"S-Sir, h-hindi na po tama ang ginagawa mo sa akin," nauutal na awat ko sa lalaki.
"Hindi tama? Alam mo bang lahat ng aking ginagawa ay palaging tama..." mapang-akit na bulong nito sa aking puno ng tainga.
Isabay pa ang paggapang ng labi nito sa aking gilid ng leeg. Kaya lalong nangilabot ang buong katawan ko. Tila nagtayuan din ang mga balahibo ko sa aking balat. At para bang gusto ring pumikit ng aking mga mata. Ngunit hindi ako puwedeng maakit sa lalaking ito. Lalo at big boss ito ng Mall na kung saan ako nagtatrabaho.
Mayamaya pa'y nanlaki ang mga mata ko nang marinig kong mayroon kumakatok sa pinto ng opisina ni Mr. White. Maliksi tuloy akong napatayo mula sa kandungan nito. Ayaw pa nga nitong bitawan ang aking beywang, ngunit nagpumilit talaga akong umalis.
Malalaki rin ang mga hakbang ko papalapit sa pinto para buksan iyon. At nang ma-open ko na ang pintuan ang tumambad sa aking paningin ang isang babaeng sobrang ganda. Tila isa itong manika. Subalit nakakatakot itong tumingin.
"Who are you? Bakit nandito ka sa loob ng opisina ni Alexis?" galit na tanong nito sa akin. Parang bigla akong natakot dahil iba kung makatingin ang babae sa akin. Parang gusto akong sakalin.
"M-May pinag-uutos lang po sa akin si Sir, Ma'am," malumanay na sagot ko sa babae.
"Pinag-uutos...?!"
"Jahaiza! Ano'ng ginagawa mo rito? Hindi naman kita pinapupunta rito!"
Sabay kaming napalingon ng babaeng maganda kay Sir, Alexis. Saka, ang pangalang sinambit ng boss ko ay parang kilala ko. Hindi kaya si Jahaiza--- ay si Jahaiza Fronda? Ang sikat na modelo sa ibang bansa?
Nasundan ko na lang ng tingin ang babae habang papalapit sa aking big bos.
"Panay ang tawag ko sa 'yo, ngunit hindi mo man lang sinasagot. Tapos madadatnan ko rito na may kasama kang babae!" narinig kong sabi ni Jahaiza.
"Jahaiza, hindi ko kailangan magpaliwanag sa 'yo. Saka, hindi kita girlfriend para punahin mo ako. Kung wala ka namang ibang sasabihin sa akin, puwede ka nang umalis may gagawin pa kami ni Miss Alcose," pagtataboy ni Mr. White sa babaeng modelo.
"At ano namang gagawin ninyo? Hindi! Hindi ako aalis ng opisina mo!" pasinghal na sabi ni Jahaiza Fronda. Pagkatapos ay nagtuloy-tuloy na naglakad papunta sa sofa. At basta na lang na upo roon.
"Wow! My favorites!" narinig kong palatak ni Jahaiza. Bigla rin akong napatingin sa tinitingnan nito at sinasabing favorites daw nito. Napansin kong nakatingin ito sa mga talong na niluto ko para kay. Mr. White.
Hindi na ako nakapagsalita nang makita kong sunod-sunod na sumunod ng talong si Jahaiza at panay rin ang kain nito ng kanin. Napangiti na lang dahil ang cute nitong tingnan kapag kumakain.
"Miss Alcose, lumabas ka na muna. Ipapatawag na lang kita kapag may ipag-uutos ako sa 'yo," biglang sabi at pagtataboy sa akin ni Mr. White.
Dahil sa tinuran nito ay nagmamadali akong lumabas ng opisina ng lalaki at baka magbago pa ang isip nito. At muli akong pabalikin para magluto ulit ng eggplant. Malalaki ang mga hakbang ko hanggang sa makarating ako sa aking pwesto.
"Hoy! Maya, ano'ng sinabi sa iyo ng bagong may-ari ng Mall?" tanong sa akin ni Andak at bigla na lang sumulpot sa harapan ko.
"Wala naman, may inutos lamang siya sa akin. Anas ko rito, habang patuloy na inaayos ang mga items na nagulo.
"Wow! Mag swerte mo naman! Kasi nakaharap mo ang bagong may-ari ng Mall na ito. Ano, gwapo ba siya?" tanong nitong kinikilig, nakita ko pa nga ang pagpikit-pikit nito ng mga mata niya.
"Oo, gwapo. Kaso masungit lang. Saka, noong umalis ako sa office niya may babaeng dumating doon, ang pangalan ay si Jahaiza Fronda. Hindi ako puwedeng magkamali, alam kong modelo iyon," anas ko kay Andak.
"Jahaiza Fronda? Oh, My Gosh! Kilala ko iyon. Isang sikat na modelo. Heto ba ang picture niya," anas ni Andak. Sabay kuha ng cellphone at may pinindot doon. Pagkatapos ay agad na pinakita sa akin ang isang babaeng mala-angel sa ganda.
"Oo, siya nga, ang babaeng nasa loob ng opisina ng big boss ng Mall na ito. Ang ganda niya sa personal. Kaya lang parang suplada," anas ko sa mahinang tinig at baka may makaranig sa amin.
"Ano ka ba, Maya. Ganiyan talaga kapag mayaman. Simpre, hindi sila bababa sa katulad natin. Lalo at hindi niya tayo ka-level. Baka nga ang tingin sa atin ng mga iyon ay kuto lamang," anas muli ni Andak, sabay iling ng ulo.
"Oo, tama ka. Kung baga, isang basura lamang ang tingin sa atin," sagot ko rin sa aking kaibigan.
"Hoy kayong dalawang! Puro kayo daldal. Mga chismosang palaka!" Sabay kaming napalingon sa aming likuran nang marinig namin ang boses ng isang babae. At ang tumambad sa aming harap ay si Jen Jen. Isa sa mga katrabaho namin sa Mall na ito.
"Ano bang problema mo?!" asar na tanong dito ni Andak.
"Ano'ng problema ko. Kayong dalawa ang problema ko. Dahil naiinis ako sa mga pagmumukha ninyo. Puro kayo daldal. Wala pa kayong natatapos!" pasinghal na bulyaw sa amin ni Jen Jen.
Nagtitimping tumingin ako rito. Nakakapagtaka ang babaeng ito. Dahil galit na galit sa amin ni Andak. Wala naman kaming ginagawang masama rito.
Balak ko na sanang magsalita nang makarinig kami ng mga bulong-bulungan sa paligid.
"My Gosh! Siya pala ang bagong big boss ng Mall na ito? Jusko po! Ang aking panty parang biglang nawala ang garter," narinig kong anas ng isang babaeng katrabaho ko.
Umangat naman ang aking ulo para tingnan kung tama ngang si Mr. White ang pinag-uusapan nila. Nakita ko naman agad ang bulto ni Mr. White. Subalit bigla akong napatungo, dahil napansin kong panay ang lingon nito sa buong paligid. Tila ba mayroon hinahanap ang lalaki.
Kahit alam kong hindi ako ang hinahanap nito ay bigla pa rin akong kinabahan na iwan. Tumalikod na lang ako para lumayo sa karamihan ng tao.
"What are you doing here? May katagpo ka ba rito? Malayo na ito sa karamihan ng tao, ah?!"
Biglang napaunat ang aking likod nang marinig ko ang boses na iyon mula sa aking likuran. Parang tinambol din ang aking dibdib sa kaba. s**t! Bakit nakita pa rin ako nito?
"S-Sir, i-inaayos ko lang po itong mga items," nauutal na sagot ko sa aking big boss.
"Talaga...?" mahinang anas ng lalaki.
Hanggang--- sa bigla niya akong ipaharap sa kanya. Inilagay rin nito ang kanyang dalawang palad sa parihas gilid ko. Kaya nakulong ako sa gitna nito. Nagpakatungo-tungo tuloy ako ng aking ulo. Pakiramdam ko kasi'y sobrang pula ng aking mukha.
"Are you afraid of me, Miss Alcose?"
"H-Hindi po, Sir," kabadong sagot ko.
"Look at me, Miss Alcose."
Magkakasunod muna akong napalunok. Pagkatapos ay dahan-dahan kong inangat ang aking mukha para tingnan ang bagong boss ko. Nakita ko agad ang gwapong mukha nito. At mata naman ng lalaki ay parang nakakadala kapag tumititig. Hindi ko kayang salubungin ang mga titig ni Mr. White. Parang ina-hipnotismo ako nito.
Kaya ako na lang ang kusang sumuko sa titigan namin ng lalaki. Subalit--- ang tangka ko sanang pag-iwas ng tingin ay pinigilan nito. Hinawakan lang naman nito ang aking mukha para hindi matuloy ang pag-iwas ko rito.
"Nakakabaliw ka, Miss Alcose..."
Napaawang ang aking labi dahil sa mga pinagsasabi nito. Subalit mas nawindang ako nang walang ano-ano ay sakupin niya ng halik ang labi ko. Ramdam ko ring kinagat nito ang ibang labi ko.
"Damn it!" bulalas ng lalaki. Matapos akong halikan. Nagmamadali namang umalis ito sa aking harap. At tila inis na inis.
"So, ikaw pala ang babaeng kinahuhumalingan ni Alexis!"
Napalingon ako sa boses na iyon. At ang tumambad lang naman sa akin ay ang mukha ni Jahaiza Fronda. Nakikita ko rin sa mga mata nito ang galit sa akin.
"Miss Jahaiza, w-wala po kaming relasyon ni Sir, Alexis," kabadong anas ko.
Subalit--- sinalubong naman ako nito nang sampal sa aking mukha. Sobrang na shock ako sa ginawa nito.
"Stay away from Alexis, hindi kayo bagay. Isa kang hampas lupang walang maipagmamalaki!"