Box 8

1028 Words
"Huwag kayong lalapit sa akin! Hindi!" malakas na sigaw ko nang nakita kong maabutan na nila ako. Sobrang bilis kasi nilang tumakbo. Daig na daig ang mga zombie na nang hahabol. "Nandiyan na kami, aking Maya!" narinig ko pang sabi anas ng isang talong. Hanggang sa tuluyan na nila akong naabutan. Dahil talagang maliksi ang mga pagkilos nila. "Oh! No! Huwag!" sigaw ko nang sobrang lakas at halos mapatid na yata ang aking litid. Subalit hindi pa rin nagpaawat ang mga talong. Hanggang sa buhatin nila ako at dalhin sa ibabaw ng sofa. "Ano'ng gagawin ninyo sa akin?!" ma-ngiyak-ngiyak na tanong ko. "Wala naman. Papasok lang kaming lahat diyan sa bibig mo," anas ng isang talong. Lalo naman akong natakot dahil sa aking narinig. Mayamaya pa'y pumunta na sa ulunan ko ang dalawang talong at sapilitang ibinuka ang bibig ko. Kahit anong pagpupumiglas ko'y wala pa ring nangyayari, sapagkat hindi ko kaya ang lakas nila. "Ako ang unang papasok sa bibig mo," biglang sabi ng isang talong. At naghanda na nga ito. "Huwag. . .!" malakas na sigaw ko. "Ha?!" bulalas ko. At mabilis na bumangon mula sa pagkakahiga ko sofa. Ramdam ko rin ang pawis sa aking noo. Hanggang ngayon ay sobrang lakas pa rin ng kabog ng aking dibdib. Naikot ko tuloy ang mga mata ko sa buong paligid. Hanggang sa mapatingin ako sa isang sako ng talong. Parang nagtaasan din ang mga balahibo ko sa aking balat. Parang totoo talaga ang aking panaginip. Saka, damang-dama ko pa rin sa akin balat ang hawak nila sa akin. Tila nag-iwan iyon ng marka. Akala ko'y totoo na ang lahat, na balak akong gahasain ng tatlong talong na iyon. Ang masama pa'y balak pumasok sa aking bibig. My Gosh! Ang sama ng aking panaginip. Hindi matanggap ng kaluluwa ko iyon. Nahilot ko tuloy ang aking noo. Jusko po! Hindi na talaga ako kakain ng talong. Halos araw-araw kasi ay iyon ang ulam ko. Sa umaga, sa hapon at sa gabi. Kaya siguro binangungot na ako. Para mahimasmasan ay nagpunta na lang ako sa banyo para maligo. Baka init lang ng katawan ang nangyari sa akin. Agad akong tumapat sa ilalim ng shower para maligo. "Ahh!" bulalas ko pa nang tuluyang lumapat sa aking katawan ang malamig na tubig. Parang gumaan din ang aking pakiramdam nang matapos akong maligo. Matapos magbihis ay muli akong bumaba para maghanda nang makakain ko. Nagbukas lang ako ng delata. Dahil ayaw ko nang mag-ulam ng talong simula ngayon. Sa tuwing naiisip ko ang aking panaginip tungkol sa talong ay parang nasusuka ako. Lalo na at buhay na buhay sila at nagsasalita. Kasalukuyan akong kumakain ng hapunan nang marinig ko ang malakas na kalabog sa bubong ng bahay. Tila may ibinato roon. Kaya naman nagmamadali akong lumabas para alamin kung anong nangyari roon. Pagdating naman sa labas ng bahay ay agad kong nakita ang tatlong pirasong talong sa ibaba. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang binato sa bubong ng bahay ko. Anak ng tinapa! Sino namang baliw ang may gawa nito? Talagang hindi ako titigilan ng animal na iyon, ah! Kuyom ang mga kamao. Pagkatapos ay nagmamadaling lumapit sa gate para tingnan kung may tao ba roon. Ngunit wala naman akong makita. Asar na asar tuloy akong pumasok sa loob ng bahay. Kahit masama ang aking loob ay kinuha ko pa rin ang mga talong sa ibaba. Bukas na bukas ay ibenta ko ito. Dadalhin ko sa harap ng palengke. Para magkaroon naman ako ng pera. Hindi ko naman ito kakainin, eh, pagkakakitaan ko na lang. Muli akong bumalik sa hapagkainan. At nagpatuloy sa pagkain. Nakakailang subo pa lang akong kumain ng marinig kong nagring ang telephone sa sala. Kahit naiinis ay tumayo pa rin ako para sagutin ang tumatawag sa telephone. "Hello," anas ko agad. "Good Evening po, Ma'am. Si Maya Alcose po ba ito?" tanong ng lalaki sa kabilang linya. "Yes, sino ito?" tanong ko pa. "Nandiyan ka po ba sa bahay ninyo? Maghahatid po sana ako ng order mo galing shopee, Ma'am," narinig kong anas ng lalaki sa kabilang linya. Nagsalubong naman ang mga kilay ko. Teka, nag-oder ba ako sa shopee? Parang wala naman akong matandaan, ah. "Kuya, wala naman akong order sa shopee. Nagkakamali ka yata. Baka hindi ako iyan." "Maya Alcose po ang nakalagay rito. Hindi po ba ikaw si Maya, Ma'am?" tanong ni Kuya sa akin. "Ako si Maya, ngunit hindi ako nag-order sa shopee, kuya. Baka nagkakamali ka lang na ako iyan," sagot ko pa rito. "Ganoon po ba, Ma'am. Saka, bayad na rin po ito." Parang biglang nagliwanag ang buong paligid ko nang marinig kong bayad na raw iyon. "Hmmm! Kuya, akin pala iyan. Nakalimutan ko lang pala na nag-order ako, noong nakaraang araw. Sige po, pakidala na po rito sa aking bahay," tuloy-tuloy na litanya ko. At may ngiti sa aking labi. "Sino kayang nagpadala noon? Ang swerte ko naman..." bulong ko nang maibaba ko ang telephone. Mayamaya siguro ay nandito na rin ang delivery boy. Nagdesisyon muna akong bumalik sa kusina. Pero hindi na ako kakain, dahil nawalan na ako ng gana. Mas excited ako sa e-dedeliver sa akin ngayon. Hanggang sa marinig kong may nagdoorbell sa gate. Malalaki ang mga hakbang ko para lang makaring sa labas ng bahay. Agad kong binuksan ang gate. At bumungad ka agad sa aking harapan ay ang lalaking delivery boy. "Ma'am Maya Alcose po ba?" tanong niya sa akin. "Yes, ako nga po," masayang sagot ko sa lalaki. Agad ko namang kinuha ang box na hindi kalakihan. Napangiti na naman ako nang palihim dahil makakakuha ako ng bagay na hindi naman ako ang nag-order. Sabihin nang bad ako. Aba! Sayang din ito. "Maraming salamt po, Kuya," anas ko. Pagkatapos ay agad akong pumasok sa loob ng bahay. Inilock ko muna ang gate. Mahirap nang masalisihan ng mga magnanakaw. Pagdating sa sala ay agad kong binuksan ang box. Kaya lang tagaktak na ang aking pawis ngunit hindi ko pa rin tuluyang nabubuksan ang kahon. Parang gusto ko nang mairita ng mga oras na ito. Pinagloloko yata ako ng nagpapada nito. Hanggang sa tuluyan kong makita ang laman ng box. Parang gusto kong tumalong sa tuwa. Subalit---?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD