kanyang ginagawa. Hindi na rin ito nagsalita pa. Hindi pa halos umaabot ng kalahating oras nang may kumatok sa pinto ng opisina ni Mr.white. Dali-dali akong lumapit para buksan iyon. Subalit--- parang gusto kong panghinaan nang makita ko ang isang plastic na talong na dala-dala ng isang lalaki. "Miss, heto na po ang mga talong na pinadadala sa akin ni Mr. White," anas ng lalaki sa akin. Nakangiwing kinuha ko ang plastic bag na may mga talong. Peste! Akala ko'y makakaligtas na ako. Dahil tinago ko na ang mga eggplant na nakalagay sa loob ng refrigerator. Tapos heto, mayroon pa pala. Jusko po! Walang kamatayang talong. Kailan ba matatapos ito? Parang gusto ko na lang magkulong sa loob ng bahay ko para wala na akong makitang talong. "Miss, ayos ka lang?" narinig kong tanong sa akin ng lalaking nasa harapan ko. Hinawakan pa nga ako sa aking balikat. "Gred, get out of here!" Sabay kaming nagulat ng lalaking na sa harapan ko, nang marinig namin ang malakas na sigaw ni Mr. White. Bigla ring inalis ng lalaki ang kamay niya sa aking balikat. "Sorry po, Mr. White," magalang na sagot ng lalaki. Sabay tungo ng ulo. Pagkatapos ay nagmamadali na itong umalis sa aking harapan. Ako naman ay labis na nagtataka sa inasta ng boss kong sinto-sinto. Kawawa naman ang tauhan nito. Bigla na lang hiniyawan. "Miss Alcose, dalhin mo na ang mga iyan sa loob ng refrigerator. Huwag ka nang magluto dahil may pupuntahan tayo!" pagalit pa ring sabi ng lalaki. Hindi na lamang ako nagsalita. Nagtuloy-tuloy na akong pumunta sa loob ng pantry. Inayos ko lang ang mga eggplant. Pagkatapos ay agad din akong umalis dito. "Let's go!" pagalit na pagyaya sa akin ni Mr. White. Napansin kong wala na rito sa loob ng opisina si Jahaiza. Pinaalis na yata ng lalaki. Lalo at mayroon daw kaming pupuntahan. Walang salita na sumunod na lang ako rito. Kahit na nang makarating kami sa harap ng kotse nito at makapasok sa loob ay hindi pa rin nagsasalita ang lalaki. Hanggang sa matulin nitong pinatakbo ang sasakyan. "Mr. White. Kung gusto mong mamatay, mauna ka na. Susunod na ako!" pasigaw na sabi ko, dahil sa sobrang bilis nang pagpapatakbo ng kotse nito. Ngunit tila walang, narinig ang lalaki. Bagkus ay mas lalo pang nitong binilisan, pakiramdam ko tuloy ay papunta na kami sa langit na walang hanggang. "Ahhhh!" malakas kong sigaw, dahil bigla nitong kinabig sa kaliwang daan. Hanggang sa manlaki ang mga mata ko dahil sa mga putok ng baril sa likurang bahagi ng kotse namin. Peste! Katapusan ko na yata? Hanggang sa muli na namang ikinabig ang manibela sa kanan. Naku! Mabuti na lang at naglagay ako ng seat belt. Kung hindi, baka kanina pa bukol- bukol ang ulo ko. Bigla ko ring tinakpan ang aking dalawang tainga. Dahil sa mga putok ng baril. Lalo namang nagtambulan ang aking dibdib sa kaba. Dahil naglabas na rin ng baril ang lalaking kasama. Pagkatapos ay magkakasunod na kinalabit ang gatilyo ng baril nito. "Marunong kang magdrive ng kotse Maya?" "Naku! Hindi po, Mr. White!" tudo tanggi ko. Habang nakapikit ang mga mata ko. "Ano lang ang alam mo?!" pasinghal na tanong sa akin ng lalaki. "Simpre, ang kumain ng talong. Ano pa ba?!" walang prenong sagot ko rin sa lalaki. Wala naman akong narinig na salita mula rito. Hanggang sa marinig ko ulit ang mga palitan ng putok ng baril. Kaya naman hindi ko mapigilan ang magdasal. "Oh! Diyos ko po! Please! Huwag mong pahintulutang mamatay ako agad. Wala pa po akong asawa. Kahit boyfriend ay wala pa rin. Saka, na ninyo ako kuhanin kapag may lalaki nang tumanggap sa akin!" malakas na dasal ko. Subalit, naririnig ko pa rin ang palitan ng putok ng baril. Sa buong paligid. Kahit na mabilis ang pagpapatakbo nito ay dinig na dinig ko pa rin. "Puti! Bakit ba isinama mo pa ako? Nakakainis ka! Kung gusto mong mamatay, ikaw na lang sana. Gusto ko pang mabuhay dahil virgin pa ako! Hindi pa man lang ako nakakatikim ng langit! Peste ka talaga!" malakas na sigaw ko sa lalaki. "Hayaan mo! Mamaya ay ibibigay ko sa 'yo ang langit na gusto mo!" galit na sagot nito sa akin. Sasagutin ko na sana ang sinabi nito. Nang biglang huminto ang kotse. Nagmamadaling lumabas ang lalaki habang may hawak ng baril. Hanggang sa marinig ko ang magkakasunod na putok ng baril sa labas. Medyo nawala lamang ang aking kaba nang tumigil na ang putukan. "Bastard!" narinig ko pang sabi ni Mr.white. Nang makapasok dito sa loob ng kotse. Pagkatapos ay biglang tumingin sa akin. Hanggang sa maliksi itong nakalapit sa akin. Agad din nitong inalis ang seat belt sa aking katawan. "Teka! Ano'ng gagawin mo, Mr. White?!" pasigaw na tanong dito. Bigla na naman akong kinabahan. Lalo sa titig nitong nakakamatay. "Ano pa ba? Eh, 'di ibibigay ko sa iyo ang langit na gusto mo!" anas nito. Sabay hawak sa aking panga. Ngunit hindi naman ako papayag na gawin nito ang gusto niya. Bigla na lang umigkasa ng kamay ko. Sabay sapak dito. Kaya lang nahawakan nito ang aking kamao. "Bitawan mo ako!" sigaw ko sa lalaki. "Bakit ko gagawin iyon? Di ba gusto mo ng langit? Pwest! Ibibigay ko sa 'yo ka agad, Miss Alcose..." bulong ng lalaki. Pagkatapos ay unti-unting inilapit ang labi niya sa aking labi rin. Mayamaya pa'y bigla nitong sinunggaban ng aking chin, gamit ang mainit na bibig nito. Walang pakundangang iyong sinipsip. Hindi ako makagalaw lalo at inipit niya akong talaga. "Nasa hagdan pa lang tayo. Pero nagwawala ka na agad sa sarap, Miss Alcose..." pabulong na sabi sa akin ng lalaking sinto-sinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD