Naglublob Sa Kanal 9

1577 Words
Okay na sana, eh, kasi may perang lamang ang box. Kung hindi ako nagkakamali ay mga limang libo ito. Kaya lang ang kinapangit lamang sa money na ito ay mayroon tatak na hugis eggplant ang likuran. Kuyom ang mga kamao ko ng mga sandaling ito. Inis na inis ako. Hindi ko alam kung baliw ba ang taong nagpadala ng perang may tatak na talong. Okay na sana, eh. Tatalong na sana ako sa tuwa. Pero naudlot pa ang sayang nakapaloob sa akin. Parang gusto kong manakal ng tao. Hindi ba nito alam na umay na umay na ako sa talong. Marinig ko pa lang ang salitang eggplant ay nasusuka na ako. Nakakasura naman talaga, oh! Ang nakakainis lang ay labis akong nag-efforts sa pagbukas. Pinagpawisan din ako ng malapot, tapos ang makikita ko lang ay ito. Matatanggap ba ito? Kapag bumili ako sa Jollibee? Naman! Nakakasura talaga, oh! Hindi ko tuloy mapigilan na sipain ang box. Pagkatapos ay nagmamadali akong pumanhik sa aking kwarto para matulog. Dahil bukas ng umaga ay maaga akong magigising para magtinda ng talong malapit sa palengke. Paglapat ng aking likod sa kama ay agad akong nilamon ng kadiliman. Kinabukasan, naging ako sa alarm clock na nag-iingay tabi ko. Pipikit-pikit pa ang mga mata ko nang tumayo. Sa banyo, ako unang nagpunta para maligo. Nang lumapat sa aking katawan ang malamig na tubig ay roon lamang nagising ang diwa ko. Pagkatapos maligo ay nagmamadali na akong nagbihis. Hindi na nga ako kumain dahil sa isang karinderya na lang ako kakain. Pagpunta sa sala ay agad kong hinila ang isang sakong talong para ilabas ng gate. "Sana, mapaubos ko ang mga talong na ito. Para magkaroon naman ako ng income rito..." bulong ko. Sabay ngiti. Paglabas ng gate, ay may dumaan namang tricycle sa harapan ko. Agad akong sumakay sa loob. Tinulungan pa nga ako ng driver para maipasok ang isang sakong eggplant sa loob. "Miss, may taniman ba ng talong sa bahay mo?" tanong sa akin ng driver. "Ah. . . Eh. . . mayroon po yata, Manong," alanganin na sagot ko sa driver. "Yata, Miss? Parang hindi ka sigurado?" kunot ang noo na tanong sa akin ni Manong. Napakamot muna ako sa aking ulo. "Hmmm! Kasi po, pinadala lang ito sa akin para ibenta ko," nakangising anas ko. "Ibebenta mo iyan, Miss? Magkano naman ang isang kilo. Para makabili ako." Bigla akong napangiti ng palihim. "Manong, bilhin mo na itong lahat. 500 pesos na lang itong isang sako," anas ko sa driver. "Puwede po bang 400 pesos na lang. Ito na lang kasi ang pera ko, Miss," anas ng lalaki. "Sige, Manong, kuhanin mo. Para makauwi na ako. May mga gagawin pa kasi ako," anas ko. Puwede na 'yung 400 pesos. Kaysa naman, magtiis ako roon sa harap ng palengke. Saka, umay na umay na talaga ako sa mga talong na ito. Gusto ko nang alisin sa aking paningin. Agad naman binigay sa akin ng driver ang 400 pesos. Kaya muli akong bumaba ng tricycle nito. Tuwang-tuwa naman ang lalaki. Siguro'y ibebenta rin ito. Bahala na ito sa mga talong na iyon. Siguro naman ay tutubo roon si Manong. Kasi mahal ang mga gulay ngayon. Nagdesisyon na lang akong bumalik sa bahay. Para maghanda sa balak kong paghanap ng bagong trabaho. Sana lang ay makakita ako. Pagdating sa bahay ay agad akong naghanda para sa aking plano. Pagkatapos ay muli akong lumabas ng kabahayan. Paglabas ng gate ay wala akong makitang masasakyan ko, kaya ang ginawa ko'y naglakad-lakad na lang para makarating sasakyan ng Jeepney. Mayamaya pa'y may namataan akong tricycle. Agad ko iyong tinawag para sumakay. "Miss, hindi ka puwedeng sumakay, pasensya na," anas ng driver. Napanganga naman ako. Magsasalita pa sana ako, ngunit agad nang umalis ito sa aking harapan. Kakamot-kamot na lang ako sa aking ulo. Kaya naman muli na naman akong nagpatuloy sa paglalakad ko. Hanggang sa tuluyan na akong makarating sa sakayan ng jeepney. Nakita ko naman ang isang jeep na hindi pa halos napupuno. Kaya naman nagmamadali akong lumapit dito. Ngunit--- hinarang naman ako ng isang lalaki. Kunot noo na tumingin ako rito. "Ano'ng problema mo, kuya?!" asar na tanong ko. "Sorry po, Miss. Pero bawal kang sumakay sa aking jeep. Bawal po kasi ang babae. Puro mga lalaki lang ang pinapasakay ko," anas nito sa akin. Bigla tuloy napataas ang aking kilay. May pumasok din na kakaiba sa utak ko. Hmmm! Hindi kaya bakla ang driver na ito? Kahit gusto kong ngumiti ay nagpigil ako. "Sa ibang jeep ka na lang sumakay, Miss. Pasensya na talaga," kakamot-kamot na sabi nito sa akin. Ngumit naman ako nang matamis dito. "Ano ka ba? Ayos lang iyon," sabi ko pa, sabay tapik sa balikat ng lalaki. Hindi na lang ako nagpahalata na alam ko na agad na binabae ito. Tumalikod na lang ako sa lalaki para maghanap ulit ng masasakyan. May nakita naman akong jeep sa kaliwa. Kaya nagmamadali akong lumapit para sumakay roon. Subalit mayroon na namang humarang sa akin. "Bakit na naman?!" nasusurang tanong ko sa driver. "Senior citizen ka ba? Kung Senior ka na, ipakita mo muna sa akin ang iyong id na isa ka na ngang Senior," abnormal na saad ng lalaki sa akin. Nanlilisik ang mga mata ko na tumingin sa lalaki. Sa totoo lang ay gusto ko na itong tadyakan sa itlog na ito. Para maging malasado na. "Pinagloloko mo ba ako, kuya? Ano'ng tingin mo sa akin! Isang matandang gurang na?!" pasinghal na tanong ko. At halos sigawan ko ito sa mukha. "Pasensya na, Ma'am. Pero sinusunod lang naman ang mga pinag-uutos. Kung wala kang maipapakita na id na pang Senior citizen. Humanap ka lang po ng ibang masasakyan mo," anas nito sa akin. Kaunti na lang talaga. At mapapatid na ang pagtitimpi ko. Baka makasakal ako ng tao. Napahilamos tuloy ako sa aking mukha. "Peste naman, oh!" malakas na sigaw ko pa. "Miss, sasakay ka ba?" Napalingon ako boses na nagsalit mula sa likuran ko. Maliksi akong lumingon. At tumambad sa harap ko'y isang lalaking nakasumbrero. May suot din itong salamin sa mata. Isabay pa ang balbas nito na malago na. Malaki rin ang tono ng boses nito. "Oo sana. Papaalis na ba ang jeep mo? Nagmamadali kasi ako," anas ko. "Opo, Ma'am. Papaalis na. Hinihintay lamang na maipasok ang mga sako-sakong talong sa loob," sagot nito sa akin. "Talong? Kuya naman! Baka naman kargahan ng gulay ang jeep mo!" naaasar na sabi ko. "Sasakyan nga po ng mga gulay, Miss. Ngunit puwede ka naman sumakay sa aking jeep. Saka, mukhang nagmamadali ka. Kaya isasakay na lang kita," anas ng lalaki sa akin. Parang nawala naman ang inis ko. Puwede na siguro akong sumakay sa jeep nito. Titiisin ko na lang na makita ang mga talong na nakakaumay sa aking paningin. Kaysa naman maglakad ako. "Sige po, kuya. Sasakay na ako sa jeep mo," anas ko, sabay ngiti ng matamis sa lalaki. "Sumunod ka sa akin, Miss," utos nito. Natutuwang sumunod ako sa lalaki. Nakita ko naman agad jeep nito. Napansin ko rin ang sako-sakong talong na nasa loob. Teka, saan pa ako sasakay roon. Eh, punong-puno na ang loob ng jeep. Ay baka sa unahan ng sasakyan. Tumigil naman ang lalaki sa harap ng pintuan ng sasakyan. Hanggang sa nagtaka na ako dahil bilga itong yumuko. "Miss, bilisan mo. tumungtong ka na sa aking likuran para maka-akyat ka sa ibabaw ng bubong." Nawala ang masayang ngiti sa aking mukha. Napahinto rin ako sa paglalakad. Kuyom ang mga kamao ko habang nakatingin sa lalaking nakayuko. "Pinagloloko mo ba ako, kuya?!" Lumingon siya sa akin. "Hindi! Bakit ko namang gagawin iyon. Saka, hindi naman panloloko ang sinabi ko, ah. Ayaw mo bang sumakay sa aking jeep?" "Papasakayin mo nga ako sa jeep mo. Pero sa taas ng bubong mo ako isasalpak. Pinagloloko mo ba ako? Nakikita mo naman ang bihis ko, 'di ba? Bakit hindi na lang ang mga talong na iyan ang ilagay mo sa itaas ng bubong. Para roon ako sa loob sumukay!" "Hindi ko puwedeng gawin iyon. Baka mahulog ang mga talong. Kung ikaw ang nasa taas ng bubong ay hindi ka basta-basta mahuhulog, kasi puwede kang humawak, Miss. Hindi katulad ng mga eggplant ko. Hindi sila makakahawak," baliw na sabi ng lalaki. Animal yata ang lalaking ito, ah! "Hindi na ako sasakay sa jeep mo. Mas nanaisin ko pang maglakad kaysa, sumakay sa bubong!" pasigaw na sabi ko. Pagkatapos ay nagdadabog akong naglakad. Siguro'y magtataxi na lamang ako. Kaya ang ginawa ko'y naglakad-lakad na muna at baka may dumaang taxi. Subalit--- bigla akong napasigaw nang malakas nang dumikit sa aking damit ang tubig na marumi. Dahil sa kotseng dumaan. Gusto kong maluha sa galit. Anak ng tinapa. Hindi ba nito nakita ang tubig sa gilid ng daan? Lalong kumunot ang aking noo nang makita kong muling bumalik ang pesteng kotse. Pagkatapos ay himinto sa ultimong harapan ko. Mayamaya pa'y bumukas ang bintana ng sasakyan. "Miss, Maya Alcose, What happened to you? Saang kanal ka nang lublob?" abnormal na tanong sa akin ni Mr. White. Pesteng puti ito! Nagtanong pa talaga sa akin kung saan ako naglublob na kanal. Ang kakangilig pa ng lamang loob ko ay ang ngiting mapang-asar ng lalaki. Hindi na ako nakapagtimpi at hindi na rin ako nandiri sa putik na nasa aking harapan. Maliksing dumakot ako roon, pagkatapos ay nagmamadaling lumapit sa lalaking nakangisi pa rin sa akin. Walang babalang hinilamos ko sa mukha ni Mr. Alexis White. "f*****g s**t!" sigaw ng lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD