Ang Malikot Na Kamay Ni Alexis 6

1122 Words
Parang hindi matanggap ng katawang lupa ko na mayroon sumampal sa akin. Dahil buong buhay ko'y hindi pa ako sinasaktan lalo na ang ibang tao. Kahit noong nabubuhay pa ang mga magulang ko ay hindi man lang ako nakaranas na saktan nila. Tapos ngayon, sa isang iglap lang ay may isang tao ang basta na lang lumapit sa akin at walang habas akong sinampal. Eh, hindi nga niya ako pakain! Aba nga naman! Hindi yata ako papayag ng ganoon. Nanlilisik ang mga mata ko nang tumingin sa babaeng nasa harapan ko. Hindi ko na hinintay na magsalita pa ito. Maliksing umangat ang isang paa ko patungo sa sikmura nito at ubod lakas ko siyang sinipa. "Ahh!" malakas na sigaw ni Jahaiza. Hanggang sa bumagsak ito sa malamig na tiles. "Maya! Ano'ng ginawa mo kay Miss Jahaiza?!" pasigaw na tanong sa akin ni Jen Jen. At nagmamadaling lumapit sa babaeng modelo para alalayan itong tumayo. "Siya ang na unang nanakit, gumanti lamang ako!" palatak na sagot ko kay Jen Jen. "Gumanti? Nag-iisip ka ba? Alam mo bang si Miss Jahaiza ay business partner ng big boss ng Mall na ito! Tapos sasabihin mo gumanti ka lang sa kanya? Nag-iisip ka ba, Maya?!" pasingal na tanong sa akin ni Jen Jen. "Oo, nag-iisip ako. Hindi ako katulad ng iba riyan, nagpapaapi, porket alam na mayaman. Aba! Ibahin ninyo ako! Excuse me!" paasik na sabi ko. Sabay talikod sa dalawang babae. Subalit, bigla akong napahinto sa aking balak na paghakbang dahil nakita ko lang naman si Mr. Alexis. Seryoso itong nakatingin sa akin. Habang ang isang kamay nito ay nasa bulsa ng pants na suot niya. "Alexis! Nakita mo bang ginawa sa akin ng staff mo? Hindi na ako ginalang," palatak na sabi ni Jahaiza. Sabay lapit sa lalaki at halos yakapin na nito ang binata. "No! Hindi ko nakita. Ngunit may cctv camera ang buong Mall. Kaya malalaman ko kung ano talaga ang totoong nangyari. Don't worry, Jahaiza. Oras na mapatunayan kong may mali ang aking tauhan, ako mismo ang magpaparusa sa kanya," seryosong sabi ni Mr. White, habang nakatitig pa rin sa mukha ko. "Alexis, kahit naman hindi na tingnan ang cctv camera, ay nandiyan naman si Jen Jen para magpatunay na sinapa ako ng iyong staff. Dapat sa mga ganiyang bayolente na tao ay tinatanggal sa Mall na ito. Baka maging sakit lang siya ng ulo mo, Alexis. Puwede ring manakit siya ng mga customer rito," anas ni Jahaiza. "Tama po, Miss Jahaiza, Sir. Saka, kitang-kita ng dalawang mata ko ang ginawa ni Maya. Hindi na po ako magtataka roon, kasi ilang customer na rin sa Mall na ito ang sinaktan niya. Hindi ko lang alam kung bakit hindi siya pinaaalis ng dating may-ari," singit naman ni Jen Jen. Kuyom ang mga kamao ko dahil sa mga sinabi nitong kasinungalingan kay Mr. White. Hinintay ko naman ang sasabihin ng bagong boss namin. "Kung basta lang siyang nananakit ng tao, eh, 'di sana wala na siya sa Mall na ito. Kilala ko ang dating may-ari ng gusaling ito. Hindi iyon magtitiyaga sa mga staff na bayolenteng tao!" mariing sabi ni Mr. Alexis kay Jen Jen. Dahil sa sinabi nito ay parang medyo nakahinga ako ng maluwag. Saka, tama naman si Mr. Alexis. Hindi ako aabot ng taon dito kung basta na kang akong nananakit ng tao. "Let's go. Gusto kong tingnan natin nang sabay-sabay ang cctv camera. Gusto kong maging patas tayo rito!" seryosong sabi ulit ni Mr. White. Nakita ko naman hindi matanggap ni Jahaiza ang sinabi ni Mr. Alexis. "Iwan ko sa 'yo, Alexis. Ako na nga ang nasaktan. Parang ako pa rin ang lumalabas na masama sa iyong, paningin!" pasigaw na sabi sa ni Jahaiza. Pagkatapos ay nagmamadaling umalis. Tinawag pa nga nito si Jen Jen. Agad naman sumunod ang babae. "Bagay nga silang magsama, mga sinungalin..." mahinang bulong ko. "Follow me, Miss Alcose," seryosong sabi ni Sir, Alexis sa akin. Pagkatapos ay tumalikod ito. Ako naman ay nakatunganga pa rin. Bigla ring kumabog nang malakas ang aking dibdib. My Gosh! Parang gusto ko na lang umuwi sa bahay ko. Para tuluyang makalayo sa lalaki. "Miss Alcose, did you hear me?" "N-Nandiyan na po, Sir," kabadong sagot ko kay Mr. Alexis. Kahit parang tinatambol ang aking dibdib ay napilitan pa rin akong sumunod sa lalaki. Pakiramdam ko'y muli na naman akong makikipagbuno kay Mr. Alexis White. Tumigil naman ito sa paghakbang nang tumapat sa pinto ng elevator. Ako rin naman ay huminto sa likuran ng lalaki. Mayamaya pa'y tuluyan nang bumukas ang pinto. Hinintay ko namang humakbang ang lalaki bago ako sumunod dito. Nakita ko namang sumandal pa ito nang makapasok na sa loob. Tumalikod na lamang ako sa aking boss nang makapasok na rin ako sa loob. Saka, ayaw ko kasing makita ang pagtitig nito sa akin. Feeling ko'y para akong inaalisan ng damit. Ngunit mali yata ang ginawa kong pagtalikod sa lalaki. Kasi naman ramdam na ramdam ko ang titig nito mula sa aking likuran. Parang tumatagos sa loob ko. Jusko po! Ano bang ginagawa ng lalaking ito? Hindi kaya'y gahasain ako rito sa loob ng elevator? "Relax, Miss Alcose, wala pa akong gagawin sa 'yo. . . Nagbabalak pa lamang. Kaya huwag ka munang kabahan..." mapang-akit na bulong niya sa akin. Ang lalo pang nakakakaba ay lumapit pa ito sa aking likuran. Ramdam ko rin hinawi nito ang aking buhok. Pagkatapos ay mas inilapit ang labi niya sa aking batok. Kaya damang-dama ko ang mainit niyang hininga. "Kung may gagawin man ako sa 'yo, titiyakin kong masasarapan ka, Miss Alcose..." Magsasalita na sana ako, ngunit nakita kong magbubukas na ang elevator. Kaya lang ay mabilis ang kamay ni Mr. Alexis. Nakita kong pinindot nitong muli ang button. "s**t! Ano'ng balak ng lalaking ito sa akin?" mahinang tanong ko sa aking sarili. Bigla naman nanlaki ang mga mata ko nang madama ko ang kamay ng lalaki sa aking likod pababa sa aking beywang. Hanggang sa mapunta sa aking hita na naka-expose. "S-Sir---" "Shhh! Alam mo bang na aadik ako sa amoy mo..." "Sir, mali po ito," anas ko sabay layo sa lalaki. Saktong namang muling tumigil ang elevator. At bumukas iyon, pumasok naman ang tatlong babae. "Good Morning po, Mr. White," pagbati ng tatlong babae. Wala naman akong narinig na sagot mula sa lalaki. Seryoso pa rin ang mukha nito. Hanggang sa, muling magsara ulit ang pinto. Kaya lang wala pa halos minuto. Gumapang na naman ang malikot na kamay ng lalaki sa aking puwet. Parang gusto kong manapak dahil pinisil lang naman nito ang aking puwetan. Hindi lang isang beses o dalawang beses, kundi apat na beses pang nilamas iyon. Kaya ayon, umigkas tuloy ang kamao ko papunta sa nguso nito. "Fvck!'?" malakas na sigaw ng lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD