Hindi Kayo Totoo! 7

1168 Words
"Naku! Sir, okay ka lang po ba?" tanong kong labas sa aking ilong. Kung ako ang tatanungin ay kulang pa ang ginawa ko rito. Dapat may tadyak at kasal pa sana iyon. Puwede ring kagat sa leeg nito. Para magtanda ang lalaki. Ang bastos naman kasi nito. Gwapo sana, kaso mahalaay. Malikot pa ang kamay nito. "Yeah! I'm okay, kinagat lang ako ng lamok," seryosong sagot sa akin ng lalaki. Pero mas kakaiba na ang titig niya sa akin. Tila, tagos-tagusan na sa loob ng katawan ko. Bigla ring naglingunan sa amin ang tatlong babaeng nasa harapan namin. Pero imbes na magtaka sila ay tila kinikilig pa ang tatlo dahil sa gwapong mukha ni Mr. Alexis. Hindi na lamang ako nagsalita pa. Hanggang sa bumukas ang pinto ng elevetor. Nakita kong na unang maglakad ang boss namin, kaya sumunod na lamang ako rito. Pansin ko ring papunta na naman kami sa loob ng opisina ng lalaki. Kaya ayon, bigla na namang kumabog ang aking dibdib sa kaba. "Sir, Alexis, may meeting po kayo ng ala una ng hapon kay, Mr. Allen," magalang na sabi ng secretary nito, na si Miss Kim. Nakita kong tumango lamang ang lalaki at nagtuloy-tuloy nang pumasok sa loob ng opisina niya Tumingin naman ako sa babae. "Mukhang mainit ang ulo ni Mr. Alexis. Hindi kaya matudas ako sa loob ng opisina niya...?" pabulong na tanong ko kay Miss Kim. Napatawa naman siya sa aking sinabi. "Kapag nilapa ka niya, dalawa lang ang pagpipilian mo. Ang tumakbo papalabas ng opisina niya o magpalapa na lamang sa kanya. Kasa, hindi ka na lugi sa kanya, Miss Alcose, kasi ang gwapo naman niya..." pabulong na sabi sa akin ni Miss Kim. Nanlalaki tuloy ang mga mata ko. Maloko rin pala ito. "Miss Alcose!" sabay kaming nagulat ni Miss Kim. dahil sa malakas na sigaw ni Sir, Alexis, mula sa loob ng opisina nito. "Tinatawag ka na, bilisan mo at baka itapon ka sa labas ng binta," natatawang pagbibiro sa akin ni Miss Kim. "Tatakbo na lang ako papalabas ng opisina niya kung gagawin niya iyon sa akin," sagot ko sa babae. Pagkatapos ay nagmamadali na akong pumasok sa loob ng office nito. "Bakit ang tagal mo?!" pasinghal na tanong sa akin ni Mr. White. Hindi tuloy ako nakapagsalita. Nakatingin lamang ako sa aking boss. Nagulat kasi ako sa malakas na sigaw nito. Pakiramdak ko'y may nagawa akong mali kaya ako sinigawan. Iyon ang hindi ko matanggap. "Make me some coffee!" galit pa rin na utos niya s akain. "Ayaw ko! Saka, bakit kita ipagtitimpla? Hindi naman ako ang iyong Secretary. Ang layo naman ng sales lady sa pagiging taga timpla mo lang ng kape, Mr. White. Saka, ayaw ko nang magtrabaho sa Mall na ito. Aalis na ako!" asar na sabi ko lalaki. Pagkatapos ay nagmamadali akong tumalikod para lumabas ng opisina ng lalaki. Hindi ako magtitiis sa ganoong ugali. . . Bastos na suplado. Siguro naman ay makakapasok pa ako sa ibang Mall. "Maya, bakit nagmamadali ka?" tanong sa akin ni Andak nang makita ako. "Uuwi na ako. Kukunin ko lang ang mga gamit ko at aalis na ako sa Mall na ito. Hindi ko feel ang pag-uugali ng bagong may-ari ng Mall na ito!" asar na sumbong ko sa aking kaibigan. Nakita ko namang nalungkot ito. "Hindi ako puweding umalis dito. Alam mo namang kailangan ko ang trabahong ito, dahil ako lang ang inaasahan ni Ama at Ina," turan ni Andak at nasa boses nito na parang iiyak na. "Huwag kang mag-alala, kasi palagi pa rin tayong magkikita. Kung may problema ka, huwag kang mahihiyang lumapit sa akin, Andak," anas ko sa aking kaibigan. "Salamat, Maya," anas nito. Hanggang sa magpaalam na ako rito. Kinuha ko lang aking mga gamit. Pagkatapos ay nagmamadali na akong lumabas ng Mall. Nakakita naman ako ng jeepney na masasakyan. Nagmamadali akong sumakay sa loob. Hindi naman nagtagal ay nakarating na ako sa bahay na aking tinutuluyan. Tuloy-tuloy ko lang na binuksan ang gate at agad na pumasok sa loob ng kabahayan. Pabagsak akong nahiga sa sofa nang makapasok ako sa loob. Bukas na lang ako mag-iisip kung saan ako mag-apply ng trabaho. Kasa, kahit papaano naman ay may ipon ako simula ng magtrabaho ako sa Mall na iyon. Hindi na rin ako nagtangka na magpalit ng damit ko. Nahiga na lamang ako sa sofa. Kailangan ko munang ipahinga ang aking isipan. Ang dami kasing nangyari, simula kaninang umaga hanggang sa umalis ako ng Mall na iyon. Parang nanibago tuloy ang utak ko, dahil sa kaguluhang kinasasamgkutan ko. . . Marahas akong nagbuntonghinga. Pagkatapos ay tuluyan na akong nakatulog. Subalit, hindi pa halos malalim ang tulog ko nang marinig ko ang pag-doorbell ng gate. Ayaw ko pa sanang tumayo, dahil antok na antok pa ako. Ngunit sadyang makulit ang taong nasa labas ng gate. Kaya ang labas ay tumayo akong nakapikit pa ang mga mata ko. Tuloy-tuloy akong labas ng bahay hanggang sa buksan ko na ang gate. Subalit bigla akong napatda at nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko ang tatlong pirasong talong sa harap ng gate ng bahay ko. Ang nakaka-shock pa'y gumagalaw sila. Mayroon din silang kamay at mata. Para silang tao na hugis talong. At dahil sa pagkagulat ko, ay hindi ka agad ako makapagsalita. Jusko po! Dahil kakaiba talaga ang aking nakikita ngayon. Kaya ang ginawa ko'y makailang beses kong kinusot ang aking dalawang mata. Pagkatapos ay muling nagmulat muli. Pero, ganoon pa rin ang aking nakikita. Dahil nandito pa rin ang tatlong talong sa aking harapan. "Hmmm! Mga eggplants, mali yata kayo ng bahay na kinakatok. Hindi kasi ako kumakain ng talong na buhay," baliw na anas ko pa. "Hindi! Tama ang aming pinuntahan. Ikaw ba si Maya Alcose?" sabay-sbaay na tanong sa akin ng tatlong talong. Muli na naman akong na-shock. At napanganga rin ang aking bibig. Paano ba naman, sumagot ang tatlong talong. Jusko po! Totoo ba ito? May talong na buhay at nagsasalita pa? "U-Umalis kayo sa harapan ko. Hindi kayo totoo!" pasigaw na sabi ko at duro rin sa tatlong talong na nandito. "Maya, totoo kami. Tingnan mo, oh, buhay na buhay kami. Kasa, kaya kami nandito para paligayahin ka," anas ng isang talong. Natakot na naman ako sa sinabi nito. Napaurong rin ako ng wala sa oras. "Huwag kayong lalapit!" pasigaw na utos ko. Habang humahakbang nang paurong. Nasa mukha ko rin ang labis na takot sa mga talong na buhay. "Huwag ka nang pumalag pa, Maya! Masasarapan ka naman sa gagawin naming tatlo," sabay-sabay na sabi ulit ng mga buhay na talong. "Hindi! Hindi kayo totoo!" sigaw ko, sabay takbo papasok sa loob ng bahay. "Totoo kami Maya!" muling anas ng tatlong talong. Lumingon ako para tingnan kung nakasunod sila sa akin. "My Gosh!" bulalas ko. Dahil nakasunod sila sa akin. Ang masama pa'y tumatakbo rin sila at hinahabol ako. "Maya! Nandiyan na kami!" narinig kong sigaw ng mga talong. "Oh! No!" Jusko po! Tulungan ninyo ako! Gagahasain ako ng mga talong!" malakas na sigaw ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD